STTH | 7

76 7 0
                                    

"Hala! Yung babae masasagasaan!"

"Oy miss, tumabi ka!" Ang biglang pagsigaw na lang ng mga tao sa paligid.

Unti-unting bumagal ang takbo ng oras. Isang pulang kotse ang makikitang mabilis na humarorot papunta sa akin, at ang tanging nagawa ko lang ay ang pumikit ng mga mata. Litse, muhkang katapusan ko na.

Isang segundo.

Tatlong segundo.

May maririnig na pagbukas ng pinto. Ng napamulat, ay siya namang paghila sa akin ng mga kalalakihang nakasuot ng bonet, papasok sa loob ng sasakyan kung saan may mahigit sa tatlong katao ang nakaupo.

"Sino kayo? Anong kailangan niyo sakin?!" Nagawa ko pang magtanong, pero ni isa sa kanila ay walang naisagot. Hangang sa may itinakip sa ilong ko ang isa sa mga lalaki dahilan para dumilim ang paligid at bigla nalang ang sarap matulog..

-

"Gising!" Ang ingay-ingay. "Gumising ka sabi!"

"Ano ba?" Inis na napakurap ako sa isang pigurang nakatayo sa harapan, at laking gulat ko nalang ng buhusan niya ako ng tubig sa muhka.

"Anong karapatan mo para sabligan ako ng tubig?!" Sinamaan ko ng tingin kung sino man ang taong ito. Ang laki ng katawan niya, parang body builder. May inipit rin siyang baril sa bewang at parang hindi nakaligo ng ilang linggo dahil sa madungis niyang muhka.

"Sino ka?"

Walang ka emosyon na itinapon ng lalaki sa sahig ang kanyang hawak na balde, "Mabuti at nagising din kita. Umayos ka, may kakausap sayo," at nagmamadaling na itong umalis habang ako naman ay naiwan na basa ng tubig. Ang kapal naman niya para gawin sakin yun. Gising na nga ako pero binuhusan parin ng tubig. Napaka siraulo!

Napainat-inat ako sa nangangalay kong leeg - teka, nasaan ba ako?

Medyo Madilim, ang maliit na bintana lang sa kanan ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa loob. Maalikabok, maginaw, may mga nagkalat na karton at pinapalibutan na halos ng gagamba rito. Sa naiwang katahimikan, unti-unti namang nagbalik sa akin ang mga ala-alang nangyari kanina.

Yung pulang kotse, ang akalang masasagasaan na ako at ang mga lalaking naka suot ng bonet.

Napatingin ako sa nakagapos kong mga braso at napangiwi na lang. Ramdam ko ang mahigpit na pagkakatali dito. Anak ng. Hindi pwede 'to. Kailangan kong makawala dito.

Pero bago pa man ako makaisip ng plano para makaalis, bumukas ang pintuan at pumasok uli ang lalaki, pero ngayon may kasama na itong matanda na paika-ika kung maglakad. Para namang nagslow motion ang lahat.

"Lorainne, ikaw na nga iyan!"

Boses pa lang nito kumukolo na ang dugo ko, "Omar."

~

"Pa, tama na!" Pigil ng limang anyos na si Rainne sa nagtatalong magulang.

"Lorainne, pumasok kana sa kwarto mo, ngayon din!" Galit na utos ng kanyang ama-amahan habang hawak nito sa leeg ang kanyang labis na umiiyak na ina.

Magkahalong sipon at luha ang tumutulo sa muhka ni Rainne. Nanginginig na kanyang katawan dahil sa mga nakikita at naririnig mula sa dalawa. Nahihirapan na rin ito sa paghinga dahil sa kaka-iyak.

"Mama!" Hindi nakinig ang batang si Rainne sa utos ng ama-amahan, bagkus tumakbo ito at pinaghahampas ang mamahaling damit ng lalaki. "Bitawan niyo po ang mama ko!"

"Sinabing pumasok ka sa kwarto mo! Napaka tigas talaga ng iyong ulo!" Galit na binitawan ng lalaki ang ina ni Rainne at bumagsak ang katawan nito sa sahig. Nakapikit ang mga mata. Nanghihingalo na. "Mana ka talaga sa mama mo, pareho kayong sakit sa ulo."

STTH (GirlxGirl)Where stories live. Discover now