Chapter Twenty

1K 24 5
                                    

CHAPTER TWENTY

Tinanghali ako ng gising kinabukasan. Halos hindi ko maidilat ang aking mga mata. Gusto ko pang matulog. Nagpasya akong wag na munang pumasok. 

Ang sarap ng pakiramdam na malamang mahal ako ng crush ko. Sana noon pa niya sinabi sa akin ang feelings niya. Bakit ngayon lang kung kelan may boyfriend na ako?

Boyfriend? Oo nga pala. Si Daniel. Nawala sa isip ko na dalawa nga pala kaming girlfriend niya. Si Gwen. Walang kaalam-alam ang pinsan ni Zach. Pati si Zach, di niya alam na kami na ni Daniel. Argh! Nakakaloka.

 Ano nga bang gagawin ko kay Daniel? Sasampalin ko ba siya? Makikipag-break? 

Kring...

Agad kong hinablot ang CP ko. Unregistered number.

"H-Hello?"

"Eia, can we talk?" boses ni Daniel. 

"D-Daniel?"

"Nandito ako sa harap ng bahay nyo."

Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko. Tanaw ko siya na nakasandal sa kotse niya.

"Sige. I'll see you in fifteen minutes." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya, ibinaba ko ang CP ko.

Nakaupo na siya sa sofa ng sala namin nang bumaba ako. Binilin ko kay Yaya Nelie na papasukin si Daniel. Maitim ang ilalim ng kanyang mga mata. Mukhang di siya nakatulog. Ano kayang sasabihin niya sa akin? 

Tumayo siya paglapit ko sa kanya. Sinenyasan ko siya na maupo.

"Eia, about last night..." pagsisimula niya.

"You don't have to explain. Malinaw na sa akin ang lahat. Sayang, Daniel. Akala ko pa naman, napakatino mong lalaki. Babaero ka pala. Alam ba ni Gwen na may gilfriend ka pa aside from her? Kawawa naman siya. Mukhang mabait siya. Sayang nga lang at may boyfriend siyang manloloko," tuluy-tuloy kong sabi.

"I'm sorry, Eia. I didn't intend to hurt you."

"Ako, hurt? Hindi a! Sa tototo lang masaya ako, kasi nalaman ko agad kung sino ka at anong klaseng tao ka. Naloko mo kami ng kapatid mo," naiinis kong sabi. "Ano kaya ang mararamdaman ni Vaness kapag nalaman niya ang totoo?"

"Eia, please, wag mong sasabihin kay Vaness ang nalalaman mo. Ayokong magalit ang kapatid ko sa akin."

Naawa naman ako sa hitsura niya. Kahit anong nangyari, bespren ko pa rin si Vaness. Di siya damay sa kasalanan ng kuya niya.

OL  K  B? (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon