Chapter 03

174 30 19
                                    

IAIY [ 03 ]: Helper?! the F.

- three -

"Bakit mo sinabi yun?!" tanong ko sa lalaking bwiset na to.

"Yung ano?" nagtatakhang tanong nya pa, kung hindi lang talaga to nagmamaneho eh  kanina ko pa to sinikmuraan eh!

"Yung kanina---"

"Yung sinabi kong Itatakas kita? at babe kita?"

"Oo! Ang kapal talaga ng mukha mo---"

"Oh? Pasalamat ka nga eh, sa Gwapo kong to---"

"Stop it Jay!" Tyaka ko sya inirapan, yan nanaman kasi yan! Another round for LPA.

"Haha, okay." Sabi nya ng may pagtaas pa ng dalawang kamay kahit na nagmamaneho. Kahit kailan talaga to napaka reckless! "So ano ba talagang nangyari?" Tanong nya habang nakatuon parin ang Tingin sa Way.

Nainis naman ako bigla sa Naalala ko. Nawala agad ako sa mood, actually kanina pa pero dahil naalala kong nonsense wedding ko mas lalo akong nairita.

"Can we just ... don't talk about that?" Pakiusap ko sa kanya.

Nakita ko naman syang ngumiti."Okay." Huminga nalang ako ng malalim at binaling sa labas ng kotse ang tingin.

Nag-aalala ako. Hindi sa kasama ko tong damuhong lalaking to! Its okay, I can really manage my irritation. Pero hindi ko talaga kung saan ako pupunta. Kailangan kong makalayo from here. Kailangan kong magtago pero ang tanong...

Saan?

Huminga nalang ako ng malalim habang iniisip ko to ngayon, wala naman kasi akong mahihingan ng tulong ngayon. Si Meg na best friend ko umalis nasa Canada, alangan pauwiin ko para dito? May asawa na yung tao. Si Dad. *sigh* Naku! No. Baka malaman din ni Mom at baka matuloy ang pagkalbo sakin. *sigh*. Eh sa wala nman na akong ibang choice. *sigh*

"Hinihingal ka parin?" Naputol naman ang pag-iisip ko ng marinig ko yung katabi ko.

"H-Ha?"

"Kanina kapa bumubuntong hininga dyan eh. Is there's something wrong?" Lumingon sya sakin ng saglit.

Malamang! Duh! Naku, kung ibang tao lang talaga ang nakaligtas sakin sobrang thick na siguro ng mukha ko at humingi nako ng tulong. Pero hindi kasi tao tong kasama ko, halimaw sya actually. Halimaw na may mapang-asar na lahi.

"Oy Carlotta." Tawag nya ulit.

Huminga nalang ako ng malalim. "Yea." Matipid na sagot ko.

"Anung yea??? Yeah problema mo?" Bwiset talaga tong Mokong nato eh! Sinamaan ko sya ng tingin, pasalamat sya at nagdridrive sya kung sakaling nakatingin sya sakin malamang tunaw na sya.

Pasalamat ka, Mahal kita!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon