Halos isang linggo na walang nangyare sa school kundi ang maparusahan si Justice sa loob ng office ni Mr. Enriquez na para sa kanya ay hindi naman talaga ganuong kahirap ng parusa. Matatapos na ang klase ni Justice at kating kati na siyang puntahan si Helena pagkatapos ng klase, hindi kasi nagtugma ang schedule nila parehas.
"Dismissed." wika ng teacher nila na hindi naman nag discuss talaga. Hinahayaan lang talaga ng mga teacher nila na magdaldalan sila, sabagay boring nga naman kung mag tititigan lang sila maghapon.
Nagpaalam si Justice kay Belle at mabilis na lumabas ng silid. Alam ni Justice na isang oras na ang nakakalipas pagkatapos ng huling period nila Helena kaya hindi rin siya ganuong umaasa na nasa school pa si Helena lalo na't alas singko na.
Agad na tumungo si Justice sa room nila Helena pero wala sila duon. Nag text din siya pero hindi ito sumagot. Halos wala nang estudyante sa paligid dahil mag aalas sais na. Sinuyon na rin ni Justice kada classroom pero bigo siyang makita ito. Uuwi na sana si Justice nang madaanan niya ang office ni Mr. Enriquez. Napahinto siya saglit dahil natatandaan niya ang picture sa diyaryo alam niya sa sarili niya na may natatandaan siyang batang may eye-patch.
Nagdalawang isip si Justice kung papasok siya sa loob para magusisa pero alam niya na ilalagay niya ang sarili sa kapahamakan kung sakaling mahuli siya pero ganun pa man ay gusto pa rin niyang pumasok. Tumingin siya sa paligid, walang tao maging sa loob ng office.
May metal na gate ang office ni Mr. Enriquez at nakabukas iyon. Pinihit niya ang doorknob at nakabukas din iyon. Lalo tuloy siyang na tempt na pumasok sa loob at ganuon na nga ang nangyare. Nakita nalang niya ang sarili niya na nasa loob na ng office. Kinakabahan pero hindi niya inintindi. Walang CCTV sa loob na ipinagtaka niya. Ganun na lang ba ang tiwala ng school sa mga estudyante?
Tinignan niya ang dingding kung saan dapat naka pin ang diyaryo pero wala na ito duon. Napakamot ng ulo si Justice. Hinanap niya sa desk ang picture pero wala pa rin duon. Sinubukan niyang buksan ang cabinet sa table ni Mr. Enrique pero naka lock ito. Sa lamesa ay mag mga susi, mga nasa anim na piraso ito. Kinuha niya ang susi at isa isang sinubukan ang mga ito sa cabinet. Sa unang susi ay bigo siya, maging sa ikalawa at ikatlo pero sa pang apat ay duon na tuluyang nabuksan ang cabinet.
Sa loob ay may ibat ibang mga papeles na nakalagay at inisa isa niya ito. Alam niya na sobrang pakielamero na niya at pag nahuli siya ay tiyak na ma ko-korte unibersidad siya pero gawa ng curiosity at pinagpatuloy niya ang kahibangan.
Hindi nabigo si Justice sa paghahanap at nakita na nga niya ang dyaryo na may kalumaan na. Hinanap niya ang litrato at dun na nga tumambad sa kanya ang muka ng isang batang babae na mga nasa dalawang taong gulang at katabi nito ay isa ring babae na nasa sampung taong gulang at may eyepatch. Sa baba ay nakalagay ang Missing Valentines na alam niya narinig na niya ang pangalang iyon isa sa mga nakwento ni Belle. Babasahin nya dapat ang artikulo nang may narinig siyang isang yabag ng paa papasok sa office.
Nagtago siya sa ilalim ng desk. Alam niya na kabobohan na duon magtago lalo pa kung duon uupo si Mr. Enriquez. Tanggap na niya ang kahihinatnan at nakapikit na nagdarasal na kahit papaano ay magkaroon ng himala.
Palapit na nang palapit ang yabag ng paa nang: "Justice?" hindi boses ng isang matandang lalake ang nagsalita kundi isang boses ng babae at kilala siya nito. Napadilat si Justice sa gawi ng babaeng nagsalita. Hindi ito si Belle, hindi rin ito si Clarence, kundi si Helena. "Anong ginagawa mo diyan?" napa buntong hininga si Justice at tumayo siya mula sa pagkakaupo.
"Ano yang hawak mo?" itatago pa sana ni Justice ang dyaryo na hawak nang hinigit ito ni Helena sa kamay niya. "What the heck Justice. Bat ka nangangailam sa mga gamit ni Mr. Enriquez?" napansin din ni Helena na nakabukas ang cabinet sa table.
YOU ARE READING
JUSTICE And The Lost Valentines
Mystery / ThrillerA love story with a twists. Isang linggo na nang makilala ni Justice ang babae sa rooftop sa probinsya. May maamong muka, mahabang buhok at may magkaibang kulay na mga mata ito na para kay Justice ay sobrang nakakamangha. Isang linggo sa Maynila, sa...