Chapter 19: Miracle

635 15 0
                                    

Ashley
"Brent naman please!!.. kahit ngayon lang ako naman sundin mo!!" Patuloy pa rin ako sa pagsigaw dahil inaanounce na ng mga tao sa loob ang oras nang kamatayan niya

"Time of death-"

"Di pede di pa sya patay!!!!!"sigaw ko habang umiiyak kaya napatigil sila sa pag sasalita

Nang biglang gumalaw ang daliri nya

"Nakita nyo gumalaw ang daliri ni Brent doc!" sigaw ko kaya agad nilang chineck ang machine at nakita nila hindi na flatline dahil muling tumibok ang puso niya

"Its ang miracle!" Sigaw ng doctor na kinahinga namin ng maluwag

Salamat panginoon dininig nyo panalangin ko

Habang inaayos nila ang kailangan ayusin ay napagdesisyonan ko na munang maglakad lakad. Dahil ang kailangan don ngayon ay pamilya ni Brent, at si Lucy dahil wala naman na kami matagal na.

Masakit saakin habang iniisip kung ano ang napag daanan niya ng mga oras na yon habang ako iniisip ko ay pag hihiganti lamang sakanya. Wala akong nagawa kundi umiyak nalang. Napaupo ako sa  may bench kung saan maraming pasyente ang nakatambay dito

Hindi ko na alam gagawin ko ang mahalaga saakin ay buhay ulit yun lang hinihiling ko. 

"Bakit hindi ka umakyat at nandito ka?" Napatingin ako sa taong tumabi saakin si Lucy pala

Tumawa naman ako ng pagak

"Mas kailangan ka don, matagal nang wala kami  ni Brent" Sagot ko sakanya at pinunasan nag luha ko

"Hindi naman kami eh" Saad nito na kinatingin ko muli sakanya

"Lahat ng meron saamin Ash palabas lang, dahil ayaw niyang malaman mo kalagayan niya mismo si Bryan ay ngayon lamang nalamana ng sitwasyon niya" Paliwanag nito kaya agad nanamang nanubig ang mga mata kp

"B-Bakit?"

"Dahil ayaw ka niyang masaktan, para sakanya isa kang crystal na takot na takot siya ng madiagnose  siya non at nalaman niyang malala na pala hindi niya alam paano sasabihin sayo kaya ako nakaisip na ganong ideya na hiwalayan ka niya"

"Mahirap sakanya lahat Ash sana wag mo isipin na talagang niloko ka niya, kasi sa limang buwang nawala ka walang araw na hindi niya sinisisi sarili niya dahil nasaktan ka parin niya kahit ayaw niya, kaso wala siyan choice"

"May choice siya Lucy dadamayan ko naman siya eh andito ako oh" Umiiyak na sagot ko rito

"Hindi mo maiintindihan kung gaano kahirap kay Brent na gawin yon, sana maintindihan mo"

"Na kahit wala na kayo kahit ako ang parati niyang kasama ikaw pa rin ang mahal niya, tingin mo kung makasarili ako ipapaalam ko ba sayo sitwasyon niya?" Napatingin ako muli sakanya

"Ikaw parin hanggang ngayon kahit ako ang kasama niya"

****
-StealMyGirlxz

The Bet Girl RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon