Chapter 23: Layuan Nyo Na Ko

52 0 0
                                    

Lex's POV...

Ok. Kung nagtataka kayo kung bakit at pano nangyari yun..ganto yan.

*flashback*

"Rien may gusto sana akong sabihin sayo"

"Hmm?"

"Rien you deserve someone better. Mas deserve mong mahalin kesa paasahin. Mas deserve mong sumaya kesa umasa."

"What do you mean?"

"Itigil na natin to. Nakokonsensya na ko. Para kasing pinapaasa lang kita sa wala eh"

Ngumiti sya at niyakao ako

"Handa akong masaktan wag lang ikaw."

"Pero masasaktan din ako pag nasaktan kita kasi mahalaga ka"

"Edi tayo na. Try natin. Malay mo mag-work.."

"Pero..."

"Magiging tayo o papakamatay ako?"

"Tanga ka ba?"

"Joke lang hahaha. Pumayag ka na kasiiii"

"Oo na! Pero wag mo kong sisisihin pag nasaktan ka ha"

"Yes!!!!"

*end of flashback*

Mahirap para sakin na maging kami lalo't hindi ko pa sya mahal pero wala akong magagawa kesa naman kitilin nya sariling buhay nya diba?

"Let's talk" nilingon ko si Narlene

"Ayoko ng gulo. Nandito ang pamilya ko. Ayokong mapahiya ka sa kanila"

"Hindi ako manggugulo FYI. Gusto lang kitang makausap." Tumayo ako sa inuupuan ko. Nilingon nila akong lahat

"Anak, what's the matter?" Tanong ni Daddy

"Ahm pwede po bang lumabas muna kami ni Narlene saglit? May paguusapan lang po kami" paalam ko

"Sure"

Tumayo na kami at lumabas.

*GARDEN*

"Ano bang kailangan mo? Pwede bang hayaan mo nalang na maging tahimik yung buhay ko?" Inis na tanong ko

"I'm just going to congratate you." nakangiting sabi nya

Plastik

"Para san?"

"Dahil kayo na ni Rien. Ano bang masama don?"

"Alam mo, kung paplastikin mo lang din ako pwede itigil mo na. Mas gusto ko pang naglalabasan rayo ng sungay kesa nagngingitian. Tsh." Kumunot ang noo nya

"Alam mo, yan ang hirap sayo eh. Ikaw na nga tong ina-approach nang maayos ikaw pa tong nagdedemand ng kung ano-ano! Well gusto mo ng totohanan? I hate you! I hate you so much! Lahat nalang pintaulan mo! Nung una si Skyler, ngayon naman si Rien! Grabe! Sumobra ka naman yata sa kalandian----"

*PAK!*

Hindi na nya naituloh ang sinasabi nya nang sampalin ko sya.

Tbh, first time kong manampal ng kaibigan.

"Ano pa? Ano pang kaya mong sabihin sakin?! Yan lang ba? Ha? Simula nang maging kami ni Sky nagkandaletse-letse na lahat ng meron satin Narlene! Yung pagkakaibigan natin nasira na! Kelan ka ba matututong magpaubaya?! Kelan ka ba makakalimot?! Wala na ngang kami ni Sky! Alam mo! Pareho kayo nung boyfriend mo! Pareho kayong di makaintindi! Kahit anong pamukha ang ginagawa ko, di nyo parin maintindihan!" Nangigigil talaga ako sa galit!

"Pano kasi lahat nalang mahal mo! Lahat nalang ng gusto ko inagaw mo! Inagaw mo na nga si Sky, pati ba naman si Rien aagawin mo na rin!" sigaw nya. Natigilan ako

May gusto rin sya kay Rien

"M-May gusto ka kay R-Rien?"

"Oo! Simula pa nong una! 1st year palang tayo, sya na yung gusto ko. Chinat ko sya para maka-close sya pero ang nirereto nya sakin si Sky! Kasi ayaw nyang maagawan sya ni Sky sayo! Nainlove ako kay Sky pero ang di ko alam may something na palang namumuo sa inyong dalawa. Sabay tayong kiligin pag dunadaan sya pero mas matindi yung sayo kasi may something na pala sa inyo! Ni hindi ko man lang maranasamg mahalin ng taong mahal ko at kagagawan mo yun! Papansin ka masyado kaya nakukuha mo yung atensyon nila! Kung wala ka, edi sana pagmamay-ari ko silang dalawa!" Then she cried.

jealousy and insecurity...

"So kasalanan ko pa pala! Kasalanan ko pa palang mainlove silang dalawa sakin?! At least ako hindi ko sila pinagsabay! Pinili ko si Rien dahil yun yung tama! Pinili ko Rien kasi pagod nakong maghabol sa taong wala namang ginawa kundi paiyakin at saktan ako! Yun yon! Kung ikaw ang nasa kalagayan ko hindi mo masasabi yan!" Ad my tears started to fell down.

Daig pa naming dalawa ang nasa teleserye sa pagbabatuhan ng mga linya.

"I don't think so."

"Please Narlene, maawa ka sa sarili mo. Wag kang magpalamon sa inggit at selos!"

"Kung nilayuan mo na silang dalawa nung mga panahong lumalapit sila sayo edi sana hindi na nagkagulo"Sagot nya

"Kung hindi mo pinalaki yung gulo at initindi mo nalang sana yung mga pangyayari hindi aabot sa ganito! Ikaw ang nagsimula!"

"Ha! Ako pa talaga! Eh ikaw nga tong pumatol don sa magpinsan eh!"

"Magpinsan sila?!"

"Hindi mo alam ang buong kwento?! Nagjojowa ka tas hindi mo alam ang istorya nila?! Tangina!" Naoangisi sya

"So anong gusto mong palabasin?!"

"Na tanga ka! Na malandi ka! Na mema ka! Mema-jowa lang!"

"Pwede ba! Ikaw lang ang nagiisip nyan! Narlene tama na ang pagiging makasarili mo!"

"At sino ka naman para pakinggan ko?! You're just a slut!" At umalis na.

Naiwan ako ditong umiiyak na parang tanga

"Ok ka lang?" Napatingin ako sa dalawang nagsalita

"Layuan nyo nalang kaya ako para walang gulo o kaya naman ako na ang lalayo sa inyo? Pagod na ko. Sa araw-araw na pagiging tanga, pagiging malandi. Sa kwento nya, ang sama-sama ko pala! Sa kwento nya, ang landi ko pala! At sa kwento nya, ako yung kontrabida. Wala akong ginawa kundi magpakumbaba pero sya? Wala syang ginawa kundi pagmukhaing tanga yung sarili nya maisumbat lang sakin lahat ng galit nya....gano ba ko kasama? Sabihin nyo nga sakin? Nagmahal lang naman ako pero parang mali lahat eh. Mali ba talaga ang magmahal o sadyang mali lang talaga yung taong minahal ko?" Umiiyak na tanong ko sa kanila

Nakatingin lang silang dalawa sakin.

Pinunasan ko yubg luha ko at inayos ang sarili ko.

"Simula ngayon ituring nalang natin ang isa't isa na parang wala lang. Iwasan na natin ang isa't isa" sabi ko

"Lex" -Rien

"Break na tayo. Tutal napilitan kang naman akong sagutin ka kasi nagaalala ako sa kubg anong gagawin mo sa buhay mo kung sakaling iwan kita. I'm sorry. At ikaw Sky, sorry kung nagsinungaling ako sayo about samin ni Rien pero totoo, hindi na kita m-mahal. Tamang acting nalang tayo sa bahay ha" at umalis na ko.

Pesteng buhay to.

Sana di nalang ako nabuhay!

The Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon