Chapter 36: Untitled

34 0 0
                                    

Lex's POV..

Time check: 6:49 pm

Nandinto ako ngayon sa unit ko para kumuha ng pang-tatlong buwan na damit.

Bat ganun no? Sa kabila ng sakit ni Harriet nagagawa nya paring ngumiti? Kung ako kasi yun tapos malalaman ko na kahit anong oras pwede akong mawala sa mundong to baka mas pinadali ko na lang ang buhay ko.

"Aish ano ba Lex! Masyado mong dinidibdib yon." Sabi ko sa sarili ko.

Izinipper ko na yung maleta at saka lumabas ng unit ko. Magderetso ako sa parking lot sa basement at lumarga na paalis.

*mansion*

Pagkapasok ko ay nadatnan kong naglalaro si Zandy at si Sky.

Tss, hindi man lang nila alam na nandito na ko.

Ngumiti ako ng bahagya at minasdan silang dalawa.

Naiimagine ko tuloy anak namin si Zamdy----aish! Lex! Gaga ka! Kapatid mo yan ano kaba?

"Ehem" parinig ko. Nahinto sila at nilongon ako

"Oh ate join us"aya ni Zandy. Nginisian ko sya at nag-cross arms ako

"Ako pala ang isip bata ha" pang-aasar ko

"Tss. Bata pa naman talaga ako kaya natural lang sakin to"depensa nya

"Ah talaga? Bata ka pa pala? Eh may girlfriend ka na nga diba?"

"Aish fine hindi na ako maglalaro." Masungit na sabi nya

Natawa si Sky at ginulo ang buhok nya

"Wag mong intindihin yang Ate mo. Inggit lang yan kasi nilalambing kita tapos sya hindi" nakangising sabi ni Sky. Biglang nag-init ang mukha ko.

"Yieeeee hahahah! Namumula ka ate!" Pang-aasar ni Zandy

"S-Shut up. H-Hindi kayo n-nakakatuwa" at hinila ko ang maleta ko paakyat sa kwarto ko. Bago pa ko mapasok sa kwarto ko ay narinig ko silang naghahalakhakan.

sige lang. May araw kayo sakin heheheheh

Naupo ako sa harap ng vanity mirror ko at tinitigan ang sarili ko.

Ang ganda ko talaga...pano kaya kung jowain ko nalang yung sarili ko tutal may kasabihan naman ako na Love Yourself before anyone else...ayy charot lang.

Hinawakan ko yung kulot at mahaba kong buhok.

Hmmm..mahaba na masyado. Masagwa nang tingnan. Makapag-pagupit na pala bukas.

Dumapot ako ng pony tail sa ibabaw at nagtali ako ng buhok

Bye bye long hair hihi. Papa-rebond nadin ako para maganda. Tapos magpapagupit ako hanggang leeg....
.
.
.
.
.
.
Part of moving on too. Tss. Nagtataka talaga kung bakit pag nagmu-move on ang isang tao kadalasan buhok nila ang napapagdiskitahan? Tsk. Parang ako haysss.

Tumayo ako at lumapit sa kama ko..inangat ko yung kutson at kinuha yung litrato naming dalawa ni Sky.

"Hays. Ang saya saya pa natin dito. Tsk. Minsan hinihiling ko nalang na sana ampon ka lang ni Tita Angel pero mukhang malabo. Bat sa dami ba naman ng pwede kong maging kapatid eh ikaw pa..ikaw pa na mahal ko."

*tok tok *

Dali-dali kong itinago sa ilalim ng kutson yung picture at binuksan yung pinto

"U-Uyy Sky hehe" sabi ko.

Mema ko.

"Hmm ano daw gusto mong ulam sabi ni Yaya?"

"Ahm sabihin mo ako na ang magluluto. Magpahinga na silang apat" sagot ko.

He just nodded at umalis na..

Apat ang maids namin dito. Sina Yaya Maring, Yaya Ester, Yaya Trining at Yaya Beng. Si Yaya Maring ang pinakamatagal na dito samin. Bata palang ako nagtatrabaho na samin si Yaya Maring. Sya nag-aalaga sakin lalo na nung nagbuntis si Mommy kay Zandy. Naging maselan kasi ang pagbubuntis nya kaya hindi nya na ko maasikaso pa tapos laging nanjan si Yaya Maring. Tapos nung 1 year old si Zandy, na-apply naman si Yaya Ester at Yaya Trining.They are sisters. At last year, nag-apply naman ay si Yaya Beng. Si Yaya Maring ay 64 years old na, si Yaya Ester, 56, si Yaya Trining 53  at si Yaya Beng ay 34.
At lahat sila sobranv baiiiiiiiittt

Lumabas na ko ng kwarto ko at dumiretso sa kusina. Saktong nandon sila Yaya.

"Yaya kaming tatlo na po ang magluluto. Take a rest po. Mamaya nalang po namin kayo tatawagin pag kakain na" nakangiting sabi ko

"Nako maramii pong salamat Maam" napatawa ako sa sinabi ni Yaya Beng

"Call me Lex, call him Zandy and call him Sky. Hindi nyo kami kailangang tawaging Maam at Sir lalo na't ahead kayo samin. Kami ang dapat gumalang sa inyo. Tsaka pantay-pantay lang tayo dito sa pamamahay na to. From now on, Nanay at Ate na ang itatawag namin sainyo. At hindi na kayo pwedeng pumalag okay haha! Diba Nanay Maring, Nanay Ester, Nanay Trining at Ate Beng?" Nakangiting sabi ko

"Opo Ma-este Lex" napangiwi ako

"Ngek may po at opo pa. Wag na yun. Tang Lex nalang."

"Sige Lex ija" sabi ni Nanay Maring.

"Oh magpahinga na po kayo. " agad din naman silang nagpunta sa kwarto nila.

Tinawag ko yung dalawa.

"Hoy tutulungan nyo ko ha" sabi ko

Nag-nod sila.

Adobo nalang ang niluto namin para madali. Si Sky taga bantay. Ako taga-cut ng mga karne at si Zandy...uhmmm nevermind.

"Yah! Ate patikikm!"

"Aish! Hindi pa nga luto" saway ko

"Fine"

Nang maluto na tinawag na namin sila Nanay Maring. At nagsalu-salo kami.

Haysss tatlong buwan kaming gantoo.

"Nga pala Sky, hindi sa pinapalayas kita ha pero kala ko isang buwan ka lang dito? Nakaisang buwan kana. Sept. 13 na ngayon" natatawang sabi ko habang naglilipit.

"Ano ka ba ate. Syempre noon yun kasi hindi pa sila sure na kapatid natin si Kuya Sky pero ngayon dito na sya titira" sabat ni Zandy. Huminto ako saglit sa ginagawa ko

"Kausap ka?" Pangbabara ko. Hindi naman ako pinansin ni Zandy.

"Oh pano ba yan kayo muna ang nanay at tatay ko sa loob ng tatlong buwan? Wahahahah!" Natatawang sabi ni Zandy

Super awkward nga. Tatlong ba naman naming solo tong bahay...tss

The Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon