Chapter 24: Date

529 8 0
                                    

Brent
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila Ash actually kinakabahan ako parang gaya lang ng dati,  at nagsabi na rin ako sa mga magulang nito ngunit ang sinabi lang saakin ay na kay Ash ang desisyon

Sakto namang bumukas na ang gate nito at tila tumigil ang mundo ko ng makita ko ito. Ang ganda niya sa suot niya floral dress na yellow at naka half pontytail pa ang buhok nito

"Oh natulala kana ata sa ganda ko "natatawang sabi nito at don lamang ako napabalik sa reyalidad ng tumawa ito

"Oo na maganda ka naman talaga kaya nga napaibig mo isang playboy diba"nakangising sabi ko kaya namula naman ito  dahil sa kilig

"Ano ba halika na nga"nahihiyang saad nito saakin kaya napatawa nalang ako 

"Here flowers for you" Saad ko at nilabas ang bulaklak na nasa likod ko 

"Thank you nag abala ka pa" Saad nito ngunit ngumiti lang ako "Basta para sayo"

Matapos nun ay pinag buksan ko na siya ng pintuan sa kotse at nang masara ko ay nakita ko sina tita at tito na nakangiting nakatingin samin kaya ngumiti ako sakanila

"Ingatan mo yan Brent!"sigaw ni tito kaya tumango ako sakanila bago sumakay sa kotse

Tulad ng dati pumunta kami sa isang periswheel kung saan dati kami unang nag date

Nang makarating kami duon nag laro muna si Ash ng kung ano ano kaya sinabayan ko nalang ng mapagod ito umupo ito sa isang bench

"Ano pagod naba?"tanong dito

"Ahm oo eh salamat ah ang saya ng araw na ito" sabi nito saakin kaya ngumiti lang ako

"Parang dati lang ulit" Dagdag pa nito

"Ito oh inom ka muna nga tubig" sabi ko sabay abot ng isang bote ng tubig kaya kinuha niya iyon saakin at ininom agad

"Ahm san tayo next?"tanong nito

"Kala ko ba pagod kana"natatawang tanong ko sakanya

"Dali na minsan lang to oh baka mamaya huli na pala to" Saad noua ngunit hindi ko narinig ang huli nitong sinabi

"Ahm peris wheel I guess" sugges ko sakanya  kaya agad naman syang tumango

Hinila nito kamay ko saka pumila

Nang makapasok kami umandar na ito tumigil ito sa pinaka taas madaming magagandang tanawin kaming nakikita

Para bang lahat ng dati bumabalik

"Uy Brent ok ka lang ba?"tanong nito saakin kaya natauhan agad ako

"Ahh Oo naman ikaw ok kalang?"tanong ko pabalik

"Ahh oo ganda pala dito noh"sabi nito saakin kaya tumango ako

Diko alam simula nang araw na yon nainlove nako sakanya

"Uy Brent ok kalang?"sabi ni Ash habang winawave ung kamay nya sa harap ko

Kaya natauhan nako

"Ahh oo nagustuhan mo ba dito?"tanong ko

"Oo namiss ko lang ung college days natin mga mids palang tayo"sabi nito habang nakangiti

Ang ganda ng angulo kaya agad ko itong pinicturan ng patago

Agad naman syang napatingin saakin ng makarinig ng pitik ng camera mula saaking cellphone

"Uy bakit moko pinicturan?"nakangusong saad nito

"Ang ganda mo kasi"sabi ko habang nakatingin sakanya na kinapula  ng pisnge niya at umirap saakin

"Tse!"

"Ahm naalala mo Ash saakin mo unang sinabi na ayaw mo sa lalaki nuon dahil manloloko sila" 

Napalingon ito muli saakin at tumango

"Ah oo sayo ko pala sinabi yun tas ikaw din pala gumawa" Saad nito at tumawa na kinailing ko nalang

Ang sarap makita na ngayon nakangiti na siya at ang dahilan ay ako

"Pero Hindi ko sinasabi na niloloko mo ko ahh" Natawa nalang ako muli ng mag rason ito

"Pero-"

"Kung mag sosorry ka stop na mahalaga okay kana, okay ako, masaya tayo ayon ang importante Brent" Pag putol nito sa sinasabi ko

"Bakit ang swerte ko sayo?" Nakangiti lamang ito saakin

"ako na to eh" Pag bibiro nito na kinatawa namin ng sabay

Maya't maya pa ay gumalaw na ang peris wheel at bumaba na rin kami kinaulanan

Gabi na rin kasi at maganda mag star gazing rito. Naupo naman ako sa may bench nang umupo ito kaya tinabihan ko ito

Kanina ko pa napapansin na sobrang tahimik niya mula nang makababa kami

"May problema ba?" Tanong ko rito kaya napalingon ito

Ngumiti lamang ito ng tipid at halatang pilit

"Sabi mo no secret di ba?" Huminga muna siya ng malalim at hinawakan ang parehas kamay ko

Doon pa lamang ay kinakabahan na ako

"Kasi Brent..." Ngumiti lang ako rito kahit pakiramdam ko anytime lalabas na nag puso kosa sobrang lakas ng kabog

"Pupunta ako ng Canada"

Sa mga sandaling iyon ay natigilan ako ang unang pumasok sa isipan ko ay ang

"Iiwan mo ako ulit?"


******

-StealMyGirlxz

The Bet Girl RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon