Chapter 56: Best Christmas Gift?

23 0 0
                                    

Lex's POV..

Time check: 11:25 pm

Kanina ko pa talaga hindi pinapansin si Rien. Pano ba naman! Nakikipag-usap sya kay Madz. At ako naman naiinis for some reason.

"Hija ilang months na ba kayo nung boyfriend mo?" Tanong ni Tita Myrna

"Ahm days palang po. December 20 po nung maging kami" sagot ko at bahagya ko pang nilingon yung pwesto nya.

"Ganon ba? Mm mukhang mahal na mahal nyo ang isa't- isa ah" natahimik ako saglit bago umimik

"Ahm Tita can I tell you a secret?"

"Sure hija"

"Sya lang po talaga ang nagmamahal saming dalawa" at yumuko ako. Halatang nagulat si Tita.

"Eh bakit naging kayo?"

Kinuwento ko ang lahat kay Tita simula sa kung paano naging kami ni sky hanggang sa umabot sa ganito. Habang nagkukwento ako, nakaramdam parin ako ng lungkot dahil sa sinapit ng relasyon namin ni sky. At narealize ko lang na nagsisisi na pala ako sa desisyon ko. Pero may parte sakin na hindi na kayang pakawalan si Rien dahil ngayon alam ko na kung anong nararamdaman ko sa kanya.

"At your young age, kung anu-ano nang naranasan mo nang dahil lang sa love. Pero grabe talaga iyang si Angel. Tsk. Dalaga't binata pa kami nung magkaroon ng issue yung kay Angel, Ate Marize at Kuya Zeke. Tsk." sabi ni Tita.

"Nako Tita. Naiintindihan ko naman po si Tita Angel e."

"Nako. Pero hija nabanggit mo sakin na kasabwat ni Angel ang kaibigan mo. Kamusta na ang friendship nyo?"

"Hmm okay naman na kami. Sa katunayan nyan Tita, sya pa ang nagsabi sa amin ng mga ginagawa ni tita Angel. At fiancé na sya ngayon ng ex ko. Funny right? " natatawang sabi ko. Tumango-tango si Tita.

Nagkwentuhan pa kami ng tungkol kay Madz.

"Ah Tita, si Madz po. Bakit ang aga nya nabuntis?"

"Sabihin na nating, masyado kaming naging maluwag sa pagpapalaki sa kanya. Isang araw napansin nalang namin yung lagi nyang pagsusuka at pagc-crave sa specific na pagkain. Hanggang sa umamin na din sya na buntis nga sya. Nung una, nagalit talaga kami. Lalo na si Jayson at MJ. Silang dalawa ang galit na galit. Pero in the end, unti-unti na rin naman naming natatanggap yung kalagayan nya. Blessings yun e. Tsaka wala namang magagawa yung galit namin..hanggang dun nalang yun" i nodded.

"Sige na Tita, kakausapin ko lang po si Rien" paalam ko

Hindi ko naman talaga kakausaoin yjng engot na yun eh. Bahala syang kumire kay Madelline.

Lumabas lang ako sa garden. Malapit na ding mag-12.

Whoo! Ang sarap ng hangin.

"Hey" nagulat ako pero hindi ko ipinahalata hindi ko sya nilingon

"Galit ka?" Taning nya. Hindi ako umimik.

"Uy sorry na. Bat ka ba galit?" Pangungulit nya

"Bat di ka nalang bumalik kay Madelline. Tutal mukhang nageenjoy ka namang kausap sya"mataray na sabi ko nang harapin ko sya. Naguluhan sya nung una pero mukhang nagets nya yung sinabi ko at ngumisi. Inirapan ko lang sya at bigla nya kong niyakap.

"Bakit ka ba ganyan ha?" Natatawang tanong nya. Inis ko syang inilayo sakin

jusko. akala ko gets na nya

"Wag mo kong kausapin. Badtrip ako"

"Please Lex. Bakit nga kasi?"

"Bakit hindi mo nalang isipin kung bakit at hindi yung nagungulit ka pa jan"tumahimik sya at nag-isip. Napa-facepalm nalang ako

"T-Teka Lex. Kaya ka ba nagagalit kasii..." Huminto sya saglit. Nageexpect ako na alam na nya pero dismayado ako.

"Gutom kana?" Pagpapatuloy nya.

"Ewan ko sayo!" inis na sabi ko. Tumayo ako at akmang aalis pero hinila nya ang kamay ko at napayakap ako sa kanya.

Niyakao nya ko ng mahigpit.

"Nagseselos ka ba?" Tanong nya

Finally! He got it!
..
..
..
..
..
..
..
..
Wait...ako? Nagseselos?!

"Tss. Buti naman naisip mo na" sagot ko. Nakayakap parin ako sa kanya. Narinig ko ang malalim na paghinga nya

"Actually, yan talaga yung unang pumasok sa isip ko" sabi nya. Napalayo ako sa kanya at bahagyang hinampas sya sa dibdib.

"Bat di mo sinabi agad?! Gusto mo lang magmukhang tanga? Ganon? Tss. O baka naman gusto mo lang akong pagtripan?"
Tumawa sya

"Haha! Hindi ah"

"Oh eh bakit nga?"tanong ko. Nawala ang tawa nya at napalitan iyon ng ngiti.

"Natakot kasi ako na baka pag tinanong ko yun sayo, sabihin mong hindi. Wala ka namang nararamdaman sakin eh kaya bat ka magseselos diba? Nagulat talaga ako na nagselos ka nga" ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi nya

"Bakit ba nagseselos ang isang babae, ha?" Natigilan sya

"D-Don't tell me...." Pinutol ako sinasabi nya

"Rien, I like you" pagtatapat ko. Nagulat sya pero nang makabawi ay bigla nya ulit akong niyakap ng mahigpit na mahigpit

"I can't believe it!" Natawa naman ako.

"Haha! Sa palagay mo talaga eh wala ng chance na magkagusto ako sayo?! Hindi naman imposible yun e" sabi ko. Inilayo nya ako sa kanya at tintigan ako nang may ngiti sa labi nya.

"H-Hoy! Tumigil ka nga! matutunaw ako nyan e" reklamo ko.

Buti nan tumigil sya. Tiningnan nya yung wrist watch nya at napangiti.Humarap sya sakin

"This is the Best Christmas Gift ever! Merry Christmas Baby" sabi nya at hinawakan ang kanang kamay ko.

Napatingin ako sa wrist watch ko na nasa kaliwang kamay.

It's 12:00 am!

It's Chriatmas Day!

Nilingon ko sya.

"Merry Christmas din, Baby" bati ko.

"Ate Lex! kuya Rien! Kakain na po! Merry Christmas!" Sigaw ni Lex mula sa pinto ng bahay.

"Merry Christmas!" Sigaw namin.

Nagtinginan muna kami ni Rien at ngumiti.

"Let's go?" Aya ko

"Let's go!"






The Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon