Kabanata 15

272 5 1
                                    

Carina POV

Pag karating namin sa Mansyon ay Umakyat agad ako sa Kwarto ko at umiyak, Sumunod naman saakin si Mommy.

"Anak, ano ba talagang nangyare?" Nag aalalang tanong ni Mommy.

"S-Si Cleo..." Umiiyak kong tugon. Kwinento ko kay mommy ang buong pangyayare. Pati sya ay hindi makapaniwala.

"Bakit naman gagawin sayo iyon ni Cleo?" Tanong nya.

"Hindi ko rin po alam mommy." Iyak lang ako ng iyak. Hinaplos naman ni mommy ang buhok ko.

"Ano ng Plano mo?" Tanong saakin ni Mommy dahilan upang ako ay matigilan.

'Ano na nga bang gagawin ko? Kakayanin ko ba?'

"Hindi ko po alam" Sagot ko habang umiiyak. Bakit Cleo? Bakit mo ano sinaktan?

"Anak, Tandaan mo H'wag kang gagawa ng Desisyon na pag sisisihan mo" Paalala saakin ni Mommy at hinalikan ako sa Noo.

"Matulog kana, Kakausapin ko bukas ang daddy mo pag kauwi nya dito" Sambit nya pa. Tumango lang ako sakanya. Nang makaalis na si Mommy ay isinubsob ko ang mukha ko sa Unan.

'Hindi ko kayang tanggapin... Akala ko ba mahal nya ako,.. Pero hindi narin naman nakakapag taka, Baka Mahal nya talaga si Alison noon pa.'

Buong gabi ay umiyak lang ako ng Umiyak. Hanggang sa maramdaman kong bumigat na ang talukap ng mga Mata ko.

Dinala ako nito sa Panaginip.
Sa Panaginip na hindi ko Maintindihan.

Nandito ako sa Hasyenda De-Apolo. Ano nanaman bang ginagawa ko dito.
Nag lakad-lakad ako.. Hayst!

Napahinto ako sa pag lalakad ng may marinig na umiiyak. Boses iyon ng isang batang Paslit. Sinundan ko ang tinig na iyon at dinala ako niyon sa Dulo ng Hasyenda.

Mayroon akong nakita na Batang babae na umiiyak. Nilapitan ko naman ito.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa Bata. Umangat naman ang ulo nya at tinignan ako.

"Ina, H'wag ka na pong magalit kay Ama" Umiiyak nya'ng sabi. Kumunot naman ang noo ko ng tawagin nya akong Ina. Huh?

"Ahmm.. Nasan ba ang mga magulang mo?" Tanong ko. Pero Imbes na sagutin nya ako ay bigla nya akong niyakap.

"Ina, H'wag kana pong magalit kay Ama. Pakiusap, Mag bati na kayo... Wala naman pong kasalan si Ama. Nakikiusap ako Ina, Pakinggan mo muna si Ama" Umiiyak nya'ng tugon. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nya pero napaiyak ako. Bakit parang pati ako apektado?

Kumawala sya sa yakap ko at tinignan ako ng diretsyo.

"Ayokong Masira kayo ni Ama, Pakiusap.." Huli nya'ng sabi. Mag sasalita pa sana ako ng bigla na sya'ng mag laho.

Napabalikwas ako sa hindi malamang dahilan, Tinignan ko ang Orasan at 3:30am palang.

Napabuntong hininga nalang ako. Panaginip nanaman.

"Ouch!" Daing ko ng biglang sumakit ang tyan ko. Napaupo ako ng maayos. Impossible naman na manganak ako ngayon. Tatlong buwan palang Tyan ko.

Inalala ko ulit ang batang paslit na nasa panaginip ko.

"Ayokong Masira kayo ni Ama, Pakiusap.." Ayon lang ang naaalala kong sabi ng Bata. Bukod dyan ay wala na akong Maalala.

Bumuntong hininga nalang ako at pumikit ulit. Hinayaan ko lang ang sarili ko na makatulog.

PANAGINIP (Full Part)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon