Kabanata 1

7.1K 102 6
                                    

#MartyrWife_IkalawangYugto

Unang Kabanata

      PARANG kailan lang nang umalis ako sa Pilipinas. Naaalala ko pa iyong pag-alis ko, dahil iyon ang araw na iiwanan ko na ang pamilya ko at pansamantalang makikipagsapalaran sa Australia. Ilang taon din akong nagtiyagang hindi umuwi, dahil sa aking pagtuturo na hindi ko maiwan-iwanan. Pero dahil sa mommy ko'y kinakailangan kong umuwi upang malaman ang kalagayan nito.

      At ngayon ay nakasakay na ako sa taxi, at tinatahak ang daan pauwi ng bahay ng mga magulang ko. Halos wala pa ring pinagbago ang Pilipinas, traffic pa rin at may mga sasakyan na bigla na lang sumusulpot kung saan, kaya mas lalong nagbubuhol-buhol ang linya ng mga sasakyan. Bago makarating sa amin ay aabutin pa siguro ng dalawang oras, kaya't iidlip muna ako upang paggising ko ay naroon na ako.

      Ilang oras ang nakalipas ay ginising na ako ng driver. Mabuti na lang at mabilis akong magising kahit isang sitsit lang.

“Boss, saan po ba rito ang mismong bahay ninyo?” tanong ng driver sa akin, kaya't itinuro ko ang daan kung saan siya liliko at tititigil.

Nang makarating sa malaking gate ng bahay ay kaagad na sinalubong ako ng dalawang katulong namin sa bahay. Kaagad na kinuha ang maleta ko at binati ako.

“Welcome home, Sir!” halos magkasabay na bati ng dalawa.

“Thank you!” tugon ko, sabay baling sa Taxi driver upang bayaran ang pamasahe ko.

Nang naiabot ko ang halaga ng pamasahe ko'y nagpasalamat na ito bago umalis. Kaya humarap naman ako sa malaking gate ng bahay namin at pinagmasdan kung may pinagbago ba.

“Ganoon pa rin, maganda at malinis pa rin.” Nagsimula na akong maglakad papasok, pero sa bungad pa lang ng pintuan ay naroon na si Mommy nakasakay sa wheelchair niya at nakangiti sa akin.

“Angelo, anak! Umuwi na ang baby ko,” anito na napapailing na lang akong lumapit. Niyakap at hinalikan ito sa pisngi.

“Mommy, hindi na ako bata. Kayo talaga, kumusta ka po? Bakit lumabas pa kayo, e papasok din naman ako. Nasaan po si Dad?” tanong ko kay Mommy,

“Nasa office pa niya anak, pero pauwi na iyon. Alam naman ng daddy mo na pauwi ka ngayon. Wala ka bang kasama?” tanong ni Mommy sabay lingon sa gate.

“Kasama? Wala naman po akong sinabing may kasama ako a,” kunot-noo kong tugon na kinalungkot naman nito.

”Anak naman... look, nasa thirty-one ka na. Wala ka man lang ipinapakilala sa aking girlfriend. Wala ka bang balak mag-asawa? Nagiging masasakitin na ako'y wala pa akong apo. Anak naman,” nagtatampong wika nito, kaya natatawa naman akong itinulak ang wheelchair papasok sa loob ng bahay.

“Mommy, hindi ako umuwi rito para magpakilala ng girlfriend sa inyo. Narito ako para alamin ang kalagayan mo. Kumusta ka na, Mommy? Kailangan na ba kitang dalhin sa Australia para maipagamot kita roon?” saad ko rito pero nagmistulan ’tong bata na nakanguso.

“Anak, iniiba mo naman ang usapan e. Mas lalakas ako kung dito ka na lang sa amin ng daddy mo. Huwag ka nang bumalik doon, iisang anak ka na nga lang namin iniiwan mo pa kami ng daddy mo.”

“Mommy, pagtatalunan na naman ba natin ito? Naroon po kasi ang trabaho ko, kung gusto n'yo ni Dad. Sa Australia na rin kayo tumira, total naman at nandoon din ang iba nating relatives,” suhestyon ko kay Mommy ngunit nalungkot lang muli ito.

“Imposibleng pumayag ang daddy mo, e walang maiiwan sa business niya e. Sino naman ang magma-manage ng business ng daddy mo, e ayaw mo namang pangasiwaan.”

“Hindi ako mahilig magluto, mommy. Iba ang hilig ko, ang magturo. Ikaw lang naman ang nai-in love sa mga luto ni Dad e. Kaya iyan tuloy, hindi ninyo naiiwasan ang mga bawal na kainin.”

Daisy ( Publish as book )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon