FOUR: HELENA MARIE RAMOS 2

1 0 0
                                    


Sa harap ngayon ni Justice ay dalawang babae na habang tinitignan niya ay hindi niya malaman kung saan ba sila nagkaiba. Sa kanan ay si Helena at sa kaliwa naman ay si Clarence na ngayon ay parehas na nakatingin din sa kanya. Mas maputi nang kaunti si Clarence kay Helena pero kahit ganuon ay hindi maitatanggi na halos magkawangis ang dalawa.

"Ano yon?" nagtanong si Helena kay Justice na halos malalaglag ang panga sa nakikita.

"Hel, siya yung sinasabi ko sa'yo" sabi naman ni Clarence. Malamang sa malamang ay naikwento ni Clarence kay Helena ang nangyare nung unang araw ni Justice sa school.

Hindi makapagsalita ang binata at nakatingin parin siya sa dalawa. Wala nang estudyante sa paligid at silang tatlo nalang ang nasa corridor. Gusto sanang anyayahan ni Justice si Helena para sabay silang kumain pero gawa ng kasama nila si Clarence ay medyo awkward kay Justice lalo pa pag naaalala niya ang nagawa niya dito.

"Naaalala mo ba ako?" sa wakas ay nagkaroon na ng dila si Justice para magtanong. Tinignan siya ni Helena sa muka habang nakangiti ito. "Last week? sa rooftop?"

"Oo naaalala kita. Pero wag dito." sagot ni Helena. "Pasok tayo sa loob." may 30 minutes pa si Justice para sa susunod niyang klase pero sa ngayon parang gusto niyang mag stay nalang kasama ni Helena tutal wala naman pang ginagawa sa room.

"I told you. Magkikita ulit tayo." di mapigilan na mapangiti ni Justice sa narinig na para bang totoo ang sinabi ni Helena sa rooftop tungkol sa serendipity at destiny.

"Papaano mo nalaman na magkikita ulit tayo?"
"Feeling ko lang. Iba ang connection mo sakin nang nasa rooftop tayo non kaya alam ko na magkikita rin tayo. Hindi ko lang akalain na ganito kabilis at dito pa sa school natin."

Di rin ito inakala ni Justice. Sa isang upuan ay nakita niya si Clarence na naka cross ang mga braso at naka simangot. Nakita ni Helena na nakatingin si Justice dito.

"Clarence okay ka lang?" tanong ni Helena. Tumango lang ito ng isang beses sabay talikod. Marahil ay naiinis pa rin siya dahil sa kinakausap ni Helena si Justice na "nambastos" daw sa kanya. "Come on Clarence move on. Akala niya lang ikaw eh ako."

"Bakit sobrang magkahawig kayo? Matagal na ba kayo magkakilala?" naisip nang itanong ni Justice ang mga ito.

"Hindi ko rin alam. New student siya at nung nakita namin siya eh napa WOW din kami dahil parang kambal ko siya. Kung tatanggalin niya nga ang salamin niya at maglulugay siguro eh lalo kaming magmumukang kambal."

"Pero hindi kayo kambal talaga?"
"Nope."

May pumasok na lalake sa loob ng room. Hindi classmate nila Helena, siguro ay estudyante na gagamit ng room. Napansin ni Justice na medyo lumayo si Helena sa kanya nang pumasok ang estudyante at bahagyang iniwasan ng tingin ni Helena si Justice.

"May gagamit ata ng room. Lipat tayo?" anyaya ni Helena.

"Hindi ka ba kakain? si Clarence hindi ba kakain?"
"Mamaya siguro sa susunod naming vacant. Ikaw ba hindi kakain? gusto mo ba samahan ka namin?"
"Hindi na. Malapit na rin matapos vacant ko eh."

Lumabas sila ng room pero pansin parin ni Justice na umiiwas si Helena sa kanya. Sobrang layo ng agwat nila. Minsan ay pinagigitnaan pa nila si Clarence pero dahil sa inis si Clarence kay Justice ay ayaw rin nito tumabi sa kanya at lumilipat ng ibang pwesto.

"Arte mo naman para namang sinira ko dignidad mo." tukso ni Justice kay Clarence na ngayon ay lalong umusok ang ilong dahil sa sinabi nito.
"Maarte ako? manyak ka naman." sagot ni Clarence
"Paano ako naging manyak? akala ko lang naman eh ikaw si Helena!"
"Kahit si Helena pa yon. Hindi magandang bigla kang nangyayakap lalo pa isang araw mo lang naman pala nakasama si Helena sa pinagmamalaki mong rooftop!" inirapan ni Clarence si Justice sabay lakad ng mabilis at duon ay naiwan si Helena at Justice.

JUSTICE And The Lost ValentinesWhere stories live. Discover now