Brent
Kasalukuyang nakatayo ako sa gilid at pinagmamasdan ang babaeng mahal ko. Nakangiti ito habang may kausap sa cellphone, ang ngiting sabik ko nang makita at masakit saakin na hindi ako ang dahilan non.Gusto ko man sabihin sakanya ang totoong rason pero natatakot akong masaktan siya dahil iiwanan ko rin naman siya. Ayoko siyang masaktan mas okay na ganto, galit siya saakin.
Nung gabi palang ng nagmamakaawa siya gustong gusto ko siyang yakapan at mag sorry dahil lahat ng sinabi ko non ay hindi totoo. Hindi totoo na mas mahal ko si Lucy dahil mula ng makilala ko siya. Wala na akong ibang minahal kundi siya lang.
Mas lalong hindi ko kinaya ng lumuhod siya non para magmakaawa na hindi totoo ang sinabi ko, pero para sakanya rin naman tong ginagawa ko eh. Napapikit nalang ako at naalala ko nanaman ang araw na iyon
"Mahal mo ko diba?" Saad nito saakin ngunit hindi ako sumagot pero gustong gusto ko na sabihin na oo
"Sabihin mo lang.... aasa ako" tama na Ashley nasasaktan ako para sayo sukuan mo na ako
"Sorry I already choose her over you at hindi na mababago yon" Hindi totoo yun love ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko
"Paano ako?" ngunit hindi ako nakasagot
"Bakit b-bakit brent naging ganto" Hindi ko rin alam love, hindi ko alam bakit tayo naging ganto sana maintindihan mo ako
"Sorry" ito lang ang bukod tanging nasabi ko non sakanya
"Stop saying please hindi ko matanggap anong meron siya na wala ako?"
"Asan na yung mga pangako mo?" Pasensya kung hindi ko matutupad dahil ayokong masaktan kapag nawala ako
Dumilat ako at muli siyang tinignan, nanatiling nakaupo siya doon at pinagmamasdan ang paligid, ang laki ng pinagbago niya. Masaya ako don dahil natutunan niyang bigyang pansin ang sarili niya tinotoo niya nga ang sinabi niya saakon
Dahil ng maistuck kami sa gym ay kita ko sa mata niya na wala na akong puwang don.
"Hindi na kita mahal" pero hindi yan totoo dahil mahal na mahal kita
"Thank you" Umiiyak na saad nito saakin
"Sana maging masaya ka kasama siya, ingatan mo sarili mo gaya ng pag iingat ko sayo. Huwag mong lolokohin si Lucy ha" Dagdag niya pang muli. Gusto ko man siyang yakapin at pigilan pero ayoko na mabaliwala ang lahat ng plano ko
"Sana kapag tumingin ulit ako dyan sa mga mata mo aasahan mo ni isang nararamdaman na pagmamahal ay wala na. Goodbye" Nakangiti siya habang sinasabi iyon at nang tumalikod ito saakin doon na ako umiyak at napaupo sa bench
tangina kung pwede lang mas piliin kong mabuhay ng matagal kasama ka para hindi na kita nasasaktan ng ganito.
Hanggang sa sumakit na ang ulo ko at huling narinig ko ay tawag ni Lucy sakin.
Ngumiti muna ako bago ko siya iwanan don at bumalik sa hotel para magpahinga. Kasalukuyang hawak ko ngayon yung picture naming masaya pa kami kung saan anniversary namin ang araw na iyon at nilagay ko pa ang katagang.
"I make castle you be my queen...I make house you be my wife my mother of my children.... but my world is only you love ,i love you so much" pangako ko na pinako ko rin
"Kung kaya kong ibalik ung nakaraan matagal ko nang nagawa"wala sa sariling sabi ko
"Wag ka ng umasa brent wala na sya sayo wala nang kayo sinasaktan mo lang sarili mo" Napatingin ako sa taong nagsalita
"Kahit ngayon lang please lucy.. hayaan mo ako"sabi ko rito at tinabi ang picture namin
"Kung sana ako nalang minahal mo edi sanas hindi ka nalulungkot"sabi nito ngunit hindi ko iyon pinansin
"Aalis nako"sabi ko rito at muling kinuha ang jacket handa na sana akong lumabas ng magsalita ito
"Brent kailangan mo magpahinga please baka umatake nanaman sakit mo" Ramdam ko ang pag aalala sa boses nito
"Hayan mo ako gusto ko lang siya pagmasdan baka huli na to kaya please" Saad ko rito, napaluha naman ito
"Brent lalaban ka, please para kay Ash hindi ito ang huli" Kumibit balikat na lamang ako
"Please ngayon lang lucy kahit ngayon nalang baka nga ito na ung huli..."sabi ko kahit masakit makita ko syang masaya sasaya narin ako
"Go kung maging masaya ka naman" dagdag pa nito kaya lumapit ako rito para yakapin
"Salamat sa lahat Lucy" Saad ko rito at humiwalay na
Ngunit palabas palang ako ay biglang sumakit ang ulo ko na parang binibiyak kaya napaupo na ako hanggang sumisigaw na ako sa sakit
please wag muna ngayon gusto ko pa siyang makita nag mamaakawa ako panginoon
"Arghhh!" Nanlalabo na ang paningin ko ngunit nakikita ko kung paano mataranta si Lucy habang papalapit saakin
"Brent! please kumapit ka wait lang tatawag ako ng tulong" Umiiyak na saad nito at may pinindot na kung ano ngunit hindi ko inalintana iyon dahil sobrang sakit na talaga ng ulo
"Brent! lumaban ka parang awa mo na" rinig kong saad nito saakin "PLEASE TULONG!" Rinig kong sigaw ni Lucy
Hindi ko na alam ang iba pang nangyare dahil sobrang sakit na ng ulo ko hindi ko na kinakaya
Kung kukunin nyo na po ako sana makita ko pa siya kahit isang sulyap lang po nagmamaakaawa ako
Lucy
"TULONG PUTANGINA!!" sigaw na ko ng sigaw dahil sumisigasw na rin sa sakit si Brent at naiiyak ako sa kalagayan niya.
Hanggang sa may pumasok sa room nito at nakita ko si Bryan at Alex
"Ang ingay ano ba- BRENT?!" Gulat na saad ni Bryan at agad naman ako nito dinaluhan
"ARGHHHHH!" Mas lalo akong umiyak ng umungol nanaman ito sa sakit
"please tumawag kayo ng ambulance Bryan kailangan madala ni Brent sa Hospital" Saad ko rito
"Babe tumawag ka na please" Saad naman nito kay Alex na nakatulala
"O-Okay" Saad nya at tumakbo palabas
"Anong nangyare kay Brent?" alalang tanong nito
Lumunok muna ako bago sinabi dahil walang nakakaalam ng kondisyon ni Brent bukod saakin at pamilya niya
"M-May tumor sya sa utak. Brain cancer stage 3"
*******
-StealMyGirlxz
BINABASA MO ANG
The Bet Girl Revenge
Teen Fiction[bet 2] People do, after all, change, don't they? Nothing in this world is permanent; everything changes and happens for a purpose. However, due to a bet, all I did was playfully but quietly interact with one quiet nerd. Everything changes her. Wri...