Kabanata 4.

6K 246 101
                                    


ANTONET

MASAMA. Masamang panaginip ang nagpagising sa 'kin.

"Inay… Tatang…"

"Tonyang! Magmadali ka aalis tayo!" Kaagad na bungad ni Teacher Rowan. Gulong-gulo ako. Aalis kami sa islang ito? Ano'ng dahilan?

Nagmamadali si Teacher at ang mga bestida ko ay kanya nang isinilid sa itim na sako.

"Magmadali ka. Aalis tayo ngayong araw." Pagkatapos ay lumabas ito. Pinahid ko ang mga luha at itinapak ang mga paa sa malamig na kawayan. Hinanap ng mga mata ko si Sergio at Teacher Rowan. Nakita ko sila sa sala habang nagmamadali si teacher sa pag e-empake ng mga damit.

"Ano'ng nangyayare?" Hindi naman sumagot si Sergio na nakadungaw lang sa bintana. Pero maya-maya lang ay pinatay na nito ang sigarilyong hawak at hinila ako.

"Aalis tayo ng isla." Walang emosyong sabi n'ya. Nakasunod naman si Teacher. Takip silim kaya't walang katao-tao sa daan. Naririnig ko na ang pag hampas ng malalaking alon na ilang kilometro lamang ang layo sa amin.

"Rowan ano'ng oras na? Asan na 'yung mangingisda?" Mainit ang ulo na pagkakasabi ni Salbaheng Sergio kay teacher.

"Sandali lang Pards. Kinokontak ko na nga e."

"Pards? Ano 'yon teacher?"

"Ah wala Tonyang. Mamaya kana sasagutin ni Teacher ha may assignment tayo ngayon. Dapat makinig tayo kay Master Sergio."

"Ahhh… Master Sergio." Sabay tingin ko rito.

"Puro ka kalokohan. Ayusin mo ang pinapatrabaho ko sa 'yo." Inis na sabi ni Sergio sungit.

"Master na rin ba ang itatawag ko sa 'yo?" Tanong ko rito ngunit hindi ako pinansin. Napaka salbahe talaga. Hindi nag tagal at may naaninag kaming tao. Papalapit na ito sa amin habang may hawak hawak na lampara.

May inabot s'yang bagay kay teacher. Sasakay daw kami ng barko. Nagmadali naman sila sa pag sampa ng barko at inalalayan ako.

"Ang ganda." Manghang-mangha ako sa bawat nakikita ng aking mga mata. Ang laki n'ya.

"Grabe ang ganda naman dito. Ang lawak ng espasyo."

"Maupo kana muna Tonyang o matulog ka. Si Master Sergio na ang bahala sa 'tin." Nakangiting sabi ni teacher.

"Pero Teacher hindi na ako inaantok e. Pag natulog ako mapapanaginipan ko lang si tatang at ang inay." Pinilit ko na lang na hindi maluha baka kasi magalit si Master pag nakita n'ya akong umiiyak. Ang salbahe pa naman no'n.

"Mahahanap natin ang inay mo Tonyang. Dito ka muna ha. Kakausapin lang ni Teacher si Master." Nanonood lamang ako kay Teacher Rowan habang papalapit kay Sergio. Bahala s'ya hindi na Master ang itatawag ko sa kanya tutal sinusungitan n'ya ako.

Hindi ko alam kung ano'ng pinag uusapan nila pero para bang ang seryoso nilang tignan. Mahangin sa barko kaya't niyakap ko ang sarili. Malakas din ang simoy ng hangin kasabay nang paghampas ng tubig.

"Kahit ano pa 'yan, sa 'yo parin ang loyalty ko… Captain." Dinig kong sabi ni teacher na nakangiti sabay tapik sa balikat ni Sergio. Hindi ko na pinansin 'yon dahil hindi ko rin naman maiintindihan ng lubusan.

Nagpaalam si teacher na papasok muna sa loob dahil mahangin sa labas. Dahan-dahan naman akong lumapit kay Sergio at nakita kong nakatitig lamang ito sa malayo.

"Saan tayo pupunta? Hahanapin na ba natin ang inay ko?" Tanong ko. Doon lang ata n'ya naramdaman ang presensya ko dahil sa lalim ng iniisip.

Huminga s'ya ng malalim. Naging panatag ang ekspresyon nito at tumingin sa 'kin.

Montague Series 3: Beauty in Naked |R18| On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon