grabe nakalimutan ko yung Tab ko kaya ngayun lang ako nakapag update..cencia po... Go! na.... eto na.. hehe
Pagpasok ko sa room laking gulat ko sa nakita ko...
parang may malaking LIWANAG na bumulaga sakin.... na bigla akong napangiti... hala bakit?????? Ou.. eto na....ito ay dahil sa wala pa ang Prof namin... Yes! salamat .. haist ..buti na lang...haha ...Late na ko... Mas Late pa Teacher ko.. san ka pa..hehe..syempre pagpasok ko..nanigurado pa ko, kaya nagtanung ako sa classmate ko na
"..uy wala pa si sir??" tanung ko..
"wala pa..sana di na pumasok" ani ng klasmeyt ko na nagwish pa..(may kasamaan din ang ugali hanu) haha.
kaya umupo na lang ako kung saan may bakante na umupuan at nakipagdadaldalan,nagpareview sa mga klasmeyt ko, tanungan at di rin nagtagal dumating na yung Prof. namin at nag start na kaming mag exam..may meeting pala kaya na-Late..
This is it Tapos na ang Exam... ramdam ko naman na pasado ko dun..di naman dahil sa habang nagsasagot ako eh iniisip ko ang mga ..ou "MGA" haha.. mga Crush ko,. para maInspired,,, eh dahil na rin sa naReview ko yung mga Questions kanina kaya nasagutan ko nang mabuti..
Syempre ganun naman pag exam , laging maagang nagpapaDismiss pwera na lang sa Ibang Teacher na Kotang kota magturo,. daig pa mauubusan ng sweldo pag hindi nakapag turo.haha .. kaya hintay lang ako sa next subject which is P.E....
wait lang kilala nyo na ba ako...sa pangalan ou... pero.....
oh eto papakilala na ko...hehe
NAME: Joydi Villacorta
COURSE: Bachelor of Science in Secondary Education (gusto ko kasing sumunod sa yapak ng Mommy ko.. ang maging isang Teacher :") kaya ito ang tinake ko )
HOBBIES: Mangulekta nang Crush hahaha.. joke lang! magbasa ng WATTPAD, Mag Facebook at marami pa :-)
MAGANDA??? yun kasi sabi ng mga classmate ko.. nasasali kasi ako sa mga paligsahan ng pagandahan--------- PAMINSAN MINSAN haha..pero di ko sinasanabi na lubos akong maganda.. wala naman taong Panget diba?? :")
di naman kaputian, di naman kaliitan .."Cute kumbaga..
ooopsss..Time's Up. haha.tama na sa pagpapakilala.
eto na.. lilipat na kami ng Department ng mga Classmate ko sabay sabay ...dahil ang exam namin sa P.E ay kembutan este Dance.. na kung saan , bumuo yung P.E. Department ng isang Program at duon ay Maglalaban -laban ang bawat course sa larangan ng Pag kembot este pagsayaw. iba't ibang course ang maglalaban dito.. kasali ang mga Engineering students, Business Administration Students,Criminology Students, at marami pang iba,..syempre di mawawala ang Course ko na BS Education, ...marami kasing major yung school namin kung sa Education lang na course,,. nandyan ang Major in English, Physical Education, T.L.E at marami pa..,, saka mas nakilala yung school namin dahil sa course na Education.
so eto na.. ang daming estudyante.. reding-Ready na sila.. yung iba di nagpatalo sa Costume, yung iba may Body paint pa talaga,, syempre di rin kami papatalo.. kaya nagready na kami magkakaklasmeyts,,
nag ayus na kami ng mga sarili namin... na kung saan may Floral Art Design na pininta sa mukha namin kaya malakas ang aming loob na sumayaw sa stage..., medyo hindi kasi kami makikilala , dahil sa Drawing sa mukha..
grabe naman nakakauhaw yung pagpunta namin sa Gym na to, saka sa madaliang pag aayos sa sarili kaya nakadama na ko ng uhaw.. kaya naisipan ko muna na bumili ng tubig sa malapit na canteen and tapos na rin naman kasi ako nalagyan ng Floral Art sa mukha..
nang malapit na ko sa Canteen habang hinahanap ko yung pera ko sa bag ko ..........
Boooooggggggsssssss........ Arayyyyyyyy....
sino ang nakabunggo sakin (##).... kaasar naman... buwal kami pareho sa pangyayaring iyon...magkatapos ng pangyayari , nang makapag ayos na ko nang kaunti, mula sa pagkakabuwal ko.. biglang may nagsalita..
"Ms. Ok ka lang" -- na para bang nag aalala..boses nang lalaki.
sumagot naman ako..
"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaan mu??!!!" sagot ko na may tonong nagmamasungit habang nagpapagpag sa pagkakabuwal ko...[pero parang ako ata ang may kasalanan diba.. di kasi ako tumingin sa dinadaanan ko nung hinahanap ko yung pera ko sa Bag.]
"Ms. Sorry!!!" --malambing na salita ulit ng lalaki na parang narinig ko na yung boses...
pinulot ko na lang yung bag ko at Tumingin sa kanya at sinabing...
"Sa susunod kasi!!.."--Biglang nahinto yung pagsasalita ko.. dahil sa nagulat ako.. ibig sabihin laking gulat ko nung nakita ko.., kung sino yung nakaBunggo ko..
at napasigaw na lang ako.....
"Ikawwww??? bakit ka nandito!!!"-- yun na lang ang nasabi ko na nasa mataas na tono..
"Ako???... Syempre dito ako nag aaral ehh .... ay Ms. Sorry talaga...Sorry.. Sorry..." --sabi nung lalaki, at tinulungan na niya akong tumayo at nagmadali nang umalis...
Sa pagkakatayo kong iyon.. para akong naging estatwa nang ilang Minuto... paulit ulit sumasagi sa isipan ko yung sinabi niyang... -- "Syempre dito ako nag aaral ehh"
Paanong dito siya nag aaral ehh,,, iba yung ID na nakita kong suot niya ???.. ou Siya nga yung Guy na nakasabay ko sa Jeep ... Paano???? Naguguluhan akoo...... HAAAAAAAAAA :"l