Chapter Seventeen

977 20 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Nagkakaingay sa loob ng room namin pagpasok ko. May mga nagkakantahan, naghihiyawan, nagkakalampagan, nagbabatuhan ng papel, at nagtutuksuhan. Kaya pala ay absent ang first subject teacher namin. Ang gulo-gulo ng classroom namin. 

Naisip kong lumabas na lang ng room. Wala ako sa mood makigulo sa kanila. Nang nasa pinto na ako ay biglang may humaltak sa akin. Kinaladkad ako papunta sa pinakadulo ng corridor ng building namin kung saan nandon ang lockers ng juniors.

Hindi ko nakita ang mukha ng humila sa akin. Naka-cap kasi siya at  nakashades pero feeling ko kilala ko siya. Pamilyar ang suot niyang jersey. 

"Sandali lang, pede? Nasasaktan ako!" sigaw ko.

Tumingin lang siya sa akin at nginitian ako. Nang nasa harap na kami ng lockers ay binitiwan niya ako.  Nagulat ako nang magsalita siya.

"So, kumusta na ang talunan?" pang-aasar niya.

Napakunot ang noo ko at napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Hoy, mister nobody! Sino ka para insultuhin ako ha? Ang yabang mo naman!"

Tinanggal niya ang cap niya at shades. Napadilat nang husto ang mga mata ko sa nakita ko. Si Zach!

"Ang SG President lang naman at team captain ng basketball team ng school na ito," sagot  niya with matching ngisi at kindat pa.

Natulala ako. Hindi ako makapagsalita.

"So how's life after defeat, Ms. Ocampo?" sabay haplos sa buhok ko.

Bigla akong natauhan. Tinabig ko ang kamay niya.

"Whoah! What's that for? Angry babe?" sabay tawa.

Tinalikuran ko siya at akmang lalakad na pabalik sa room ko nang haltakin niya ang braso ko na ikinawala ng balanse ko. Agad niya akong niyakap sa bewang kaya napaharap ako sa kanya at nagkadikit ang aming mga labi. Napapikit ako nang husto.

"I-I'm sorry Eia," paghingi niya ng paumanhin.

Isang malakas na sampal ang isinagot ko sa kanya at nagtatakbo na ako takip ng kamay ko ang bibig ko.

Ang walanghiya. Ninakawan ako ng halik. First kiss ko yon! Kainis.

"Eia!" narinig kong tawag niya. 

"Bes, bakit wala ka sa mood? Nag-away ba kayo ni Kuya Daniel?" nag-aalalang tanong ni Vaness.

"No. Ang bait-bait nga sa akin ni Daniel e," malungkot kong sagot.

"May period ka ba? Matamlay ka kasi e."

"Wala pa. Palagay ko mapapadali kasi na-iistress ako sa mga tanong mo e," wala sa loob kong sabi.

"A, nakakastress pala ako ha!" nagtatampo niyang sabi at akmang tatayo. 

Pinigilan ko siya. "Bes, pasensya na. Naguguluhan lang kasi ako," paliwanag ko.

Huminga siya ng malalim saka nagsalita. "Naguguluhan ka. Ano naman po ang nagpapagulo sa yo, aber?" maintriga niyang tanong.

"Kwan kasi..." hindi ko maituloy ang aking gustong sabihin.

"Sige lang. Makikinig ako," nakapangalumbabang sabi niya.

"Nagkita kami ni Zach kanina, Bes."

Nanlaki ang mga mata niya at napaupo ng tuwid. "Nagkita kayo ni Zach? Totoo, Bes? Anong sinabi niya? Inamin niya na bang gf niya si Wendy?" sunud-sunod niyang tanong.

"Bes, naman. Pede isa-isa lang tanong? Para talagang machine gun yang bibig mo," natatawa kong sabi. 

Napasimangot siya. "Sus, un lang e. Sige na di na kita pipilitin sagutin lahat ng tanong ko sa yo. Para yun lang e. Tse!" sabi niya sabay irap.

Niyakap ko ang bespren ko. Ayokong tuluyang magtampo ang bespren ko sa akin.

"Bes, wag ka nang magtampo, please," lambing ko sa kanya.

"Okay. I want to know everything about sa pagkikita nyo ni Zach."

At ikinwento ko sa kanya ang buong pangyayari.

"OMG! Bes, sabihin mo sa kanya ako rin ikiss niya," malakas niyang sabi.

"Sssh! Ano ka ba? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito sa canteen," saway ko sa kanya.

"Bakit ba palagi na lang ikaw ang maswerte, Bes? Sana ako na lang yon. Susunggaban ko mga labi niya," excited niyang sabi.

Ang bespren ko talaga, baliw. 

"Bes, di ko sinasadya yon, ano ka ba? Pede wag na lang makakarating kay Daniel ang nangyari? Ayokong magalit siya sa akin," pakiusap ko kay Vaness.

"Oo naman. Pero, Bes wag na wag mong ipagpapalit si Kuya kay Zach ha? Kawawa naman siya pag nagkataon." 

Natigilan ako sa sinabi ni Vaness. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Naalala ko ang sinabi ni Mama. Ano nang gagawin ko? Anong nangyayari sa akin? I like Daniel. Crush ko pa rin naman  si Zach. Naguguluhan ako.

OL  K  B? (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon