Chapter Three - Cozeamer Club

625 19 6
                                    

 Bakit kelangan ko pa magyosi para lang magkagana ang utak ko sa pagttype ? Hehe!

____________________________________________________

Denz POV

Dalawang araw na ang lumipas nang tanggalin ko na ang ugnayan namin ni Jane. 

Minsan naiisip ko na totohanin na ang mayroon kami, yun bang mahalin ko na lang siya. Pero.. I doubt myself. Alam kong masasaktan ko lang siya. That girl deserves to be happy somehow. Kaya mas pinili ko na pakawalan siya kesa sa itali siya na siya lang ang may feelings.. which is unfair for the both of us. 

Relax lang akong nakahiga sa couch ko, tinatamad as usual at walang maisip na gawin. Di naman ako makatulog. 

It's Saturday today kaya wala akong klase. Tatayo sana ako para kumuha ng ice cream sa ref nang biglang tumunog ang phone ko.

1 new text message recieved...

Hi Bhe musta na ? 

Sent from: 0926*******

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot everytime na makakakita ng text niya. Wala na akong ibang tinutukoy pa kundi si Alison.. Ang tanging babaeng minahal at minamahal ko pa din. 

Simula nung biniyak niya ang puso ko, hindi ko na si-nave ang number niya. Ayoko na kasing may pangalan siya sa phonebook ko... Tama pa bang ilagay ko dun ang mga naging tawagan namin? Baby? Bhe? Asawa ko? Honey ko? at maraming marami pa. Ayoko naman isave number niya tapos nakalagay ang name niyang Alison.. Nahihirapan lang ako. Kaya mas mabuti nang hindi naka save. Parang shunga nga eh, di nga naka save, memorize ko naman. Pero mas okay na siguro yung ganun. Alam ko matagal na.. Pero ano pa bang magagawa ko? Mahal ko pa siya, masakit pa din sakin.

Rereplyan ko ba siya ? Sabi ng utak ko wag na, pero sabi ng puso ko sige lang.

Sino bang mas mananalo ?

Okay lang. 

- Message sent

Matipid ko lang reply.

Bakit ganun ? Bakit nahihirapan pa din akong tanggapin na wala na nga talaga kami ? Diko namalayan na kanina pa pala natulo yung luha ko. 

Bigla akong nakaramdam ng pagkamuhi. Yun bang gusto ko malasing. Lalo na dina siya nagreply. Sobra niya kong pinapahirapan. Sana hindi na lang siya nagtext.

Kinuha ko ang phone ko at idinial ang number ng pinsan kong si Josh.

"Hello couz?" Rinig ko sa kabilang linya.

"Hi.. Shot tayo." Yaya ko agad, ayoko nang magpatumpik-tumpik pa, sinabi ko na agad kung ano man yung gusto kong gawin.

"Adik! Where ka ba ?"

"Sa bahay.."

The Sweetest Revenge (Lesbian Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon