STTH | 6

74 9 0
                                    

"Aray! Ano ba? dahan-dahan naman!" Kasalukuyang nandito kami ni Elisse sa bahay ko ngayon. Siya ginagamot ang may sugat kong bibig. Pero hindi man lang nito inaayos ang pang-gagamot, mas lalong sinasaktan pa nga ako.

"Don' ka na lang kaya sa bahay ko tumira?"

Napatingin ako kay Elisse kung seryoso ba, pero patuloy lang siya sa pag pahid ng betadiene sa gilid ng bibig ko. Walang ibang expression ang makikita sa kanyang muhka kundi ang pagseseryoso sa pagiging ala doktor.

"Anong nakain mo?" Tanong ko ng makabawi sa pagkabigla.

"Baka lang kasi balikan ka," katwiran niya. "Mahirap na at ikaw lang mag-isa dito bahay mo, wala ka man lang kasama."

Ginagawa niya naman akong bata na dapat may bantay pa. Tsk. "Nakakulong na ang lalaki diba? Wala na akong dapat ikabahala."

"Pansamantala lang naman, until maghilom na ang mga sugat mo."

Hindi pwede. Iniisip ko pa lang na magkasama kami sa iisang bubong ay maloloka na 'ko. Paano pa kaya kung mangyari ang gusto niya? edi tuluyan ko ng hindi magagawa ang mga gawain ko tuwing miyerkules. Hindi talaga pwede.

"Malayo lang 'to sa bituk - Aray! Sabing dahan dahan nga lang!" Halos hindi ko na matapos-tapos ang sasabihin dahil mas diniin pa lalo ni Elisse ang gapas sa humahapdi ko na ngang sugat.

At ang bruha ngumisi lang, "See? Malayo nga sa bituka pero it still hurts."

Inirapan ko lang si Elisse. Oo na, may point naman siya. Pero gaya nga ng sinabi ko, nakakulong na ang lalaki. Hindi ko rin kilala ng lubusan si Elisse kaya hindi pweding makitira ako sa kanya. Hindi ako dapat basta nalang nagtitiwala sa kung sino.

Katahimikan ang sumunod na bumalot sa bahay, at nagbabadyang bumalik na naman ang isip ko sa gabing yun. Mabilis na tumayo ako at tinungo ang kusina. Isa at kalahating baso kaagad ng tubig ang ininum ko para pakalmahin ang sarili.

"Okay ka lang?" Tanong ni Elisse na sumunod pala sa akin.

Tango lang ang naging sagot ko. Ayokong magsalita. Ayoko siyang makausap.

"Kailangan mong ipatingin sa doctor ang mga pasa sa tagiliran mo, Rainne."

Pagtango lang ulit ang naisagot ko. Narinig kong nagbuntong hininga si Elisse at umalis na ng kusina. Nakahinga naman ako ng maluwag. Parang may kung ano talaga kapag kasama ko siya. Hindi ako makahinga.

Pagkatapos ng sandaling mga minuto, bumalik na rin ako ng sala para ayusin ang mga kalat at pag dating ko, wala ng Elisse. Hindi man lang nagpaalam. Tsk.

Habang ibinabalik ang natumba kong TV sa aparador, bumalik ang alaalang nangyari kanina. Ang lalaki. Kung simpleng magnanakaw lang yun, wala na sana ang mga gamit ko. Pero matapos masuyo ang buong bahay, wala man lang nawala. Nandyan pa ang TV, mga munting alahas ko sa kwarto, ang isa pang cellphone na iniwan ko lang sa ibabaw ng kabinet, at ang bagong oven na pwede namang ibenta, nandyan pa ang lahat ng pwedeng maging pera.

Kailangan ko talagang makausap ang lalaking yun. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang binalak niya sa akin.

-

Pag-gising sa umaga, parang bumabaga ang kwarto dahil sa init. Napatingin ako sa orasan. Hapon na pala. Mabilis na nilisan ko ang kama at dumiretso kaagad sa banyo para makaligo. At habang nagbibihis, bigla namang umingay ang doorbell at ito ang tanging naging ingay sa kanina lang ay tahimik kong bahay. Parang nagmamadali naman kung sino man ang nasa labas. Panay pindot. Sisirain pa ata ang doorbell ko.

Bago pa may masira, bumaba na ako at pagbukas ng pinto, isang nag-aalalang Elisse ang nakatayo sa labas. May kasama siyang babae na mala doctor ang bihis.

STTH (GirlxGirl)Where stories live. Discover now