Kabanata 16

276 6 1
                                    

Cleo POV

Kakagising ko lang pero ang bigat na ng pakiramdam ko. Hindi parin nawawala sa isipan ko yung mga nangyari kagabe.

Bumangon na ako at naligo, Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para pakinggan ako ni Carina.

Pag katapos maligo ay kumain na ako, Sobra ang lungkot na nararamdaman ko ngayon.

'Kung kailan ko sisimulan ayusin ang lahat,
Saka naman lumala..'

Pag katapos kumain ay binuksan ko ang T.V, Lutang ako ngayon dahil sa mga pangyayare.

Nang sumapit ang 9:30pm ay nakatanggap ako ng Text message galing kay Tita Carmen. Agad ko itong binasa.

Tita Carmen
Cleo, pumunta ka dito sa Bahay ngayon din!

Sent 9:30Pm

Kumunot naman ang Noo ko, Hindi naman nag te-text sakin noon si Tita, Pero dahil may masamang kutob ako ay Nireplyan ko sya.

From Cleo:
Bakit po Tita? May problema po ba?

Sent 9:32

Habang nag hihintay ng Reply nya ay palakad-lakad ako.

*TING*

Mabilis pa sa Alas kwatro kong kinuha ang Cellphone ko ng tumunog ito. Agad kong binasa ang text ni tita.

Tita Carmen
Nag Desisyon ang Tito Serio mo na pumunta ng probinsya, Naniniwala naman ako na hindi mo iyon magagawa sa anak ko Kaya pinaalam ko na rin ito saiyo.

Sent 9:33pm

Para akong nanghina sa sinabi ni Tita Carmen. Wala sa sariling mabilis akong nag ayos at tumakbo palabas. Pinaharurot ko ang kotse ko papunta kina Carina.

'Sana Maabutan ko pa sila'

Balisa akong nag da-drive. Nanginginig narin pati ang mga kamay ko.

Pakiusap, Wag nyong ilayo saakin ang mag Ina ko. Naramdaman kong dumaloy ang luha sa mga mata ko.

Pag kataring doon ay agad akong bumaba ng Kotse ko, Nakita ko naman sila na Paalis na kaya Humarang ako.

"TITO WAIT! PLEASE! I WILL EXPLAIN EVERYTHING, JUST PLEASE, PLEASE DON'T TAKE AWAY MY WIFE PLEASE TITO" Pag mamakaawa ko, Nasa loob na sila ng sasakyan habang ako ay nakaharang sa dinadaanan nila. Walang tigil ang pag tulo ng luha ko.

"Tito please, Let me Explain. Please." Umiiyak kong saad at lumapit sa Bintana ng sasakyan kung saan nakaupo si Tito.

Ibinaba nya ang Glass Window at tinitigan ako.

"After what you've done?" Sambit nya sa Malalim na boses.

"Handa po akong mag paliwanag, Just please, Don't take away my wife from me... Tito please." Wala na akong pake kung mag mukha man akong bakla na umiiyak. Basta ang para saakin lang, Ayokong malayo ang pamilya ko sakin.

Handa akong mag dusa sa kasalanan na hindi ko naman ginawa. Wag lang nila ilayo ang natitirang pamilya ko.

"Dad let's go" Dinig kong sambit ni Carina na nakatingin sa ibang direksyon. Alam ko naman na wala sya'ng kasalanan.

Nasaktan sya kaya sya nag kakaganito. Durog na durog na ang puso ko.

"Umalis kana sa Dinadaanan namin Cleo" Ma-authoridad na sabi ni Tito. Hindi naman ako nag patinag.

"Tito lalaki rin po kayo, May pamilya rin po kayong minamahal. Kapag ba may nag sabi sainyo na lumayo kayo sa pamilya nyo. Gagawin nyo ba?" Tanong ko sakanya dahilan ng pananahimik nya. Tumikhim muna ito bago sumagot.

PANAGINIP (Full Part)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon