Chapter Four

1.2K 24 1
                                    

CHAPTER FOUR

Halos isang buwan na kaming magka-chat ni Reinhart. Masaya ako pag ka-chat siya. Aaminin kong nawawala sa isip ko si Zach kapag ka-chat ko siya. Hay, ano nga kayang itsura niya? Gwapo nga kaya siya? Nahihiya naman akong magtanong kung anong totoo niyang hitsura. Usapan namin, no strings attached. Bawal kami ma-inlove sa isa’t isa. Friends lang kami.

SIMPLEGUY: rei, i won’t be online for a couple of nights. darating kasi parents ko from abroad. we’ll be having dinner with my grandparents. 

ramdam ko ang lungkot sa kanya, kaya pinilit ko siyang pasayahin.

NOTSOGORGEOUS:  really? i didn’t know your parents work abroad. 

SIMPLEGUY: sorry, i haven’t mention it. di naman kasi importante yon. nothing personal nga di ba?

NOTSOGORGEOUS: yeah. enjoy being with your parents, friend. i’m sure they missed you.

SIMPLEGUY: thanks. but I’ll be missing you, rei. 

Ano yon? Nagpaparamdam ba siya? Haler?

NOTSOGORGEOUS: okay. chat tayo on the next, next night?

SIMPLEGUY: yes. thanks once again.

NOTSOGORGEOUS: you’re welcome.

SIMPLEGUY: rei, can I have your cell number?

NOTSOGORGEOUS: ha?

SIMPLEGUY: please…

Napaisip ako. Ibibigay ko ba sa kanya ang number ko? Di kaya maging stalker ko siya?

NOTSOGORGEOUS: di ba pedeng chat na lang tayo?

Hindi siya nagreply. Bigla akong kinabahan. Baka nagtampo siya.

NOTSOGORGEOUS:  091722345**.

SIMPLEGUY: thanks friend. here’s mine… 091759977**.

NOTSOGORGEOUS: you’re welcome. i have to sleep already. may pasok pa bukas. ikaw din, matulog ka na. wag kang magpupuyat, friend.

SIMPLEGUY: ang sweet mo naman. sige, sabay tayong matulog, rei. sana makita kita sa dreams ko.

NOTSOGORGEOUS: sweet dreams, reinhart. good night!

SIMPLEGUY: good night! 

Bakit ang saya-saya ko? Feeling ko matagal na kaming magkakilala ni Reinhart. Hay, sana makita ko siya kahit sa panaginip. 

OL  K  B? (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon