STTH | 1

371 58 3
                                    

"NAGBABAGANG BALITA! Isang binata na naman ang natagpuang duguan at wala ng buhay sa di' kalayuan nitong bahay kaninang madaling umaga. Ayon sa mga nakakita, tadtad ito ng saksak sa katawan at ang nagdala ng kilabot sa lahat ay ang nawawala nitong mga mata -."

Ayan, sige. Ipagkalat niyo pa ang ginawa kong hindi makatao. Kahit anong gawin niyo, kahit kailan hindi niyo ako mahuhuli. Kaya sige lang, takutin niyo na ang lahat. Balaan ang kailangang balaan. Hindi rin yan ang makakapigil sa mga sumusunod kong balak na gagawin.

Pinatay ko na ang TV, sabay tapon ng remote sa mesa.

Kapagod ngayon araw. Iba rin ang biktima ko kagabi. Palaban, kaya halos maubos na ang lakas ko at pasensya. Mabuti na lang alam ko kung ano ang kahinaan niya kaya wala sa oras ko siyang napatulog at nabawian ng buhay.

Pero sayang, binalak ko pa sana na makipaglaro sa kanya.

Tumayo na ako sa kinauupuan, naglakad patungong kusina at napasimangot na lamang ng makita ang walang kalaman-laman na reff. Napakunot ang noo ko. Parang kailan lang puno pa 'to ah? Kainis. Wala pa naman ako sa mood para mag grocery ngayon. Pero wala rin naman akong choice. Ayokong magutom at umasa sa pa order-order na yan.

Pagkatapos mag-bihis, umalis na kaagad ako ng bahay at nilakad ang pinaka malapit na grocery store sa bayan. Keri lang kahit nakakapagod, gusto ko ring lumanghap ng sariwa na hangin at nakakalibang din pagmasdan ang mga batang masayang naglalaro sa labas, ang mga magagandang bulaklak na inaalagaan ng maayos ng may-ari ng mga kabahayan, at syempre ang mga taong nakakasalubong ko sa daan na hindi alam na ang taong ito ang kanilang kinakatakutan at ang may pakana sa sunod-sunod na patayan sa bayan.

Mga kawawang nilalang.

Pagpasok ko sa establisheminto, ningitian ko lang ang guwardyang bumati ng magandang hapon sakin at wala ng sinayang na oras at kumuha na ng mga kakailanganin. Mabuti at hindi pa siksikan dito. Hindi ko na kailangan pang makipag patintero at makipag unahan sa mga tao. Sa mga ganitong oras kasi laging puno ang grocery store kaya pahirapan talaga. Isang malaking himala ang nangyayari ngayon.

Habang naglilibot, hindi ko naman maiwasan na mailang. Parang may mga matang nakamasid sa akin. Naghihintay. Binabantayan ang bawat kilos ko. Pag tingin ko sa palagid wala namang tao. Kaloka.

Matapos bayaran ang lahat ng mga pinamili, ay agad na akong umalis sa tindahan at pumara ng taxi. Hindi nagtagal, salamat at nakasakay din kaagad. Akala ko maghihintay pa ako ng mahigit isang oras gaya ng nakasanayan.

Nang malapit na ako sa bahay, may matatanaw na isang malaking truck na nakaparada sa kanang bahagi ng bahay ko. Bagong Kapitbahay? Taas kilay akong napatingin dito. May mga lalaking may bitbit na kahon ang labas-masok sa bahay na mahigit ilang taon ng walang nakatira.

"Manong dito na lang ako," may inis na sabi ko sa matanda. Hindi kami makaparada ng maayos dahil sa malaking truck na 'to.

"Sigurado po kayo Ma'am?" Tanong ng matandang driver.

"Oo." Maikling sagot ko sabay labas ng taxi matapos makabayad.

Mabilis na pumasok ako ng bahay, walang lingon-lingon - at nilapag ang mga pinamili sa mesa. Walang gana kong inilagay ang mga ito sa loob ng reff at magkatapos ay pumunta na ng kwarto para makaligo dahil ayaw na ayaw ko talaga na mapawisan. Iwan ko ba, ganito na talaga ako kahit noong bata pa.

-

Kinaumagahan, daig ko pa ang mga ibon sa pag-gising. Mag-aalas kwatro pa lang, nakaupo na ako sa sofa habang umiinom ng mainit na kape at nanunuod ng walang kwentang palabas. Ganito ako araw-araw. Maagang gumigising, nanunuod ng TV, kain at tulog uli. Pag miyerkules naman, ginagawa ko ang isa sa mga pinakagusto kong gawain; ito ay ang kumitil ng mga taong walang ginawa kundi ang pahirapan ang kanilang mga mahal sa buhay.

STTH (GirlxGirl)Where stories live. Discover now