Haven't Met You Yet

2.1K 87 15
                                    


Shan’s POV

Masamang masama ang loob ko habang dahan dahan akong pumapanhik sa hagdanan papasok sa main door ng bahay ng lola ko sa probinsya. Hinawi ko yung hood ng black jacket ko at bumuntong hininga bago ako nagdoorbell. Binaba ko yung bag na dala ko at tumingin ako sa relo ko, gosh! 1am na talagang gusto kong maiyak dahil katakot takot na sermon na naman yung aabutin ko nito. Pagbukas ng pintuan ay pinilit kong pagandahin yung ngiti ko sa lola ko at ng tumambad na nga ako sa harap nya ay napatutop pa sya ng bibig nya sa pagkabigla ng makita nya ko.
“Dios por Santo! Shan dis oras na ng gabi bata ka anung ginagawa mo dito?” tanong ng lola ko at hinila nya ko papasok ng bahay at kinuha nya yung bag ko. Pagkasara nya ng pintuan ay pinaupo nya ko at marahan nyang hinaplos yung mukha ko. Napalunok ako ng makaramdam ako ng kirot sa ilang bahagi ng mukha ko.
“Anong nangyare sayo apo? Bakit putok ang gilid ng labi mo at ang dami mong gasgas sa mukha mo? Sinong may gawa nyan sayo?”  tanong nya ng may pag aalala at kumuha sya ng panglinis ng sugat at sinimulan nya kong gamutin. Napangiti ako. Sya na lang talaga yung nag aalala para sa akin.
“Lola…dito po muna ako sabi nina Daddy. Nagkaproblema po kase ako sa Maynila, nakaaway ko po kase yung anak nung kasosyo ni Dad sa negosyo akala nya inagaw ko yung boyfriend nya eh hindi naman.” Parang batang sumbong ko.
“Bakit hindi mo pinagtanggol ang sarili mo? Bakit hinayaan mong masaktan ka ng ganyan?” pagalit ni Lola sakin.
“Magagalit po sina Daddy kapag lumaban ako pabalik. Baka madamay po yung kumpanya kaya hinayaan ko na bugbugin po nila ako.” Saad ko. Kaya ko silang patumbahin kanina kaya lang anong mapapala ko? Siguradong madidismaya si Daddy kapag ginawa ko yun at sasabihan nya akong walang kwenta. Sana nga natuluyan na lang ako kanina.
“Nadala ka na ba ng ama mo sa hospital?” nag aalalang tanong ni Lola sakin.
“Hindi pa po…dumeretso po ako dito after kong mabugbog. Hindi na po ako dumeretso sa bahay kanina.Saka ok naman po yung pakiramdam ko talagang itong mga galos lang po yung masakit” Saad ko at ngumiti kay Lola.
Habang ginagamot ako ni Lola hindi ko maiwasang mapaluha. Sya nalang talaga yung nagmamahal sakin. Ilang saglit hindi ko nakayanan ay yinakap ko sya.
“Naglalambing yung apo kong dambuhala…”yinakap ako pabalik  at hinagod nya yung likod ko.
Kinabukasan maaga pa din ako nagising at bumangon. Binati ko yung Lola ko na naghahanda ng umagahan namin.
“Dapat pala Lola sa inyo na ko tumira simula ng umuwi ako galing states at dito na din ako nag college eh.” Masayang sabi ko habang sumasandok ng pakain.
Napatawa lang si Lola at sinalinan nya ko ng gatas sa baso.
“Donya Romina…”
May tumatawag kay Lola sa labas.
“Naku! Julio ikaw eh pumasok na dito.” Sigaw ni Lola.
“Sino po yun Lola?” tanong ko.
“Katiwala ko dito. Doon sila sa tarangkahan ng villa nakatira.” Saad ni Lola.
“Magandang umaga po Donya Romina…may bisita po ata kayo…” magiliw na sabi ng lalake na parang nasa mid-50’s na. Ngumiti ako sa kanya at niyaya ko syang kumain pero magalang syang timanggi.
“Ito eh apo ko galing Maynila at nagbabakasyon dito sa akin." Masayang saad ni Lola.
"Mukhang kaedad sya ng panganay ko Donya Romina, magkakasundo po sila.." saad ni Mang Julio.
"Syanga! Isama mo itong si Shan sa taniman ng orchids para maaliw sya sa pamamalagi dito. Ipakilala mo sya kay Arian.magkakasundo kayo nun Apo." Saad ni Lola sa akin at ngumiti ako bago tumango.
Pagkakain namin ng umagahan ay gumayak si Lola dahil pupunta daw sya sa bayan para dumalo ng kasalan. Ako naman ay naligo na din at nag ayos para sumama kay Mang Julio. Pagkadating namin sa  botanical garden ng villa ay iniwan ako ni Mang Julio saglit upang sunduin yung asawa nya na magdadala ng tanghalian sa bukid.
Pumasok ako sa loob ng garden at namangha ako sa naggagandahang orchids at iba't ibang klase ng rosas. Nakakarelax dito at ang daming paru paru. Natakot ako ng may umikot ikot na bubuyog sa paligid ko kaya nagpanic ako kaya nasagi ko yung isang paso at bumagsak ito at nabasag.
"Anong ginawa mo?" Hiyaw ng isang babae. Napalunok ako. Yare! Nakatingin ako doon sa nabasag ko.
"A-ano kase......" pagtingin ko sa babae hindi ko alam bakit parang bumagal yung paligid ko at sobrang na amaze ako sa mukha nya. Alam mo yung parang bumagal yung hininga mo kasabay na parang bumagal yung tibok ng puso ko. Ang ganda naman nya.....napailing ako pota! Nababakla ako sa kanya.
"May bubuyog kase...." saad ko.
"Yun lang ang dahilan mo bakit mo binasag to? Lagot ako nito!" Galit na bulyaw nya sa akin at kumuha sya ng itim na plastik at doon nya sinalin yung halaman.
"Sinong nagpapasok sayo dito?" Singhal nya sakin. Kami may ari nito pero sobrang natataranta ako sa kamalditahan ng isang ito.
"P-pumasok ako dito kase...." hindi pa man din ako natatapos heto binulyawan na naman nya ko.
"Ano??? Pumasok ka dito ng walang pahintulot?? Anak ng tinapa!" Galit na galit sya sa akin.
"Eh kase naman..." promise hindi ako makaporma sa galit nya.
"Pumasok ka dito kase gusto mo lang?" Inis na inis sya at napasabunot na sya sa buhok nya sa sobrang frustration sa akin. I find it cute though....
"Naku señorita Shan hindi ko na po kayo naasikaso..." boses ni Mang Julio at halatang pagod na pagod sa pagtakbo.
"Okay lang po...Shan na lang po Mang Julio hindi na po kayo iba sa pamilya namin." Saad ko ng humarap ako sa kanya. Paglingon ko sa babae sa harap ko parang nagtaka sya.
"Kung ganun po..ay syanga po pala ito yung panganay kong anak...sya po si Arian...Arian si Shan...apo ni Donya Romina." Pakilala ni Mang Julio sa akin kay Arian at parang binuhusan sya ng malamig na tubig.
"Nice to meet you..Arian..." natatawang saad ko at pulang pula yung mukha nya sa kahihiyan.
"Yung paso...ako ng bahala sa Lola ko na magpaliwanag. Mang Julio gusto ko po makita yung ibang panananim na gulay.." sabi ko at masayang sinamahan ako ni Mang Julio sa tumana ng gulay. Natanaw ko na nasa limang katao yung nag aalaga dito na halos kamag anakan din ni Mang Julio.
Umalis si Mang Julio para daw pakawalan yung tubig sa taragkahan para madiligan yung ampalayahan kaya naiwan ako sa silong. Mayamaya ay may nag abot sa akin ng tubig at paglingon ko si Arian na nakasimangot kaya napatawa ako.
"Ikaw pa may ganang magalit sa akin huh?" Natatawang sabi ko at kinuha ko yung tubig na inalok nya.
"Kainis hindi agad sinabi..."pabulong na maktol nya.
"Sasabihin ko sayo pero sinisigawan mo ko...kawawa mapapangasawa mo parang lagaring bakal ka kung magalit. Walang lubay..." saad ko at napatingin sya sakin na sobrang galit sa akin.
"Ano?" Nakataas yung kilay nya sakin.
Humarap ako sa kanya at sinalubong ko yung mga titig nya. Gosh! Ang ganda naman ng mga mata nya.
"Wag kang ganyan para may magmahal sayo..." pang aasar ko.
"Kahit wala ng magmahal sa akin..." umiwas sya ng tingin.
"Ay! Sayang naman..."saad ko at hinawakan ko yung kamay nya para yakagin sya doon sa gulayan pero wrong move...pareho kaming napahinto dahil kung ano kuryente akong naramdaman. Lumunok ako at pinilit kong mag isip ng maayos.
"Marunong ka bang magluto? Mamitas tayo tapos ipagluto mo ko..."sa wakas nakapag isip ako ng maayos at hinila ko sya patungo sa taniman at wala syang nagawa.
"SHAN! ANO BA AYUSIN MO YUNG PAGPITAS NG GULAY! KAINIS! LAHAT NG PINITAS MO HATI SA GITNA!" Halos nag echo na yung bunganga nya sa buong villa.
Kainis walang bang konsiderasyon sa mga first timer?
"Napakaingay mo kamo. Hahatiin mo din naman ng kutsilyo yan eh." Saad ko.
Binato nya ko ng okra na hawak nya.
"Nangatwiran pa!" Parang gigil na gigil talaga sya
Pagkapitas namin sumunod ako sa kanya para sa bahay nila iluto yung mga gulay kase kung sa mansyon pa ang layong lakarin. Pagdating namin doon kami lang ang nandoon at nasa bukid lahat ng kasamahan nya sa bahay.
Tapos sya ng kolehiyo batay sa graduation picture na nakasabit sa dingding ng bahay nila.
"Anong kurso mo nung college?" Tanong ko habang sya eh nagbabalat ng kalabasa.
"Architecture..scholar ako ng pamilya mo..naisipan ko lang umuwi dito para tulungan muna sina tatay at kay Donya Romina..saka isang taon na ko nagtatatrabaho sa maynila at isang taon na lang kukuha na ko ng board exam." saad nya.
"Really? Saan ka sa Maynila nagwowork?" Tanong ko
Waring inaalala nya kung saan ba sya nagtatrabaho at parang nababablangko sya.
Napatawa sya at napahinto sa pagbabalat.
"Saan nga ba yun?" Natatawang tanong nya pabalik at napasimangot ako.
"Tsss! Ayaw mo lang siguro na dalawin kita sa work mo noh? Selfish nito." Saad ko.
Naupo ako sa katapatan nya at dala ko yung isang pirasong papel at ballpen. Sinulat ko yung address ng condo ko kase panigurado nangungupahan ito sa Maynila.
"Address ko sa Maynila...just in case na makonsensya ka at gusto mong dalawin ako kapag bumalik ka na dun. Friends na tayo." Sabi ko at nilahad ko yung kamay ko at nakipagshakehand sya sakin. Hindi ko alam bakit sobrang saya ng loob ko na tinanggap na nya yung kamay ko.
"Napaano yang labi mo? At yang ibang galos mo?" Usisa nya.
"Nagkamali sila ng nabugbog...madilim kase dun sa binabaan ko." Pagsisinungaling ko para di na humaba yung tanong nya dito about sa sugat ko.
Ang ganda ni Arian. Yan yung umiikot sa isip ko at hindi ko mapigilan na pagmasdan sya. Ngayon lang ako nakaappriciate ng ganda ng isang tulad ko na babae.
"May scar ka sa gilid ng sentido mo? San mo naman nakuha yan?" Tanong ko.
"Peklat?" Pabalik na tanong nya at huminto sya sa ginagawa nya at humarap sa salamin.
"Akala ko naman ang laki..di naman halata...marahil nung bata ako nakuha ko ito." Sentenmyento nya.
Natawa ko sa kanya dahil parang hindi nya kabisado at hindi sya aware sa katawan nya.
"Para kang lasing..." saad ko at bumalik sya sa ginagawa nya at malalim na yung iniisip nya.
Bawat araw na dumadaan lalo akong naguguluhan sa nararamdaman ko kapag magkasama kami ni Arian. Yung mga ngiti nya at yung mga mata nya para akong nahihipnotismo at nakakainis yun ang lagi kong naiisip bago ako matulog.
Nakaupo kaming magkatabi sa gilid ng batis habang nakalubog yung mga paa namin sa tubig.
"Nagkaboyfriend ka na?" Tanong nya sa akin.
"Wala pa akong nagiging boyfriend...nag aantay ako ng taong kaya akong mahalin at mahal ko." Sabi ko. At parang napataas yung kilay nya. At ewan ba kung nagreflect lang yung tubig sa mga mata nya dahil parang nagningning kase iyon.
"Ikaw? Nagkaboyfriend ka na?" Tanong ko.
"Hindi pa din...hopeless romantic kase ako...gusto ko kase na maranasan yung lahat ng emosyon na kinukwento ni Donya Romina sakin nung bata ako habang naglilinis kami ng mansyon." Kwento nya.
"Talaga? Sige nga kwento mo sa akin lahat ng kinuwento sayo ni Lola?" Naiintrigang tanong ko.
"Ayoko nga...magpakwento ka na lang sa Lola mo...saka para sumaya sya kase hilig nya magkwento ng throwback..." saad nya at patayo na sana sya.
"Ikaw na..." sabi ko sasabayan ko sana sya ng tayo at napasobra ata yung hila ko sa kanya dahil wala na na-out of balance na kaming pareho at nakadagan na sya sakin at bagsak na kami sa batis.Hindi ko naramdaman yung lamig at agos ng tubig dahil sa sobrang kabog ng dibdib ko at parang huminto yung paligid ko. Ang lambot ng katawan nya. At nakatitig lang din sya sa mga mata ko. Napalunok ako ng mapadako yung mga mata ko sa labi nya na may maliliit na tilamsik ng tubig at nakakaakit yung pagkapink nito. Bigla akong nauhaw...parang natutuyo yung lalamunan ko.
"A-Arian....." nanghihinang bulong ko. Para kaseng hinihigop ng uhaw ko yung buong lakas ko ng mga labi ni Arian.
"S-Shan..." at ilang saglit parang nadismaya ako kase natauhan na sya at umalis sa pagkakadagan sakin.
Basang basa kaming umahon. Hindi ko alam kung saan ako naiinis, kung sa pagkabasa ko sa batis o sa pagkauhaw ko sa pink na labi? Kainis.
"Kainis ka Shan napakasiwal mo..." natatarantang saad nya at hindi sya makatingin sa akin.
"Uuwi na ko...baka magkasipon pa ko." At naglakad na ko palayo. Tinatawag nya ko pero di ko sya nililingon. Pagkadating ko sa mansyo diretso talon ko sa swimming pool. Nakakainis na pink na labi na yan! Nagpakapagod ako lumangoy bago ako tuluyang umahon at naligo sa CR sa loob ng kwarto ko. Hanggang pagdating ng hapon sobrang tinatamad akong bumangon sa kama. Mayamaya ay pumasok yung Lola ko at may dala syang miryenda. Nilapag nya iyon sa side table at binuksan nya yung malaking bintana.
"Bakit malungkot ka? Himala at hindi ka sumama kina Arian sa gulayan?" Tanong ni Lola at tumabi sa gilid ko.
"Wala po ako sa mood..." matamlay na sabi ko. Naiisip ko na naman yung labi nya kainis.
"Sa asta mo ngayon apo para kang nabiyakan ng puso?" Natatawang banat ni Lola.
Napasimagot ako at bumangon.
"Paano mo ba malalaman kapag in love ka na?" Tanong ko.
"Nung unang pagkikita namin ng Daddy Lolo mo...parang umikot yung paligid ko at parang sya lang yung nakikita ko...yung kabog ng dibdib ko hindi ko makontrol...at yung unang daupang palad namin...may kung anong kuryenteng dumaloy sa sistema ko. Sa bawat araw na kasama ko sya eh parang ayaw ko ng mapahiwalay pa. Sa mga mata nya nakita ko yung hinaharap na kami yung magkasama..at may isang pangarap na nabuo sa sa amin at iyon eh kami yung magkasamang tatanda...." nakangiting saad ni Lola sa akin at hinawi nya yung ilang hibla ng buhok ko na kumukubli sa mukha ko.
"In love ka na ba apo?" Tanong nya at napalunok ako at umiling.
"Hindi pa po ako sigurado Lola..." saad ko.
"Kay Arian ba apo?" Tanong nya at nabigla ako.
"Pinagsasabi mo Lola..." parang namula yung tenga ko kase naramdaman ko uminit ito.
"Wala kang maiilihim sa akin apo habang nandito ka sa Villa...at saka si Arian lang ang lagi mong kasama..."  nakangiting saad ni Lola.
Napabuntong hininga ako. "Pareho po kaming babae...."
"Requirement ba sa love ang gender?" Tanong ni Lola.
"Magagalit po sina Daddy...." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng humirit ulit si Lola.
"Dito ka sa Villa...kasama si Arian...sayo ko naman pinamana itong Villa. Sa nakikita ko mas gusto mo pang magtanim sa bukid kaysa pumasok sa opisina...parang ayaw mo ng balikan ang buhay mo sa maynila..." saad ni Lola.
Napalunok ako at naglandas yung luha ko...yinakap ko si Lola.
"Apo...lagi lang ako nandito para sayo...mahal na mahal ka ng Lola."
"Mahal na mahal ko din po kayo..."
Pagkatapos ng hapunan namin ni Lola ay pumasok na sya ng kwarto nya at maaga daw syang matutulog. Ako na ang nagligpit ng kinainan namin at pagkatapos nun ay dumeretso na din ako sa kwarto ko at naglinis ng katawan.
10pm na pero hindi pa din ako dinadapuan ng antok. Kainis ka Arian lagi mo na lang akong binibigyan ng puyat kakaisip sayo.
Bumangon ako at napagpasyahan kong maglakad lakad. Parang pasko lagi sa Villa dahil sa dami ng ilaw sa paligid lalo na yung papuntang botanical Garden.
Habang binabagtas ko yung daan papuntang botanical garden ay nakasalubong ko si Arian.
"Arian/Shan..." sabay naming bigkas.
"Bakit gising ka pa?" Takang tanong ko.
"Papunta ko sa garden...magdidilig ako..." sagot nya napaiwas ako ng tingin...kainis na pink na labi na yan.
"Tara na...."saad ko at nagpatiuna ako ng lakad. Hindi kami nagkikibuan hanggang sa makarating kami sa hardin.
Nauna akong pumasok at namangha ako sa ganda nito lalo na sa gabi dahil sa mga naggagandahang ilaw at halaman.
Napatulos ako ng marinig ko yung hikbi ni Arian kaya napalingon ako.
"B-bakit?" Nataranta ako
"Shan.....g-galit ka ba sakin?" At tuluyan na syang umiyak.
"Hindi! Ano ka ba?" Saad ko at pinupunasan ko ang mga luha nya gamit yung palad ko.
"Bakit maghapon mo akong iniiwasan?" Umiiyak na saad nya. Wala akong maisagot..napatitig lang ako sa mga mata nya..kainis nasan ang hustisya? Maganda pa din kahit umiiyak.
"Gosh...still beautiful..."mahinang anas ko. I want to be her side forever....
Kung hindi ko ito gagawin hindi matatahimik yung puso ko. Hindi ako makakatulog kapag pinalampas ko yung pagkakataon na ito. Sobrang nalulunod ako sa mga tingin nya....sa mga ngiti nya....sobrang nalulunod ako sa buong sya.
Ito yun eh...yung pag ibig na tinutukoy ng Lola ko. Yung makikita mo yung pangarap mo sa mata ng taong halos sakupin yung buong sistema ko. Ipaglalaban ko sya sa mundo.
Inilapit ko yung mukha ko sa kanya..at ng maamoy ko yung hininga nya lalo akong nabaliw...strawberry..nakakaadik na amoy ng strawberry. Sa mga oras na ito hindi ko na kayang huminto...ilang araw na din akong binabagabag ng labi nya. And there it is! Nung lumapat yung labi ko sa labi nya parang may fireworks sa paligid. Hindi ko mapigilan yung saya sa puso ko. Tinatantya ko kung itutulak nya ko pero hindi....tumugon sya ng sinimulan ko ng igalaw yung mga labi ko at sinimulan kong halikan yung ibabang labi nya.Higit pa ito sa inaasahan ko, sobrang sarap nyang halika... Sa bawat pagdantay ng labi ko sa labi nya iisa lang ang nasa isip ko, Sya na yung buhay ko.
Habol hininga kami ng maghiwalay yung mga labi namin. Sobra ang pagkakatitig namin sa isa't isa at nang gigilid yung luha nya.
Nataranta ako...
"I Love you...."  bigla ko nasabi pero walang halong pagsisisi kase mahal ko naman talaga sya.
Sobrang gulat yung rumehistro sa mga mata nya at hindi sya makapagsalita. Nasaktan ako...parang wala naman syang nararamdaman para sa akin. Napalunok ako at pinilit kong ngumiti pero jusko yung puso ko parang pinupunit. Yung parang kapag may kumawala sa lalamunan ko tutulo na yung luha ko. Napakagat na lang ako ng ibaba kong labi at humakbang paatras sa kanya.
"Late na...uuwi na ko..." saad ko at tumalikod na ko at humakbang papalayo sa kany. Tumutulo na pala yung luha ko. Sanay na ko sa rejection ng buo kong pamilya pero bakit mas masakit ito kahit walang salitang lumabas sa mga labi nya.
"Shan!" Hiyaw nya,napahinto ako pero di ko kayang lumingon.
"Shan, I love you too..." saad nya na puno ng paglalambing
May sasabihin pa sana sya pero nakatakbo na ko papalapit sa kanya at muli kong sinakop yung labi nya. Sobrang saya ko! Mahal nya din ako.
"Really?" Masayang tanong ko sa kanya. Kumikislap yung mga mata nya habang nakangiti sa akin at tumango. Yinakap ko sya ng mahigpit. Mahal nya ko! Sobrang kinikilig ako kase mahal nya ko.
"Can I have you like forever?" Masayang tanong ko sa kanya. Biglang lumamlam yung mga mata nya at hinaplos nya yung magkabila kong pisngi.
"Sobrang gusto ko....pero...." saad nya pero naputol ng marinig ko yung boses ng kapatid ko na umiiyak.
"Shan! Please no..." tinig iyon ni Aiken na umiiyak...lumingon ako sa paligid pero di ko sila makita. Kasunod nun si Mommy...yung boses nya na parang nagmamakaawa..

Haven't Met You Yet (Lesbian Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon