Ashley
Lumipas ang tatlo ang araw bago napag desisyon na dalawin siya dahil ilang beses na akong kinukulit ni Lucy at Bryan na dalawin ko ito. Kahit ano mang tanggi ko ay pursigido sila talaga. Kaya't andito na ako sa harap ng room nito at nag dadalawang isip kung tutuloy ba o hindi.Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa non ay si Lucy. Gulat pa ito ng makita ako
"Sino yan Lucy?" Narinig kong tanong ni Brent at dahil don lumakas ang kabog ng dibdib ko nang marinig ko muli ang kanyang boses
"ahm... ano may bisita labas muna ako, sige pasok kana Ash" Saad nito kaya ngumiti naman ako at pumasok
Nang tignan ko ito ay nakatingin ito saakin. Tulala na kala mo ay nakakita ng multo kaya natawa ako, nilagay ko muna ang dala ko na basket na may lamang prutas sa may lamesa sa gilid niya
"Kumusta kana?" Nakangiting tanong ko dito
"Totoo na ba to?" Tanong nito kaya natawa lang ako " totoo ako" sagot ko rito at nagulat nalang ako ng yakapin ako nito ng mahigpit na kinaluha ko
Yakap na kay tagal kong inantay sakanya.
" Alam mo na ba lahat?" Tanong nito at humiwalay sa yakap ko kaya ngumiti ako at tumango
"Huwag ka nang umiyak love" saad nitp at hinawakan ang pisnge ko bago pinahid ang mga luha ko na patuloy sa pag agos
"Patawarin moko.." Ayon ang unang lumabas sa bibig niya samantalang ako ay nanatiling tahimik
"Patawarin moko kase nasaktan kita. Alam mo naman na hindi kita kayang makita ka na nasasaktan ka,diba? Kaya ko nagawa mag lihim at ang naisip ko na paraan ay hiwalayan ka kasi natatakot akong masaktan ka kapag nalaman mong mawawala na ako na hindi ko na matutupad ang mga pangakong binitawan ko sayo" Paliwanag nito kaya tumango lamang ako
"Hindi ka mawawala Brent lalaban ka" Saad ko at hinawakan ang kamay nitong asa magkabilang pisnge ko
"Alam mo bang sumasakit ang ulo ko araw-araw dahil sa sakit ko? Minsan, napakasakit na gusto kong mawala sa mundo para hindi ko na maramdaman ang sakit. Ikaw ang nagbibigay sa akin ng lakas, kaya sa bawat sakit, iniisip kita." At unti unti nang tumutulo ang luha niya habang binibitawan nya ang bawat katagang iyon
"Kung mayroong anumang bagay na nagbibigay-daan sa akin na lumaban sa araw araw, ikaw iyon." Ngumiti naman ako rito at napayuko na ako dahil sobrang sakit
Kasi akala ko talagang niloko niya ako.
"Sana ay ipinaalam mo sa akin, Brent. Gusto kong lumaban tayo nang sabay at gusto kong nasa tabi mo ko kapag may sakit kang nararamdaman. Gusto kong tumulong sa iyo. Hindi naman kita iiwan, mananatili naman ako pero tinanggalan mo ako ng karapatan "May hinanakit kong saad sakanya
"Stop crying. I hate it. " Saad nito at hinalikan ang noo ko " I hate seeing you crying and crying because of me" Umiling lamang ako
"Ayoko lang na maging isang pasanin sa iyo. Ayoko na masaktan ka at umiyak dahil sa aking kalagayan. Ayokong umasa ka na gagaling ako sa sakit na imposible naman. Kaya mas pinili ko nalang sarilihin" Mas lalo akong nasaktan sa sinabi niya
"Tanga ka talaga" Saad ko rito kaya natawa naman ito ng mahina
"Nakakainis pakiramdam ko wala akong kwentang girlfriend mo eh-"
"Hindi totoo yan Love-"
"Pero yun ang pinaramdammo Brent!" Hindi ko mapigilang sumigaw dahil don "Kasi nilihim mo at mas pinili mong magdusa mag isa habang ako iniisip na san ba ako nagkamali bakit mo ako niloko pero ang totoo may sakit kang nilalabanan"
BINABASA MO ANG
The Bet Girl Revenge
Teen Fiction[bet 2] People do, after all, change, don't they? Nothing in this world is permanent; everything changes and happens for a purpose. However, due to a bet, all I did was playfully but quietly interact with one quiet nerd. Everything changes her. Wri...