Kabanata 2.

6.9K 243 40
                                    

BEAUTY IN NAKED

TAHIMIK na nakatitig si Sergio sa hawak hawak na kapiraso na papel. Hindi ito simpleng papel lamang, ito ang papel kung saan may koneksiyon sa Black Estate. Isang orginasiyon na binubuo ng apat na samahan. Hindi niya alam kung ano nga ba ang nakapaloob dito at kung bakit ibinigay sa kanya ito ng ina bago mapaslang sa digmaan. Inilagay na niya ang kapirasong papel na wala namang nakasulat sa maliit na bote na kasing laki ng hinlalaki. Kanya niya itong ikinuwintas sa leeg at itinago sa itim na pang itaas.

Bumukas ang pinto at iniluwa ang kaibigan nitong si Rowan, ang best buddy kung tawagin. Isang kapitan si Sergio na kabilang sa mga sundalo. Si Rowan, ang best buddy niya o kung tawagin ay partner in crime. Nasa puder sila nito sa kalapit na probinsiya.

"Saan ka ba napadpad at pumunta ka dito na dala dala ang dalaga?" Tukoy ng kanyang kaibigan. Napatingin naman si Sergio sa bintana at humugot ng malalim na hangin. Hindi pa tuluyang gumagaling ng husto ang kanyang mga sugat. Tumayo ito at nag lakad lakad at saka sumandal sa gilid ng bintana.

"Kamuntikan akong mapatay ng mga tauhan ni Campbell." Paninimula nito. Sumeryoso ang mukha ng kaibigan nitong si  Rowan.

"Sinasabi ko na nga ba, hindi pagkakatiwalaan ang hudas na 'yan. Kutob ko na malaki ang kinalaman niya sa pagsabog ng tubuhan." Ang huling misiyon nilang magkasama ang siyang tinutukoy nito. May nag tanim ng bomba sa anihan ng palay malapit sa tubuhan. Target nilang mapatumba ang kilalang sindikato na si Renato ngunit bigo sila sa huling misiyon dahil sa malakas na pag sabog.

Napailing na lamang si Sergio. Maging siya ay hindi makapaniwala na magagawa sa kanya ni Henry ang lahat. Si Lieutenant Henry Campbell ang kababata niya at kasabay na pumasok sa pag militar. Isang matalik na kaibigan. Kapatid ang turingan ngunit nag laho na lang ng parang bula dahil sa pagtatraydor nito sa kanya.

"Ano ang balak mo ngayon sa dalaga?" Ani ni Rowan.

Hindi pa man nakakasagot ay may malakas na silang sigaw na nadinig. Tinig na nanggagaling sa kabilang silid at alam nito kung kanino galing ang matining at masakit sa tainga na boses.

Sigaw ni Antonet

Kaagad na napatakbo si Sergio at kasunod nito ang kaibigang si Rowan. Kaagad silang pumunta sa kabilang silid nito at naabutan ang dalaga habang nagsisisigaw na pakawalan siya.

Kumunot ang noo ni Sergio, anong pinag sasasabi nito? Nanlaki ang mata ni Antonet nang makita niya ito at kaagad na lumundag mula sa kama at yumakap dito.

"Anong ginagawa mo?" Pilit na tinatanggal ni Sergio ang pagkakayakap ng dalaga. Saglit na napahinto si Antonet at pinalibot ang paningin sa buong silid.

"Diba kinuha tayo ng mga masasamang lalaki?" Sabay sulyap kay Rowan at akap muli sa matipunong bisig ni Sergio. Bakas na ang iritasiyon sa mukha ng binata. Ayaw na ayaw nitong may umaakap o humahawak sa kanya lalo pa sa taong hindi niya lubusang kilala.

"Bitawan mo nga ako." Kunot noo na si Sergio.

"Ayaw." Makulit ang pilyang dalaga lalo pa at bago sa kanya ang lahat ng nakikita.

"Mukhang mapapalaban ka diyan pare." Ani ni Rowan na nagpipigil na ng tawa.

Suko na si Sergio sa katigasan ng ulo ni Antonet. Sa sobrang pagka inosente nito ay pati sa ibang tao takot.

"Hindi ako kalaban ha kaibigan ako ni Sergio." Nakataas ang dalawang kamay ni Rowan habang inoobserbahan lamang ito ng dalaga. Sa sobrang iritasiyon ay nagsalubong ng husto ang mga kilay ng binatang si Sergio. Unang una ay mailap ito sa tao ngunit todo dikit sa kanya ang dalaga. Pangalawa, mukhang pagsisisihan pa niyang isinama ito ngunit anong magagawa niya? Hindi naman siya patatahimikin ng kanyang konsensiya.

Montague Series 3: Beauty in Naked |R18| On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon