STTH | 9

25 5 0
                                    


Patay na si Mang Kanor ng madatnan ko sa hospital at isang tao lang ang naiisip ko na pwedeng may gawa ron.

Kaagad na pinuntahan ko sa presinto si Don Omar, ngunit nakalaya na ito. Masamang tinignan ko ang mga pulis na naruruon sa presinto. Ganun ba talaga ka incompetence ang mga pulis na 'to at agad na nakalaya si Omar? May ebidensya na nga't lahat-lahat, nakalusot parin sa mga pulis ang gogong na yun.

"Ang nagagawa nga naman ng pera," inirapan ko ang hepe na hindi man lang sinasalubong ang mga titig ko at tutok na tutok sa harap niyang PC.

"Anong sabi mo?" Si Rodriguez ang agad na tumayo na may alab sa mga mata. Tumigas rin ang panga niya at muhkang susugurin ako ng may dumating at humarang.

"Kalma, pare."

"Ang tabas ng dila mo Rainne, kaya ka napapahamak," sigaw ni Rodriguez na siya namang pilitan na pinapaupo ng kasamahan.

Napasinghap ako ng hangin. Walang mangyayari kapag pinatulan ko pa ang isa pang gogong. Tapos na. Malaya na si Omar at siguradong may binabalak na naman yung masama laban sa akin.

Mabilis na nilisan ko ang presinto at pumunta sa bahay kung naasan ang labi ni Mang Kanor. Napamatay ang matanda sa higaan nito sa hospital. May saksak sa tagiliran at gilit sa leeg. At gamit ang dugo niya, may nakalagay na pangalan ko dingding kaya ganoon nalang ang galit ng asawa niya sa akin.

Sinalubong ko si Jayjay na humihikbi ng makarating ako sa bahay nila. Niyakap ko ang bata at pilit na pinapatahan na siya namang paglapit ng asawa ni Mang Kanor.

"Anong ginagawa mo rito? Diba sinabi ko nang wag kana ulit magpapakita pa sa amin? Ikaw ang dahilan ng pagkawala ng asawa ko. Wag mo na kami idamay sa mga pinanggagawa mo. Baka sa susunod ako naman ang patayin nila. Kaya umalis kana! Alis!"

Tanging pagyuko lang ang ginawa ko. Ayako umalis. Gusto ko silang tulungan. Kahit diyan man lang ay makabawi ako sa malaking kasalan ko sa kanila. Pero, hindi ko dapat pwersahin ang asawa ni Mang Kanor. Gusto ko irespeto ang desisyon nito. Kaya ng tumalikod na ang ginang, sekreto kong ibinagay kay Jayjay ang sobreng naglalaman ng pera.

"Ibigay mo yan sa mama mo. Sabihin mo, kunting tulong ko."

Ng tumango si Jayjay, umalis na rin ako at umuwi ng bahay. Pagdating, sinalubong ako ni Rolfie na kumakaway ang buntot, nakalabas ang dila at pasinghot-singhot sa paa ko.

Iniwan ito ni Elisse sa akin kaninang umaga. May lakad daw kasi siya at muhkang matatagalan makauwi. Dahil nangako ako na aalagaan ko ang aso niya nung nakaraang mga araw, hindi na ako nakatanggi. Kaya heto, si Rolfie, nagkakalat sa bahay ko. Tsk!

TATLONG ARAW ANG LUMIPAS.

Nadatnan ko si Elisse na nakakabas lang galing sa sasakyan niya. Agad ako nitong tinawag at lumapit. Wala akong gana para ipagtulakan siya, kaya tinignan ko na lang at hinintay na magsalita. Tatlong araw rin siyang nawala. Ng tumawag ako, ang sinabi niya lang ay bibisitahin niya ang kanyang ama.

"You look...tired," ani ni Elisse na nakakunot ang noo.

"Yeah." Walang gana kong sagot sa kanya. "Anong kailangan mo?"

Ilang segundo niya rin ako tinitigan bago ulit nagsalita. "How's my rolfie?"

"Tulog ata. Lagi naman yon tulog."

"Rainne, are you really okay?" Mas lumapit pa siya lalo kaya agad ako umatras.

"Oo naman."

Naglakad ako at binuksan ang pinto ng bahay. Sumunod si Elisse at walang pahintulot na pumasok sa loob. Hindi agad nag-ingay ang aso niya. Tsaka lang ito tumahol ng tapikin niya mula sa pagkakatulog sa gilid ng sofa.

STTH (GirlxGirl)Where stories live. Discover now