Chapter 08

112 17 4
                                    

HI [08]:

- eight -

Carly's POV

Nakasimangot akong nakatingin sa Labas ng Bintana ng kwarto ko. Naiinis ako.

Nakakabadtrip talaga ng tunay! Bwiset na Jaypee na yun!!! Talagang tototohanin ang Pang-aasar ko?! Bwiset sya! Buti nalang talaga napigilan kaya nga binigay ko ng panibagong Ice cream si Kiko kahapon eh kasi niligtas nya ako sa Mokong na yun na napakagrrr! Manyakis!

Wow ha Carlotta, gusto ko rin naman ah. Papikit pikit ka pa mga eh! Harot.

"Waaaah!" Sigaw ko sabay untog ng sarili ko sa Kamay ko, kala nyo sa pader? Hahaha... No. "Ang landi mo talaga Carlooooooot! Grrr."

Tumayo ako at naglakad palabas ng Kwarto. Hindi pwedeng Ganto ako buong araw. Kailangan kong makalimutan yung Scene namin ni Jaypee noh!

Dumeretyo ako sa Kusina para tumulong.

Habang naglalakad ako, hinihiling kong walang Jaypee ang bubungad sa Umaga ko! Please lang Stress pa ako sa kanya. Pero wala akong inabutan at naalala ko nandun sila malamang sa Garden. Dun kasi sila Nag-aalmusal.

Kaya ako, kumuha nalang ng Pagkain para sa sarili ko. Nakakita ako ng pandesal at Nutella... At grabe kahit in diet ako kinuha ko at nilamutak!

"Tataba ka nito Carlotta! Nako ka! Di bale! Magjog ka nalang mamaya at walang kakaen---"

"Hi ate Carl." Napatigil ako sa pagnguya nang may tumawag sa pangalan ko.

"Hi Lea." Nginitian nya ko, at nagpatuloy sa Ref. Kumuha sya ng Juice at Cake. Tyaka inayos ng pangdalawahan. Mhmm?

"Lea, Dadalhin mo sa Garden yan? Tulungan na kita." Pagpriprisenta ko pero umiling sya.

"Hindi te, kay Sir PJ po ito tyaka sa Bisita nya po." Nakangiting sagot nya. Bigla naman akong naexite! Baka si Lance yun! Lance is my Younger Brother. At friends sila ni Jaypee, hanga nga ako dun sa kapatid kong yun dahil natatagal nya si Mokong.

Papaalis na si Lea nang pigilan ko sya, "Lea, pwedeng ako nalang magdala?" Tanong ko. Nagulat sya nung una pero Ngumiti rin at tumango.

Kaya naman ako inayos ko agad yung pinagkainan ko at dali dali pumunta sa Mini Sala ng Mansion na sinabi ni Lea.

Habang papunta ako, excited ako. Kasi makikita ko na yung Kapatid ko ulet! At iuuwi nya na ako! Ayoko na rito eh! Mababait ang mga tao pero yung halimaw Hindi!

Pagliko ko, ngumiti agad ako nang makita kong kausap nya si Lance, nakita ko si Jaypee na nakaupo sa Sofa, napatingin sya sakin dahilan para mapatingin sakin si--- wait. Hindi naman to si Lance eh!

"Carly." Tawag ni Jaypee, tumingin naman agad ako sa kanya.

"Oh?" Sabi ko, sumenyas naman sya sa hawak ko. "Ay sorry." Bulong ko. Nakita ko namang Ngumiti ang kausap nyang lalaki. In fairness! Gwapo ren... Sige landi pa more Carl. Ipagpatuloy mo!

Pasalamat ka, Mahal kita!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon