Kabanata 10

329 9 0
                                    

Carina POV

Halos buong linggo kong pinag-isipan ang sinabi saakin ni Cleo, Ni hindi ako makatulog ng maayos ng dahil doon.

Nandito parin kami sa Intramuros dahil dito naisipan nila mommy na kami ay ikasal.

"Anak kain na.." Nakangiting Aya ni Mommy dahilan para manumbalik ako sa Reyalidad.

Nginitian ko lang sya, Maayos na kami nila Mommy, Napatawad ko na sila ni Daddy.

Wala namang mangyayari kung Patuloy lang akong Magagalit.

Sabay-Sabay kaming kumain,
Habang kumakain ay nag kwe-kwentuhan sila Mommy at Daddy.

Pagkatapos kumain ay pumasok na ako sa Kwarto ko. Pabagsak kong inihiga ang katawan ko at ipinikit ang mga mata ko.

'Bukas na ang Kasal ko... Kailangan ko ng mag desisyon... Sasama ba ako o hindi?'

Iminulat ko ang mga mata ko ng maramdaman na may pumasok. Agad naman akong napabangon ng makita si Mommy.

"Mom..."

"Anak, alam kong hindi ka okay, Alam kong may Problema.." Malungkot nya'ng sabi. pilit naman akong ngumiti sakanya.

"I'm okay Mom..." Pilit ang ngiting sabi ko.

"No you'r Not!" Pag pupumilit nya, Napabuntong hininga nalang ako.

"Okay lang po ako Mom.."

"Anak, Alam kong Nasasaktan ka.." Malungkot nitong tugon.

"Sinong hindi masasaktan mom? Hindi nyo agad sinabi saakin n--"

"Nasasaktan ka dahil ikakasal na sa iba si Cleo." Putol nya sa sinasabi ko dahilan ng Panlalaki ng mga mata ko.

'Paano nalaman ni Mommy?'

"W-What are you talking about Mom, Hindi po ganon yon--"

"Pero ayun yung nakikita ko sa mga Mata mo.... Hindi ka magaling mag tago ng Emosyon." Nanlambot ako ng dahil sa sinabi ni Mommy. All this time akala ko walang nakakakita ng pag hihirap ko. Meron pala..

"It's okay mom.. Wala naman po akong magagawa.." Nangingilid ang mga luha'ng sambit ko. Malungkot na ngumiti saakin si Mommy.

"Pero kapag Mahal mo, Ipaglalaban mo. Alam mo anak, Minsan kailangan natin maging selfish, Minsan kailangan natin Piliin yung nakapag papasaya saatin. Hindi puro yung iba nalang ang inaatupag mo. Anak kahit minsan, Hayaan mo namang sumaya ang sarili mo, Kahit ngayon lang Gusto kitang makitang lumaban, Gusto kong patunayan mo na Mali ang Desisyon namin ng Daddy mo" Mahabang Payo saakin ni Mommy at ngumiti. Hinaplos nya ang buhok ko at hinalikan ang noo ko bago umalis.

Naiwan akong Clueless, Pati si Mommy gusto akong lumaban. Pero kahit na ganon, Nandito parin ang pangamba saakin, ayoko ng masaktan kaya ayokong bumuo ng desisyon na pag sisisihan ko.

Sa sobrang pag-iisip ay nakatulog na ako.

Kinabukasan ay Maaga akong ginising ni Mommy, Nakahanda na ang Lahat, Ang Gown na Susuotin ko at ang mga Bisita.

Nag breakfast muna ako bago nag ayos, Kailangan ko ng mag desisyon pero hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Wala paring Desisyon ang nabubuo sa isipan ko. Inabot ng ilang oras bago ako natapos ayusan.

Lumabas na ako at naabutan ko roon sila Mommy, Agad naman nya akong nilapitan ng nakangiti.

"Anak, Nandyan na ang kalesang sasakyan mo, Basta H'wag mong kakalimutan ang payo ko" Nakangiti nitong tugon, Nginitian ko nalang si Mommy at sumakay na sa kalesa, Malakas ang Kalabog ng puso ko.

PANAGINIP (Full Part)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon