ONE: GIRL ON THE ROOFTOP

24 1 1
                                    


          Hindi na bago kay Justice ang araw araw na pumunta sa isang abandonadong gusali malayo sa kaniyang tinitirahan. Isang linggo nalang at maguumpisa na ang pasukan at kinabukasan ay kailangan na niyang lumuwas pa maynila dahil dun na niya itutuloy ang pagaaral.

Sa huling pagkakataon ay nais niyang magtungo sa tambayan niya araw araw, ang gusali kung saan bali balita na may mga ligaw na kaluluwa na nagpaparamdam. Minsan may naririnig siyang chismis kung saan may nakita daw silang white lady sa tuktok ng building at dahil dun walang nagtatangkang magpunta dun, maliban kay Justice. Araw araw siyang nagtutungo dun para panuorin ang paglubog ng araw. Para sa kanya, 'yon ang pinaka magandang spot para panuorin ito dahil sa tuktok ng building ay walang makikita kundi ang mga talahiban na hindi na naiayos ng mayari marahil ay inabandona na nga rin ito.

ipapatayo dapat ang building na 'yon bilang isang school pero sa kalagitnaan ng pagtatayo nito ay gumuho ang isang parte nito at limang trabahador ang namatay. Nasunog din ito pagkatapos ng trahedya kaya naman nabansagan itong haunted dahil mukang ayaw daw ng mga engkanto na magtayo ng something sa lugar na ito. Hindi naniniwala si Justice dito dahil halos dalawang taon na siyang pumupunta dito araw araw pero wala pa rin siyang na e-encounter na masamang elemento o white lady.

Isang oras maglakad si Justice mula sa kanila hanggang sa building pero di niya alintana ang layo o ang init dahil tuwing lulubog na ang araw ay unti unti na ring sumisimoy ang malamig na hangin. Naka jacket pa siyang pumupunta dahil sa itaas ng building ay sobrang lamig pag tuluyan nang dumilim ang paligid.

Umakyat si Justice agad agad nang nakarating siya sa building, halata pa dito ang bakas ng sunog na nangyare 3 years ago. Kita din ang mga bato na nagkalat gawa ng pagguho. Di maisip ni Neji kung paano nagagawang magpatayo ng isang tao ng isang establisyimento at tsaka nila aabandonahin.

Normal lang naman na araw sana ngayon para kay Justice nang may napansin siyang kakaiba sa rooftop. May isang nakatayong mukang babae sa gilid ng building na sa konting pagkakamali ay maaari itong mahulog, pero hindi iyon ang kanyang naisip. Eto na ba ang sinasabi nilang white lady? kinilabutan siya sa kanyang naisip at tsaka hinimas himas ang braso na ngayon ay nagtatayuan ang mga balahibo.

Gusto niyang tumakbo pababa pero naisip din niya na huling araw na niya ngayon at sa huling pagkakataon gusto niya makita ang paglubog ng araw sa lugar na iyon.

Nagtago siya sa isang sulok at pinagmasdan ang white lady. Mahaba ang buhok nito at nakasuot ng puting night gown na parang pang white lady. Hinahangin ang buhok nito maging ang suot nito. Kita niya ang paa ng babae na naka dikit sa sahig.

"Kung white lady to dapat naka lutang 'to" sabi niya sa sarili niya. Gusto niyang lapitan ang babae pero baka pag lumapit siya ay bigla nalang ito tumingin sa kaniya at isang duguang muka ang makita niya na naka ngiti pa sa kanya. Kinilabutan ulit siya sa kaisipan na iyon.

Pinagmasdan pa niya at inobserbahan ang babae nang tatlong minuto pero hindi ito gumagalaw. Biglang pumasok sa isipan niya na baga magsusuicide ang babae at lalo siyang kinabahan dahil ayaw niyang makakita ng babaeng tatalon sa building na wala man lang siyang nagawa para maisalba ito.

Dahil don ay naglakas loob siyang tawagin ito.

"MISS!" sigaw ni Justice. Bahagyang napalingon ang muka ng babae sa gawi ni Justice pero konting konti lang na galaw pero kita niya ang side view nito. Pero gawa nang malayo siya sa babae ay hindi parin niya maaninang ang itsura nito.

Nakumpirma niya na hindi ito isang white lady. 'Nakakatawa' isip niya sa sarili niya dahil dalawang taon na nga naman siya nagpupunta dito, ngayon pa niya iisipin na may multo o white lady sa lugar na ito. Pero hindi parin maalis sa isipan niya na may isang taong naglakas loob na pumunta dito bukod sa kanya.

JUSTICE And The Lost ValentinesWhere stories live. Discover now