Not suitable for young readers or sensitive minds. Contains sensitive topics that some of you may find disturbing such as adult situations, strong language, psychological issues, law-breaking, and violence. Readers' discretion is advised. Please feel free to leave if this is not your kind of story.
His Bad Ways (Red Note Society #3)
-----------------------------------------------------------------------
Galing ako sa pinag-side-line-an kong lomihan bandang ala una ng madaling araw ng madaan ako sa makipot na daan papasok sa looban. Doon ako nakatira sa isang siksikang lugar. Ang lahat ng tambay ay nasa taas ng tulay kaya wala ng katao-tao rito sa bandang ito.
Nahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang maaligasgas at tila hinihingal na boses ng isang babae sa eskinitang tinatalunton ko. Madilim dahil maliit lang ang lamppost na naririto at kukurap-kurap pa iyon dahil sa napakatagal na, hindi ko tuloy maaninag kung sino iyong dalawang nakatayo sa dulo ng daan.
Ano kaya iyon? Sino kaya ang mga iyon?
Napatago ako sa gilid ng basurahan ng luminaw ang mga bulto sa paningin ko. May isang lalaki at isang babae ron na halatang gumagawa ng milagro!
Napakurap-kurap ako habang pinapanood ang pag-alon ng likod ng lalaki habang ginigitgit ang nakatalikod na babae sa pader. Nagmistulang mga aso ito na nagmamadaling makaraos.
Ang lalaki ay matangkad at may kumikinang na hikaw sa tainga. Hindi ko lang mabistahan nang maayos kung ano ang bulto ng katawan nito, pero sa tingin ko ay sakto lang naman. At dahil naka-side view ay kitang-kita ko ang matangos nitong ilong. Nakababa ang short nito hanggang sa kalahati ng hita habang umaatras-abante sa likuran ng kaharap.
Bahagyang umungol ang lalaki na sa pagkagulat ko ay parang na-sexy-han ako.
Ew! Bakit naman ako mase-sexy-han sa ungol ng lalaking yon? Kinilabutan ako sa naisip ko.
Ano pa bang ginagawa ko rito? Bakit pinapanood ko pa sila? Di ba dapat nandidiri ako sa kanila? Pero para akong tinulos sa kinaroroonan ko. Naku-curious ako kung saan matatapos ang eksenang pinapanood ko.
Lalong bumilis ang lalaki. Pinalo at pinisil pa nito sa puwitan ang babae saka umakyat ang isang palad nito para sapuhin ang magkabilang dibdib ng kaulayaw. Aba, magaling nga!
Daig ko pa ang nanonood ng porno dahil live na live sila sa paningin ko. Kahit may kadiliman ay nahihindik pa rin ako sa nakikita ko. Nahihindik pero hindi magawang umiwas sa panonood.
Samantalang wala namang kakibo-kibo ang lalaki. Seryoso ito na makatapos sa ginagawa.
Ilang saglit lang ay tapos na ang dalawa. Inayos na nito ang mga suot. Itinapon ng lalaki ang kung anong bagay na inalis nito sa sariling ari saka inayos ang pagkakasuot ng cargo shorts. Yumakap ang babae sa bewang ng lalaki ngunit umiwas ang huli.
"Ang ilap mo talaga..." hinihingal ang babae.
BINABASA MO ANG
His Bad Ways
RomanceX, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him as he is homeless and unemployed until she realizes she's wrong. X is a good and responsible guy who...
