Chapter Twenty-Two

1.2K 60 50
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

Sabado nang umaga. Excited ako. Maaga akong gumising. Kagabi pa lang ay inihanda ko na ang isusuot ko. Tinext ko kasi kay Reinhart ang damit na isusuot ko para madali kaming magkakilala. Pink sleeveless blouse and denim pants ang isusuot ko with pink hair clip at the right side of my hair. Siguro naman, wala akong makikitang kapareho kong attire sa ice cream parlor. Si Reinart naman, gray shirt and maong pants with cap daw. Madali ko lang siya makikilala pag ganon. Si Zach, di ko alam kung anong plano niyang isuot. Basta dapat gwapo pa rin siya.

8:45 a.m. ay nakabihis na ako. Di naman ako excited. Gusto ko lang makita ang sarili ko nang matagal sa salamin. Syempre pinapractice ko rin ang mga sasabihin ko pag nagkaharap kami ni Reinhart.

9:20 a.m. Ang bilis ng oras. Kelangan ko nang maghanda sa pag-alis. 15 minutes din ang byahe papunta sa meeting place namin ni Reinhart. Ayokong malate. Dapat eksaktong 10:00 a.m. ako dumating. Ako nagset ng time kaya dapat di ako dapat malate. 

9:40 a.m. Sakay na ako ng taxi. Kinakabahan ako. Nanginginig ang kamay ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang gusto ko nang magback-out sa usapan namin ni Reinhart.    

9:55 a.m. Nasa harap na ako ng ice cream parlor. Papasok na sana ako ng ice cream parlor nang makita kong maraming babaeng nakasuot ng pink blouse at denim pants at mga lalaking nakasuot ng gray shirt, maong pants at cap. Ano ito? Pinaglalaruan ba ako ng mga mata ko? Kinusot ko ang aking mga mata. Hindi nagbago ang nakikita ko. Paano na yan? Hindi na yata kami magkikita ni Reinhart. Babalik na lang ako sa bahay. 

"Eia!" narinig kong tawag ng isang pamilyar na boses.

"Zach?"

"O, bakit parang gulat na gulat ka dyan?"

Nabigla ako sa suot niya. Kagaya din ng suot niya ang suot ng karamihan sa nasa ice cream parlor.

"O, nasan na ang ka-blind date mo? Dumating na ba siya?"

"Ha? A, e. Nagback-out. May importante daw siyang lalakarin," pagsisinungaling ko. "Sige, Zach. Una na ako. Pasensya na sa abala."

"Wait, Eia. Nandito na rin lang tayo bakit di na lang tayo tumuloy sa loob ng ice cream parlor? Mainit e."

Nagbibiro ba siya? Di ba niya nakikita ang mga tao sa loob? Kapareho namin lahat ang suot nila. Para kaming magpaparade sa ayos namin.

"No. Thanks. I have to go."

Pero hinapit niya ang bewang ko at naglakad kami papasok sa loob ng ice cream parlor. Wala na akong nagawa. Masyado siyang malakas kaya nagpaubaya na ako. 

Nakayuko ang ulo ko pagpasok sa loob. Ayokong makita ang mga mukha ng mga nandon.

"Eia, look!" sabi ni Zach.

Napaangat ang ulo ko. Natulala ako sa nakita ko. May malaking banner sa loob. Hindi ko napansin yon nang nasa labas ako kahit glass lahat ang wall ng parlor.

I LOVE YOU, REIKO! WILL YOU BE MY GIRLFRIEND? 

YOURS FOREVER - REINHART

OMG! Lingon ako nang lingon. Hinihintay kong may lumapit sa kinatatayuan namin ni Zach para magpakilala sa akin bilang Reinhart pero wala.

"Reiko, I love you!" narinig kong sabi ni Zach.

"Ha? Zach? Ikaw si Reinhart?" 

"Yes, Reiko. I'm your Reinhart."

"Zach? Alam mong ako si Reiko? Ang daya mo."

"The very first time we chat. I knew na ikaw yon, Eia."

Naiiyak ako. Bakit di niya sinabi sa akin agad na siya at si Reinhart ay iisa?

"Don't cry, Rei. Rein loves you so much," sabi niya sa akin.

"I love you too, Rein," sabi ko.

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Ngayon ko lang napansin na mga taga-Faith Academy sila. Nandon si Vaness pati na sina Gwen at Daniel. 

Lumapit si Vaness sa akin. "Congrats, Bes!" sabi niya sabay yakap sa akin.

"Sister-in-law!" Si Gwen. Nagyakap kami.

"Congrats, Zach!" Si Daniel.

"Okay everyone, ice cream and cakes are in the house," sigaw ni Zach.

Nasigawan at nagpalakpakan ang lahat. 

"So, Ms. Beautiful. Di mo pa sinasagot si Reinhart," sabi ni Zach sabay turo sa banner.

Napangiti ako. "Kelangan pa ba talaga yon? Nag-i love you na nga ako sa yo e."

Tumango lang siya na parang bata.

"Yes! I want to be your girlfriend," sabi ko nang buong pagmamahal.

Nagyakap kaming dalawa at muli naglapat ang aming mga labi.

*END*

____________________________________________________

  

A/N:

Hanggang dito na lang ang story nina Zach at Eia. Pasensya na kung nabitin kayo. Sana nag-enjoy pa rin kayong lahat sa pagbabasa. 

Maraming salamat sa lahat ng mga sumuporta sa OLKB. Sana hindi kayo magsawa sa pagsuporta sa mga susunod ko pang stories na isusulat.

OL  K  B? (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon