Chapter 16: Lamig

703 17 0
                                    

Ashley
Nandito kami ngayon baguio at kakarating lang din namin, tama nga sila sobrang lamig buti nalang nag jacket ako dahil mga kaibigan ko ay busy sa mga jowa nila, though ang magkapatid ay walang boyfriend busy naman si Jade sa kausap niya sa cellphone

At yung mag shota na si Brent at Lucy ay magkayakap kaya hindi ko nalang ito tinapunan ng tingin dahil maiinggit at masasaktan lang


"Ok class magpahinga muna kayo mamayang hapon natin sisimulan ang itinerary"Saad ni Ma'am at inabot saamin ang keycard namin

At ang kasama ko sa room ay si Stacey. Nagpaalam ako rito na mag pupunta muna ako sa coffee shop para mag kape alangan naman lumangoy. Pinasuyo ko na rin  mga gamit ko buti nalang ay pumayag ito



Nang makarating ako donn ay agad akong bumili  dahil nilalamig talaga ak at naisipan ko na lumabas muna at mag ikot ikot. Hanggang sa napagod ako at umupo na muna sa isang bench at doon ko naisipan na tawagan si Jayden

[Miss mo naman ako kaagad] natatawang sagot nito ng sagotin agad ang tawag ko

"Feeling mo naman pero totoo" natatawang saad ko rito kaya narinig ko rin itong tumatawa

[Hayaan mo makakauwi rin ako kinilig ako don ah, by the way asan ka pala] tanong nito

"ah asa baguio tour sa school need sumama, lumabas muna ako para mag ikot ikot"Paliwanag ko sakanya

[malamig dyan nag dala kaba jacket?] napangiti naman ako dahil sobrang caring nito

Minsan ko na rin hiniling na sana siya nalang yung taong minahal ko atleast panatag ako na hindi niya ako sasaktan

"Yes po" natatawang saad ko 

Sandaling natahimik ang kabilang linya kaya naisipan ko na iopen sakanya nung gabing na stuck ako kasama si Brent

"Alam mo bang nastuck ako sa Gym kasama si Brent" panimula ko

[Ha? May ginawa ba siya sayo?] natawa naman ako sa sinagot nito

"Oa wala kaso may mga sinabi siya na parang may iba pang ibig sabihin ewan" Saad ko

[Bakit natatamaan kaba?] Don ako natahimik sa sinabi niya

[Kasi hindi ka naman mag rereact ng ganyan kung wala ka nang nararamadaman sakanya Ash] Napakagat nalang ako ng labi dahil totoo ang sinabi niya

"Jayden" tanging lumabas sa bibig ko at narinig ko ang pag bugtong hininga nito

[Hindi ba pwedeng ako naman Ash? ako ang andito eh] Ramdam ko ang lungkot sa boses nito

"Gusto ko pero ayaw ng puso ko pasensya kana, hindi ko mabigay sayo ang pagmamahal na binibigay mo I'm sorry"

[Okay lang naiintindihan ko sige baka kailangan mo magpahinga] pag papaalam nito at hindi pa ako nakakasagot ng ibaba nito ang tawag na kinapikit ko naman 

Bakit ba ang tagal mo maka move on Ashley.

*****
-StealMyGirlxz

The Bet Girl RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon