Well I am dedicating this chapter to sointoyou06 because I love her stories <3
__________________________________________________
Prolouge
"No Jane! Hindi ako papayag na walang gawin dyan sa babaeng nanakit sayo!" Galit na sabi ko habang nakikitang umiiyak sa harap ko yung bestfriend kong si Jane, ang ayoko kasi sa lahat ay yung nasasaktan yung mga taong mahal ko.
"Please Angel... Hayaan mo nalang siya!" Pakiusap niya habang pulang pula yung mga mata.
"Wag ka ngang martyr! Nilandi landi ka ng babaeng yun tapos ganun na lang?! Iiwan ka sa ere ? Ano ka ba Jane!? Kelan ka nagpaapi ?" Naaawa na ang tono ko sa huling tanong ko.
I hugged my bestfriend, ihinilig niya lang ang kanyang mukha sa aking balikat habang tinatapik-tapik siya sa likod. Nasasaktin din ako pag nakikita ko siyang ganun. "Bakit kasi sa babae ka pa nagmahal Jane?" Malungkot na sabi ko. Lalo kong naramdaman ang paghagulgol niya. Hindi ko alam kung anong meron sa babaeng minahal niya at ganun nalang siya nasaktan. Hindi ko pa nakita hitsura ng babaeng yon eh.
"Mahal na mahal ko kasi siya, Angel.. Kahit isang linggo pa lang kami nagkakilala andami na naming pinagsamahan.. Sa kanya ko binigay lahat."
Napahawak ako sa balikat niya at saka ko siya hinarap sa akin.
"What do you mean?" Mahinahong gulat na tanong ko.
Walang isinagot ang bestfriend ko kundi isang makahulugang tango. Tango na siyang ikinahagulgol nanaman niya ng iyak.
Niyakap ko ulit siya at hinimas-himas ang kanyang likod. Naiiyak na din ako. Hindi makapaniwala na sa babae niya isusuko ang bataan. Sa katorse niyang naging nobyo ay hindi niya ginawa iyon. Kaya ganun na lang ako nangamba nang malamang sa isang babae na nakilala niya sa isang linggo lang isusuko ang pagkababae niya. Ngayon, hindi ko na siya masisisi kung bakit ganonna lang siya nasasaktan. Geez, Jane.. Ano ba tong ginawa mo.
"Angel I'm sorry.. Ginusto ko yung nangyare.. Hindi ako nagsisisi.."
Sinapok ko siya, pero mahina lang :D ..
"Arayy!" Angal niya.
"Bakit ka nagsosorry sakin ?"
"Eh kasi.. Baka layuan mo na ko.. baka nandidiri ka na sakin." Malungkot niyang sabi at seryoso.
Lalo ko siyang niyakap ng mga sandaling iyon. Mas mahigpit. Gusto ko kasi iparamdam sa bestfriend ko kung gaano ko siya kamahal. Kung gaano siya kaimportante sakin bilang bestfriend niya. Ang sweet ko nuh ? Ganun talaga. :)
"Jane my bestfriend, ano kaba .. Ganun ba tingin mo sakin ? Para kang tanga.." Mahinang seryoso kong sabi.
Naramdaman ko na humigpit ang pagyakap niya sakin.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Revenge (Lesbian Romance)
RomanceDenz Lorrez, a legal sexy lesbian who hurts so many girls. Isa si Jane sa mga naging biktima niya, at dahil sa masyado siyang naging padalos dalos, hindi man lang niya naisip na sa mga taong sinasaktan niya ay may isang palabang Angel Germones ang t...