STTH | 5

82 12 0
                                    

"May bumugbog po sa kanya. At sabi ng tatay ko kasalanan mo raw."

Napanganga ako sa narinig. Ano? Paano? "Teka, ba't naging kasalanan ko?" Taas kilay kong tanong.

Nagkibit balikat lang si Jayjay sabay taas ng paninda niyang sampaguita, "Bibili ka po ba?"

"Mamaya na nga yan, samahan mo muna ako."

Hindi ko na siya pinagsalita pa at hinila na palabas ng gate. Saktong may huminto namang tricycle sa tapat namin at lumabas ang mga pasahero nito. Dali-dali kaming sumakay ni Jayjay sa loob at hindi nagtagal ay nakarating din sa destinasyon.

"Ano pang sinabi ng tatay mo?" Tanong ko pagkatapos bayaran ang driver.

Pumasok na kami sa hospital.

"May bumugbog po kay tatay na mga lalaki. Nakatakip daw ang mga muhka nila kaya hindi nakita ni tatay ang itsura," panimula ni Jayjay. "Pero sinabi daw nila na sabihin ni tatay sayo na humanda at paparating na siya. Sobra po talagang nagalit si nanay sayo. Kasalanan mo raw."

Ito ba ang dahilan kung bakit kinakabahan ako kanina, 'di makapakali at napapuntang park? Pero ano naman ang kinalaman ko dito? Paanong naging kasalan ko na may bumugbog kay mang kanor? Anong koneksyon?

Deretso lang ang lakad namin. Ako walang pake kung may mabanga man. Wala ako sa mood para makipag patentero sa mga tao ngayon. Habang binabaybay ang daan, puno naman ng mga tanong ang isipan ko. Humanda? Saan? Sinong tinutukoy ng mga lalaki?

Wala naman akong natatandaan na nakaaway. O nakaalitan man lang.

Huminto si Jayjay sa harap ng malaking pintuan, "Dyan na po. Aalis na ako kailangan ko pa maglako."

Tumango ako at binigyan siya ng pamasahe. "Ingat ka," sabi ko at mag-isa ng pumasok sa male ward.

Puno ng pasyente ang loob, mapa batang lalaki man o matanda, at samut saring baho rin ang sumalubong sa ilong ko. Kadiri. Ihi, nakakairitang pabango at amoy suka ang bumabalot sa loob ng kwarto. Agad kong hinanap si mang kanor para makaalis na agad. Inisa-isa ko pang tinignan ang mga muhka ng mga nasa loob. Siguradong napapagkamalan na ako nitong weirdo. Mang kanor asan kana kasi.

Sa pinakadulong higaan ay bakante pero halatang may pasyenteng naka assigned dito dahil magulo ang sapin ng kutson, may mga platong nagkalat sa maliit na mesa at ang isang bag na puno ng mga damit. Baka ito na yung kay mang kanor. Saglit kong nilibot ang tingin sa paligid. Hanga talaga ako sa mga pasyenting nakakaya ang ganitong lugar. Mabaho na nga, walang pang makakapaglibangan.

"Rainne, iha. Ikaw ba iyan?"

Napaharap ako kung saan nagmula ang boses na yun. Si Mang kanor, pa yuko-yukong naglalakad habang tinutulak ang lalagyan niya ng dextrose.

"Mang Kanor," inalalayan ko itong maupo sa higaan niya.

"Ano yung sinabi ni Jayjay na kasalan ko daw na may bumugbog sayo?" Salubong na tanong ko kaagad. Nakakainit ng ulo. Pagbintangan ka ba daw. Napamewang ako't nag taas ng kilay.

"Wag mo ng pansinin. Pinagtritripan ka lang ng batang yun."

Pakiramdam ko hindi e. Pero pinabayaan ko na lang muna. "Ano nga ang nangyari sayo? Ayos lang ba ang pakiramdam mo?"

Ano kaya ang mapapala ng mga gagong bumugbog kay Mang Kanor. Pati matanda na maayos na naghahanap buhay ay dinali. Mga walang kwenta talaga sa lipunan. Sa mga ganitong sitwasyon talaga kaya hindi ko pinagsisisihan ang kumitil ng mga taong salot sa bayan.

"Wag kana mag-alala sa akin iha, marunong akong magkarate. Siguradong umiiyak sila ngayon sa sakit dulot ng ginawa ko sa kanilang mga katawan," pag tawa pa ng matanda.

STTH (GirlxGirl)Where stories live. Discover now