Tula Para sa Ating Dalawa

6 1 0
                                    

      Heto,
Inutusan akong gumawa ng tula, tungkol sa ating dalawa
Kung paano tayo nagsimula
Kung saan tayo nagmula
Kung saan tayo nagkakilala
Kung paano tayo sumaya
At kung paano tayo nasaktan dahil sa isat isa.

Medyo mahaba haba,
Sisimulan ko sa simula
Kung saan tayo nagsimula,
Simple lang naman.
Nagsimula tayo sa simpleng asaran
Nagtuloy tuloy dahil sa kantsawan
At nagtapos dahil sa awayan

Hindi ko inakala, na magsasawa ka
Hindi ko inakala, na yung pangako mo, ay bigla nalang  hindi mo magawa.

Maraming nagtatanong,
Bakit ang dami kong alam tungkol sa pagibig at sakit.

Simple lang naman ang sagot ko
" kasi minsan nadin akong naloko, at sinaktan ng lalaking akala ko makakasama ko hanggang dulo. "

bigo ako, yung mga pangako natin sa isat isa
Bigla nalang nawala,
Bigla nalang nabura.

Nang iwan ka ng hindi ko alam ang dahilan.
Nanakit ka ng hindi mo manlang sinasabi na ikaw mismo ay nasasaktan.

Asan na yung sinabi mong
" Mahal, tayo lang hanggang dulo, pangako. "
Ayun, napalitan ng
" pasensya na, mali ako ng ipinangako sayo. Hindi kita kayang makasama hanggang dulo. "

Masakit, sobrang sakit
Bakit ba kasi kailangan mong mangako?
Bakit ba kailangan mokong iwan ng hindi mo manlang ako binibigyan ng sapat na dahilan?
Bakit kailangan mokong iwan,
Kasi kung may problema ka
Nandito lang naman ako, namasasandalan mo,
Na makakausap mo,
Na tutulong sayo.

Kaso hindi mo tinignan yung kakayahan ko
Tinignan mo lang yung kung saan yung dapat mong gawin
At hindi yung dapat at tama mong gawin.

Mahal kita e,
Pero Kinalimutan moko
Kaya gaya ng nakasanayan ko,
Gagayahin ko yung ginawa mo.
Lilimutin kita at hindi nako magpaparamdam sayo hanggang sa wala nakong pake sayo.
Maghintay ka.
Kasi balang araw, alam kong darating at darating ang araw nayon.
Ang araw kung kelan, tititigan kita sa mga mata,
Na parang hindi kita nakilala.

WOEBEGONEWhere stories live. Discover now