Chapter 48: Brother

32 0 0
                                    

Lex's POV...

December 20.

Magkagalit parin kami ni Sky. Ilang beses ko syang sinubukang tawagan pero pinapatay nya. Tinetext ko sya na sorry pero ni isang reply wala akong natanggap.

Nagsisisi na tuloy ako.

*kringg kringg*

Rien Calling..

"Rien!"

[Oh hi. Sorry nga pala dun sa kahapon. I know I'm weird. Hehe]

"Tss. Bat kasi ganun?"

[Wala lang. N-Naparanoid lang ako. Just don't mind it.]

"Yeah."

[Hmmm]

"A-Ah Rien"

[What?]

"A-Ako parin ba?"

[Haha! What do you mean?]

"Yah! Wag mo kong tawanan! Aish! I'm asking you kung ako parin ba yung m-mahal mo?"

I heard him chuckled

Ang kulit ng taong to. Sabing wag akong tawanan ih!

[Of course. Hindi lahat ng nasasaktan nakakamove on agad. Mahirap makalimot ng isang katulad mo]

"K-Kaya mo ba akong intayin?"

[Huh? I don't get you.]

"Magpapaligaw ulit ako Rien. Kaya mo ba kong intayin?"

Natahimik sa kabilang linya. Napaiyak ako. Ang sama sama kong tao para manggamit ng iba

"R-Rien. Nevermind that. I'm sorry If I'm using you again. I'm sorry."

[Silly! Haha! Natutuwa pa nga ako. Seryoso ka ba talagang magpapaligaw ka ulit sakin?!]

"Yeah. Gusto ko na kasing makalimot."

[Ah so gagamitin mo ko para makalimot]

Nakokonsensya ako

"Rien. I'm sorry"

[Hahaha I'm just kidding you. Sure iintayin kita pero hindi na ako mageexpect na may chance talaga]

Ramdam ko ang bitterness nya. It's my fault. Pinaasa ko sya noon.

"I'm so sorry Rien. And thank you sa pagtitiis"

[Ikaw pa ba? Tsaka bakit kailangang manliligaw muna? Tayo na! Liligawan naman kita araw-araw kahit girlfriend na kita]

Ewan ko pero kinilig ako.

Go lang heart! Sya na lang ang mahalin mo! He deserves to be loved.

"Sige tayo na!"

[Ok! So baby, December 20. You are now officially mine...again]

"Ya! Wag kang ganan! Kinikilig ako! Marupok ako"

[Ok lang. At least sakin ka maf-fall]

"Taph na nga! Bye na."

[Bye. I love you]

"Thank you"

Yan muna sa ngayon.

The call ended. I smiled.

Ang bait bait nya sobra. Sana hindi ko na talaga sya masaktan.

Skyler's POV...

Rinig ko. Rinig na rinig kong sila na ulit. Para akong sinaksak ng isang milyong kutsilyo sa dibdib sa sobrang sakit.

Bat ba ang tanga ko? Hindi na nya ko mahal pero umaasa pa rin ako at nagbabaka-sakaling ako parin. Na baka may nararamdaman pa sya sakin kahit konti?

"Skyler? What are you doing here?" Tanong ni Mommy.

"None of your business. Tss. Baka pati ito ipagbawal mo narin sakin. Lahat naman kasi kinontrol mo------"

*slapppp!!*

Napatingin ako sa gilid ko sa lakas ng sampal ni mommy. Nagtiim bagang ako. Masama ang tingin ko nang lingunin ko si Mommy. Umiiyak sya.

Fck this!

"How dare you?! Hindi kita pinalaking ganyan! I'm just doing this kasi iyon ang tama! Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan Skyler!" ngumisi ako

"Tama? Ma! Nilagay mo ko sa miserableng sitwasyon! Lahat nalang nagkadaletse letse nang dahil sayo! Hindi mo ko natulungan! Never! Oo, hindi mo ko pinalaking ganito pero habang lumalaki ako minumulat mo ko na maging ganto! Kelan mo ba ipinaramdam sakin na anak mo ko?! Kelan mo ba ipinaramdam sakin na mahal mo ko? Maski desisyon ko hindi mo nagawang respetuhin dahil gusto mo ikaw lagi ang masusunod" and after that, tumulo ang luha ko.

"I can't believe you're saying this to me now. Sana hindi nalang kita naging anak!"

"Sana nga ma! Sana nga hindi mo nalang ako naging anak! Kasi kahit sino hindi gugustuhing maging nanay ang isang tulad mo! Swerte ni Kuya kasi nawala na sya sa mundong to at hindi nya na naranasan pang matikman ang kasamaan mo!" At umalis na ko sa harap nya.

Kinuha ko ang susi at umalis. Huminto ako sa sementeryo at pumunta sa puntod nya.

Ang tagal na nyang wala. It's been 5 years since he left us. Ngayon ko nalang ulit sya nabisita. I feel sorry for my brother.

Naupo ako sa tabi ng puntod nya.

"Kuya, sensya na ha. Wala akong dalang bulaklak at kandila. Biglaan kasi eh. Sorry kung ngayon nalang ulit ako nakadalaw dito" hinaplos ko ang lapida nya at inalis yung mga damong nakakalat. Napabuntong hininga ako at mariing napapikit.

"Malapit na yung 6th anniversary mo Kuya. Pangako pupunta ako dito. Nakikita mo ba jan sa langit yung mga pinaggagagawa ni Mommy sakin? Hindi na sya yung Mommy na kilala natin. Nga pala, belated happy birthday. Hindi ako nakapunta nung November 15. Nasa legal age ka na kuya. Hays. Miss na miss na kita. Ikaw na nga lang ang nagiisang kakampi ko sa bahay nawala ka pa. Iniwan mo pa ko. Tanda mo pa ba kuya yung dinala ko dito  a year ago? Si Lex? Akalain mo yun Kuya, kapatid ko pala sya. Half brother lang pala kita. Stupid right? Grabe si Mommy. Hindi man lang nakuntento kay Dad. Speaking of Dad. Nasan na kaya sya? Bat hindi nya man lang tayo naisipang hanapin. Buti ka pa. Nakita mo sya. Eh ako? Pagkaanak sakin ni Mommy, iniwan nya na tayo. Malas ko noh. Sobrang malas ko" hindi ko namamalayan tumutulo na pala ang luha ko. Pinahid ko yun at tumawa

"Ang weak ko kuya. Sobrang weak ko. Uuna na ko, tol. Pangako pupunta ako dito sa birthday mo." At umalis na ko. Nagpunta ako kila Narlene

Simula ngayon, kakalimutan na talaga kita Lex at magsisimula na ako kasama sya. Kagaya ng hiniling mo.

The Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon