Chapter 09

87 20 15
                                    

- 09 -

Carlotta's POV

Nagulat ako at natuwa! Pumayag si Jaypee na magdate kami ni Jason! At dito pa sa Mansion! Diba?

Mukhang change for the better na sya... Good for him.

"So... Carl. Uhmm sa Wednesday?" Napalingon ako kay Jason na nakangiti sakin.

"Ah sure." Sabi ko. Mukha naman syang mabait eh. Hindi katulad ng friend nya... Mapapa-Ugh ka nalang.

"Great. Okay See you on Wednesday bye..." Paalam nya naglean sya at humalik sa Pisngi ko bago umalis.

"Bye Carl!" Kaway nya sakin.

"Bye... Ingat." Sabi ko.

"I will, hey Jay! I'm going!" Huh? Si Jaypee?

"Sige layas! Bago pa kita masipa!" Narinig na sigaw ng nasa likod ko. At parang tanga tong puso ko. Biglang bumilis! Grabe talaga! Di pa pala ako nakakamove on sa akmang pagki-kiss kahapon!

Kaya para umiwas, "uhmm Sige punta ako sa Kusina---"

"Wait Carl..." Tawag nya kaya napahinto ako at tumingin sa kanya.

"W-What?" Hala! Bakit parang kinakabahan ako???

Hinintay ko syang magsalita pero wala akong napala. Tulala lang sya sakin na parang may gustong sabihin.

"Umurong naba ang dila mo?" Sabi ko habang nakataas ang kilay.

Nagulat sya at napakamot sa batok. Nakakainis! Bakit sa twing ginagawa nya ang pagkamot nya sa batok nya ang Cute? Kasi imbis na mainis ka dahil nagkakamot sa Harapan mo makyu-kyutan ka pa! Nakakainis ah!

"Uhmm... Dalhan mo sana ako ng Kape sa kwarto." Utos nya. Kita mo to?! Mang-uutos lang pala! Ang bilis magbago ng Mood ng Mokong. Akala ko change for the better eh, you know like krem top? Hahaha... Tawa kayo please?

"Okay." Sabi ko. At pinagmasdan ko syang umakyat sa hagdan.

-*-

Pagkatapos kong magtimpla ng kape, dumeretyo agad ako sa Kwarto nya.

Habang naglalakad, pinagmasdan ko ang dala ko. Kape lang kasi ang nilagay ko wala pang sugar kaya nagdala ako ng sugar at Honey para may pagpilian sya.

Pagkaharap ko sa Pinto ng kwarto nya, huminga muna ako ng malalim... Pagpapakalma ko sa sarili.

And now I knock, three times. Hinintay kong May sumagot at hindi naman ako nainip kasi mabilis syang sumagot.

"Come in..."

Binukas ko agad ang Pinto. At naabutan ko syang nahiga sa kama habang nakatakip ang Braso nya sa mata nya.

Anyare dito sa lalaking to?

Lumapit ako sa kanya, tyaka pinatong ang kape sa Side table nya.

"May sakit ka?" Tanong ko, inalis nya ng konti yung braso nya para lang makita ako.

Pasalamat ka, Mahal kita!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon