KAIBIGAN

3 1 0
                                    


Kaibigan, ako ito
Isa sa mga taong tumanggap ng buong pagkatao mo
Isa sa mga taong minahal ka ng buo.
Ang dami nating mga ala ala.
Ala alang masakit, pero masaya.
Sa ilang taon nating nagsama,
Halos hindi na tayo mapaghiwalay pa.

Hanggat isang araw,
Dumating siya
Siya na sinira ang pagkakaibigan nating dalawa.
Ang dami nating masasayang alaala
Ang dami nating nagawa para sa isat isa
Pero bakit nagawa mokong itapon ng basta basta?
Ganon bako kasama para pagselosan siya?
Masama ba? Wala ba tlga akong karapatan na ipagdamot ka?

Nakakatawa lang, kasi ung nangyayari satin
Parang nangyayari sa mga magjowa.
Pansin mo? Ung parang sa magjowa,
Iniwan ng isa ung isa, para ipagpalit sa kung sino at mangiwan ng
Hindi manlang iniisip na nakakasakit sila, nakakasakit ng sobra sobra.

Pero kaibigan, wag kang mag alala
Gaya ng paglimot mo,
Lilimutin din kita ng walang pagaalinlangan at basta basta,
Para naman patas diba?
Kasi ang hirap maiwan ng mag isa.
Pero kakayanin ko, hindi para sayo
Kundi para sa sarili ko.

Paalam kaibigan ko.

WOEBEGONEWhere stories live. Discover now