Kabanata 3

414 16 4
                                    

Carina POV

Maaga akong nagising kaya naabutan ko si Mommy na nasa kusina na. Laging maaga si mommy kung gumising.

"Goodmorning Mom" Masiglang bati ko. Agad naman syang napatingin sa Direksyon ko.

"Oh anak? Goodmorning Din" Nakangiti nyang bati saakin. Lumapit ako sakanya at tinignan ang niluluto nya.

"Woow... Bacon, Egg , Hotdog and Sinangag. Favorite ko" Natatakam kong tugon. Natawa naman ng mahina si Mommy.

"Syempre naman, Alam ko na Favorite nyo yan ng Daddy mo" Nakangiting sabi ni Mommy. Natawa nalang ako ng Mahina.

"Goodmorning, Nauna na pala kayong nagising." Napatingin kami sa Hagdan at nakita namin si Daddy na papunta sa Direksyon namin.

"Ang tagal mo kasi magising!" Sabi sakanya ni Mommy. Pinanliitan naman sya ng mata ni Daddy.

"Eh kung ginigising mo ako diba?" Sabi sakanya ni Daddy. Natawa nalang ako sakanilang dalawa. Para silang mga bata.

Wala paring nag babago, Mahal na Mahal talaga nila ang Isa't-Isa. Sana mag karoon din ako ng Asawa na katulad ni Daddy.

'Cleo, Sana balang araw ganito din tayo'

Habang kumakain ay nag kwe-kwentuhan kami.

"Anak, anong gusto mong gawin ngayon?" Tanong saakin ni Mommy. Napaisip naman ako. Kung Iisipin ko buong araw ang tungkol sa Panaginip ko, Baka ma- depress lang ako.

"Ammhh, Gusto ko po sanang mag mall." Sagot ko sa tanong ni Mommy.

"Sige, Papasamahan nalang kita kay Bryth" Suhestyon nya.

"Wag napo Mommy, kaya ko na po. Atsaka po gusto ko po munang mag mall ng mag isa." Nakangiti kong sabi sakanya.

"Are you sure?" Nag-aalalang tanong nya. I gave her an Asurance smile.

"Opo mommy" Nakangiti kong sabi.

Pagkatapos kumain ay nag ayos na ako sa sarili ko at pumunta na ng Mall.

Tumingin-tingin ako sa mga usong damit ngayon. Ang dami na palang mga damit na pang porma.

May nakita akong Couple Shirt na may nakalagay na 'Infinity Love' Kinuha ko ito at Binili.

Itatago ko muna yung isa para kay Cleo, Pagkatapos kong bumili ng damit ay pumunta ako sa Jewellry Shop.

Habang tumitingin sa mga Kwintas ay Napukaw ng isang Necklace ang atensyon ko.

Isa itong kulay Gintong kwintas na may Pendant na 'C', Simple lang ang kwintas na ito pero maganda.

"Miss mag kano to?" Tanong ko sa Sales Lady.

"Pasensya na po Ma'am pero may nakabili na po nyan." Mahinahon nyang sabi. Agad naman napawi ang ngiti sa labi ko.

"Wala na po ba kayong Stuck nito?" Malungkot kong tanong.

"Wala pa pong available Stuck nyan Ma'am eh" Tugon nito saakin. Tinignan kong muli ang Kwintas.

'Sayang'

"Excuse me Miss, Gusto ko lang po sanang kunin yung Binili ko kanina" Napatingin ako sa isang babae na nakangiting kinakausap ang Sales Lady.

"Ito po Ma'am" Magalang nitong tugon sabay abot sakanya ng Necklace na may Pendant na 'C'. Sya pala ang nakabili nito.

"Thankyou" Nakangiting sabi nito. Aalis na sana ako ng may marinig akong pamilyar na boses.

"Hon, Para kanino yan?" Tanong ng lalaking hindi ko makita ang mukha dahil naka-talikod ako.

'Sana hindi sya'

"Remember my surprise? Ito yun Hon. Para sayo to." Masayang sabi ng kaninang Babae. Nanginginig ang mga Tuhod kong humarap.

Para akong binuhusan ng Malamig na tubig ng Makita ko ang masaya nilang mga mukha.

Napatingin sa Direksyon ko ang kaninang Lalaki.

"Oh Carina, You'r Here." Nakangiti nitong bati saakin. Hindi ako tumugon kase parang kapag nagsalita ako ay Tutulo na ang Luha ko.

"Who is she?" Takha'ng tanong ng Babae sakanya.

"Sya yung kinukwento ko na nasagasaan ko." Paliwanag nya sa babae. Tumingin naman ito saakin.

"Oh? Hi, sorry nga pala sa nagawa ng Fiance ko. Nakainom kasi sya that time. Sana mapatawad mo sya" Seryosong sabi ng Babae saakin. Hinawakan naman ni Cleo ang kamay nya.

"Don't worry, Napatawad na nila ako Kahapon nung nag usap-usap kami" Nakangiti nitong tugon. Ngumiti rin sakanya ang Babae.

"Carina, gusto mo bang sumabay nalang saamin?" Tanong ng Babae Saakin.

Pilit akong ngumiti at Umiling. I need to go. Baka humagul-gol lang ako ng iyak dito.

Tinignan ko muna si Cleo bago umalis.

Hindi ako lumingon doon, baka masaktan lang ako.

Nanginginig na ang mga tuhod ko at nangingilid narin ang mga Luha ko. Sumisikip ang Dib-dib ko. Para akong sinasaksak ng Paulit-ulit sa mga pang yayari.

May Fiance na si Cleo, Ikakasal na sya.
Ikakasal na sya sa Ibang babae,
Hindi sakin.



Author's Note:

Please Vote and Comment.
Salamat sa Pag suporta at pag babasa.
Iloveyou all, Muaahh.

©Supremo🌹

PANAGINIP (Full Part)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon