Kabanata 3.

7.3K 295 157
                                    

BEAUTY IN NAKED

"ANG salbahe niya, bakit wala naman akong ginagawa ah. Parang tutulong lang hmmp ang suplado!" Humaba ang nguso ni Antonet dahil sa pag-sigaw sa kanya ni Sergio. Nagkulong na lamang ang dalaga sa silid nito habang nakabusangot pa rin ang mukha.

"Ang sungit talaga." Bulong nito habang kinukulot gamit ang daliri ang dulo ng buhok. Nag mumukmok at nakatunganga lamang sa kisame. Ilang sunod-sunod na pagkatok ang nadinig nito. Kaagad siyang napabalikwas ng tayo.

Binuksan niya ang pinto at nagulat siya nang makita ang kamay lamang na may hawak hawak na supot ang ipinasok sa loob. Sinilip pa ng dalaga kung sino ito at mas napanguso siya nang makita si Sergio habang nakatingin naman sa malayo. Gano'n pa rin, walang pinag bago, tahimik lamang.

Binalikan niya ng tingin ang supot na hawak ng binata. Namula ito nang kanyang makita ang ilang piraso ng bra at panty. Kaagad niyang inagaw ang supot at sumilip muli sa nakaawang na pinto. Kitang kita ang pamumula ng mukha ni Sergio at tumalikod na ito.

"Matuto kang mag suot niyan. Hindi ka na bata." Paalala nito sa dalaga at nauna ng umalis. Hindi naman gan'on ka mangmang si Antonet. Pinamulahan ito kaagad ng mukha sa labis na hiya.

ANTONET:

KAAGAD kong isinukat ang kulay pulang bra na bulaklakin. Bagay ito sa akin at kasiyang kasiya. Napangiti ako, binili niya ito para sa'kin? Ang bait naman niya. Sunod naman ay 'yung panty na kulay pula din na parang terno nitong suot ko.

"Ayan tapos na." Umikot ikot pa ako at pinagmasdan ang hubog ng aking katawan. Hinawakan muli ang dulo ng buhok atsaka ito pinaikot ikot. Nakaugalian ko na kasi itong gawin. Napangiti ako, mabait naman pala ang supladong 'yon.

"Antonet kakain na!" Dinig ko ang sigaw ni teacher. Dali dali ko ng isinuot ang kulay puting tshrit at pantalon na mahaba. Balot na balot ako ngayon. Pagbaba ko sa hagdan, aba ang gaan sa pakiramdam. Nagtatatalon talon ako at pinag masdan ang dalawang dibdib ko na sumasabay din sa pag alog. Ang gaan nga, hindi na siya gan'on kabigat.

Nakangiti akong lumingon sa gawi nila nang mapansin kong nakatingin na silang dalawa sa akin. Nakanganga at parang nagulat. Kaagad na hinila ni Sergio si teacher at tinakpan ang mga mata nito. Napaisip naman ako, ano nanaman kayang nangyare?

Lumapit ako sa kanila sa tapat ng hapagkainan nang mag salita si Sergio.

"Halika mag usap tayo." Kaagad akong hinila nito. Napakapit ako ng husto sa pangibabang damit dahil sa kaba. Ano nanaman kaya ang kasalanan ko?

Lumabas kami ng kubo at sinamaan niya ako ng tingin. Huminga ito ng malalim bago nag salita.

"Ano ka?" Tanong nito.

"Huh?" Hindi ko kasi maintindihan. Napakamot ito sa ulo at halatang nag papasensiya lamang.

"Okay ganito, magkaliwanagan tayo." Ani niya sa akin at sumeryoso muli ang mukha. Tumango tango naman ako dahil sa bagong impormasiyong masasagap.

"Ako ay lalaki, ikaw ay babae." Paninimula niya. Nanatili akong nakatingin dito habang nakikinig.

"Magkaiba tayo. Kuha mo?"

"Oo alam ko naman, ikaw may ganyan at ako may ganito." At ipinakita ko sa kanya ang kulay ng bra na binili niya.

"Antonet!" Kaagad niya akong tinakpan.

"Hindi mo dapat pinapakita sa akin 'yan!" Galit nanaman ito sa akin. Napakamot ako sa ulo.

Huminga siya muli ng malalim at napahilamos ng mukha. Tumingin muli ito sa akin.

Montague Series 3: Beauty in Naked |R18| On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon