Chapter One - HeartBreaking Past

783 18 5
                                    

Ewan ko kung bakit ako umiiyak habang ginagawa ang part na to.. </3

______________________________________________________

Denz POV

“I like you Dianne..”  Sabi ko sa kabilang linya.

“I like you too Denz! Baliw na baliw nako sayo!” Napangasim yung mukha ko ng marinig ang malanding boses ni Dianne.

After nun, pinatay ko agad yung phone. At nagtext sa kanya na lowbat nako. At sinabi ko din na wala akong charger. Pero sa totoo lang, full battery pa ang phone ko. Nawala lang ako bigla sa mood nang Makita kung paano niya ko landiin, nangilabot ako ng sandaling iyon..

Kung sanang ikaw nalang si Alison.. Sabi ng puso at isip ko. Hanggang ngayon mahal ko pa din yung babaeng yun.. Babaeng hindi ko akalaing ipagpapalit ako sa studies niya. But no.. I don’t think so na sa studies lang nya ako pinagpalit.

“BABY! PLease NO! Sakin ka lang.. Hindi ba ? Sakin ka lang , nagpromise ka eh, bakit ganyan ?..” Malungkot at nagmamaka-awang boses na paki-usap ko habang hindi tumitinag ang pagbuhos ng aking mabibigat na luha. 

“I’m sorry baby.. Pero wag mo nang papakialaman si Roniel.. Wala siyang kinalaman dito.”

Wala na akong masabi pa pagkatapos niyang sabihin iyon. Sa sandaling iyon, para nakong estatwa na hindi makagalaw sa nakaluhod at umiiyak na posisyon habang sa kawalan nakatingin ang mga mata. Ipinamukha niya sakin na ako pa ang parang mali.

 

Naibato ko ang phone ko sa sobrang sama ng loob ng sandaling iyon. Hindi ko napansin na bumubuhos na pala ang mga luha ko sa mga mata.

Sinong mag-aakala na sa loob ng isang taon at kalahati naming pagsasama, ay siya pa na nakilala ko bilang isang sincere, loyal at pinaka honest na babaeng nakilala ko ang taong manloloko sakin.

Baby? Busy ka ba ? Where are you ? - I sent this message..

Mga ilang oras pa bago ako nakatanggap ng reply.

I’m here sa bahay baby, bakit po? - From her..

 

Para akong tangang stalker na nakatayo sa gilid ng puno ng park. Ang daming tanong sa sarili ko habang nakatitig sa girlfriend ko.. Na hawak ang kamay ng isang lalaki. Parehas pa silang naka uniform. Mukhang kaklase niya.

So dito na pala ang bahay mo ngayon?” Diko napansin na lumapit na pala ako sa kanila.

Halatang nagulat siya na nandoon na ako. She panicked. She looked at her guy.

Pinilit kong hindi umiyak sa harap nila pero dina kinaya ng puso ko. Siguro wala nang hangin pang mahihinga kung diko pa pinakawalan yung mga mabibigat kong luha sa mga mata. Nakatingin lang siya sa akin. “Hindi mo na ko mahal ?” Para kong tanga nang tanungin iyan.

“Ano daw?” Tanong ng lalaki.

Roon lamang ako sumulyap sa lalaki. At binigyan ko lang ito na nakakamatay ng tingin. Masama na kung masama pero ipinalangin ko na... mamatay na siya. Ang sakit.

“Ah wala Ron.. Tara na.”

“Sino ba siya?”

“Bestfriend ko siya.”

...

Matapos bumalik sa akin ang mga pangyayaring iyon, walang emosyon ang mukha ko na pumunta sa banyo at tumingin sa salamin. Para akong aswang sa sobrang pula ng aking mga mata. Mula ng araw na ipinamukha sakin ni Alison na wala na lang ako sa buhay niya ay hindi na ako natigil sa kakaiyak araw araw, gabi gabi. Yung dalawa kong kapatid ang lagi ko nang napapagbuhusan ng sama ng loob. Hindi na din ako nakakakain ng maayos. Yung buhay ko parang wala nang patutunguhan. Galit ako sa lahat ng bagay. Galit ako sa sarili ko. Galit ako sa sarili ko dahil inistalk ko ang gf ko that time. Kung sanang hindi na ako naging ganun ka possessive at selosa, wala sana ako sa ganitong sitwasyon, masaya pa sana kami, o masaya pa sana ako. Masaya naman na siya eh.  Hindi ko alam na tatlong linggo na pala ang lumipas. Pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwang sariwa pa.

Habang nakatingin sa salamin, napatanong ako sa sarili ko. Panget ba ako? Siguro.. Siguro nga.. Kasi naging mabuti naman ako sa kanya, sa effort walang wala akong pagkukulang, ginawa ko naman lahat eh, isang tawag niya lang sakin nuon, nandoon na ko agad. Pero bakit ganito yung sinukli niya sakin ? Siguro nga dahil sa may pagka perfectionist siyang tao,   naghahanap siya ng magandang mukha.  Tiningnan ko ulit yung sarili ko sa salamin. Bakit kasi babae pa ang kaya kong mahalin ? Bakit hindi na lang ako sa lalaki mainlove ? Bakit napakahirap sakin ?

Sobra nang pagbababa ko sa sarili ko na umabot na sa puntong sabihin kong ganito lang kasi ako na lesbian lang ako at walang ganun. You know what I mean. Diko siya mabibigyan ng pamilya na gutso niya. Wala akong malapad na katawan para ihele siya, wala akong bigote na magugustuhan niya, wala akong mga malalaking braso para yakapin siya..Wala. Wala ako lahat ng magugustuhan niya. Wala akong kwenta.

Naisip ko nung mga oras na yon... Magboyfriend nalang kaya ako? Wag nalang kaya akong magmahal ng babae ? Lalaki nalang kaya ? Kaya ko kaya ?

Ang dami kong tanong. Tanong na wala kong mapagtanungan kundi ang sarili ko lang. Yes, I have friends. But everytime I tell them about between Alison and I, they refuse listening and keep me shut. Because they don’t like her. Reason is .. Alison is too greedy pagdating sa akin. Pero noon yon, ngayon hindi na. She doesn’t care about me any longer. And that tears my heart. I feel so empty. I am so broken. How can she break my heart.. How does she fall out of love? ..

Pinaglaban ko siya sa family ko.. I even chose her over so many things. Ganun ko siya kamahal.. Bakit ganito naman yung ginawa niya.. Hindi ko talaga matanggap, iniwan nya ko ng wala man lang paliwanag.

BABY! PLease NO! Sakin ka lang.. Hindi ba ? Sakin ka lang , nagpromise ka eh, bakit ganyan ?..” Yan yung linya ko nung huling pagkikita namin.

Nakipag break siya matapos ko silang mahuli na magka holding hands at masaya.

“I’m sorry baby.. Pero wag mo nang papakialaman si Roniel.. Wala siyang kinalaman dito.”

 At yung lalaki pa niya yung inosente rito ? If i know, inagaw ka niya sakin eh.. Ano ako bulag ? Tanga ? And how the hell can you still call me baby ?.. After all.

Yung mga linyang iyon na hindi ko malimut-limutan. At ako pa talaga ang walang pakialam ha? Galit. Yan naman na ang naramdaman ko ngayon. Nagagalit ako sa kanya.

Masama at sobrang talim ng mata ko habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin ng mga sandaling iyon. Kumuha ako ng blade sa drawer.. At iginuhit ko ang letrang “X” sa braso ko. Napangiti ako ng makita ang pagdugo nyon.

Manloloko kayong mga babae kayo.

...

The Sweetest Revenge (Lesbian Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon