Isang linggo na ang nakakalipas. Paanong nakalimutan ni Justice ang tungkol sa babae sa rooftop.
"Helena Marie" muling basa ni Justice sa poster na ngayon ay nasa kamay na niya. "Helena Marie pala ang pangalan mo." naka ngiti niyang sabi. Di niya alintana kung bakit parehas na brown ang mata nito sa poster. Natatandaan niya na nagsuot pa siya ng brown na contact lens sa kanang mata nito para magpantay ang kulay ng mga mata nito dahil sabi niya ay ayaw niyang pagkaguluhan siya dahil sa kanyang abnormality.
Hindi na inubos ni Justice ang sandwich. Ni hindi na niya nakagatan kahit isang beses. Nawalan na siya ng gana dahil ang gusto niya ngayon ay mahanap si Helena.
"Excuse me? kilala niyo ba ito?" tanong ni Justice sa mga estudyante na naka upo sa isang bench.
"Si Helena? oo sikat yan dito. Heartthrob yan eh." Sagot ng isa.
"True! crush mo nga yan eh." Tukso naman ng isa nitong kasama. "Bakit kuya? bat hinahanap mo?""Ah kaibigan ko siya. Gusto ko lang makita." sagot ni Justice. Pero natawa sila sa sinabi niya.
"Kuya sa pagkakaalam ko hindi nakikipag kaibigan si Helena sa mga lalake. Kung totoo ngang kaibigan mo siya eh napaka swerte mo!" sabi ng isang kaibigan. "Di ko alam kung saan na siyang building kuya pero sa pagkakaalam ko Mass Communication ang kanyang kinuhang course.
Mass Communication? hindi alam ni Justice kung saang building ito. Nagpasalamat nalang si Justice at umalis. Tumingin siya sa relo at mayroon pa siyang 40 minutes para hanapin kung saan naroroon si Helena.
Napansin nya sa paligid na halos walang mga college students ang nakatambay sa labas marahil ay wala rin masyadong tambayan ang paaralan maliban sa mga bench sa park na kung tawagin ng mga estudyante ay mini forest. Meron din namang play ground para sa elementary na ngayon ay maraming estudyante ang naglalaro.
Naglakad siya bawat building. Sa Genesis, Exodus, Revelation pero sa tatlong yon ay walang nakalagay kung building ba para sa mga Mass Communication ito.
Halos ten minutes nalang ang vacant niya nang may napansin siyang makinang sa sahig hindi kalayuan sa tinatayuan niya. Nilapitan ni Justice ito at pagkalapit ay nakita niya ang isang kwintas. Pinulot niya ito at isang letter 'L' ito na kwintas.
"Kanino kaya ito?" bulong ni Justice sa sarili habang inoobserbahan pa ang kwintas. Halatang yari sa pilak ito at may mataas na halaga.
"OMG nakita mo!" nagulat si Justice nang biglang may isang babaeng sumigaw at papatakbo ito papunta sa kanya. "Kuya kanina ko pa yan hinahanap!" hinihingal pa ang babae habang nakayuko at naghahabol ng hininga. "Salamat." itinaas ng babae ang ulo na ikinagulat ni Justice. Alam ni justice na nakanganga siya dahil sa nakita. Isang babae na naka salamin. Naka tirintas ang buhok nito pa pa French Braid at sa dulo ng buhok ay isang ribon na kulay pink. Kita din ang baby hairs nito na bangs pero higit sa lahat ay kamuka nito ang nasa poster na si Helena. Oo si Helena ito, sa isipan ni Justice kaya naman isang malaking ngiti ang ibinigay ni Justice sa dalaga.
"Helena!" di napigilan ni Justice na yakapin ang babae. Pero pumiglas ito.
"Bastos!" sabay tulak kay Justice. Hinablot ng babae ang hawak ni Justice na kwintas. "Manyak ka ba! gusto mo isumbong kita sa head pag hindi ikaw ay na korte unibersidad!" nakakunot ang noo ng babae habang binabantaan siya nito. Hindi lubos maisip ni Justice kung bakit ganuon ang inasta ng babae. Si Helena yon, ang babae sa poster na hawak niya, ang babae sa rooftop.
YOU ARE READING
JUSTICE And The Lost Valentines
Mystery / ThrillerA love story with a twists. Isang linggo na nang makilala ni Justice ang babae sa rooftop sa probinsya. May maamong muka, mahabang buhok at may magkaibang kulay na mga mata ito na para kay Justice ay sobrang nakakamangha. Isang linggo sa Maynila, sa...