Chapter 4

2.3K 34 1
                                        

#MartyrWife_IkalawangYugto

Kabanata 4

HINDI ko alam kung bakit kinakabahan ako ngayon. Kanina pa ako sipat nang sipat ng sarili ko sa salamin. Hindi ako mapakali, dahil ngayong araw ang usapan namin ni Angelo. Ngayon niya ako dadalhin sa bahay nila, at ipapakilala sa mommy niya.

“Ma, ang ganda-ganda mo ngayon. Nagmukha kang 17 years old,” ani Elisha na sinilip pala ako upang alamin kung tapos na ba akong mag-ayos.

“Ikaw talaga, Anak. Binobola mo pa ako,” wika ko naman sa kaniya,

“Totoo, Ma. Kung noon pa sana nangyari ito, wala sigurong nasayang na panahon.”

“Anak, wala namang nasayang. Saka hindi naman tunay ’tong sa amin ni Angelo. Remember, pagpapanggap lang ito.” Hindi ko alam kung bakit sa tuwing babanggitin ko ang katagang iyon ay nasasaktan ako. Para bang... ayokong isipin na nagpapanggap nga kami ni Angelo. Dahil para sa akin, totoong nahuhulog na ang loob ko sa kaniya. Pero huli na ang lahat, kasi may iba na siyang gusto. Hindi na puwede, dahil huli na ang lahat.

“Hay naku, Ma. Basta mag-enjoy ka lang. Huwag mong isipin iyong mga nega, dahil ang mahalaga ay iyong ngayon. Ang ganda-ganda mo kaya, Ma.” Yumakap sa akin ang anak ko kaya ginantihan ko naman siya ng yakap.

“Salamat, Anak. Ikaw talaga ang nagpapalakas palagi ng loob ko. Kaya naman nagpapasalamat ako at naging anak kita.”

“Ma, ako ang dapat magpasalamat. Kasi ikaw ang naging ina ko. Na walang inisip kundi kapakanan ko, kaya ngayon... ikaw naman ang iisipin ko. Ang maging maligaya ka na rin, Ma.” Muntikan na naman akong maiyak sa anak ko. Napakadrama talaga naming mag-ina.

Kumalas ako ng yakap sa anak ko, at doon ko nakita si Tatay. Nakangiting nakatitig sa aming dalawa. Tila masaya rin ito para sa akin, kaya lumapit ako sa kaniya.

“Tay, kapag po nagugutom kayo, magsabi ka lang po kay Elisha ha. Saka huwag po kayong magbababad sa TV masyado, masama po iyon. Minsan ay magpahangin po kayo sa labas, nariyan naman si Elisha. Magsabi ka lang po,” saad ko kay Tatay,

“A-anak, mag-ingat ka sa pupuntahan mo,” nanginginig ang boses na sabi nito, nakakapagsalita na si Tatay, ngunit malumanay ang tinig.

“Opo, Tay. Salamat.”

Mayamaya pa ay sumilip si Carla sa pintuan, kaya napalingon ako rito.

“Ate, nariyan na iyong prince charming mo,” kinikilig na sabi ni Carla,

“Hoy! Anong prince charming?!” Pinanlakihan ko ito ng mata kaya natatawa itong nagsalita.

“O sige, boyfriend na lang kung ayaw mo ng prince charming.”

Sa sinabi ni Carla ay hinabol ko ito, kaya dali-dali itong umalis sa pintuan at tumakbo palabas kung saan naroon si Angelo, at naghihintay. Napahinto naman ako at lumingon kay Elisha.

“Anak, alis na kami. Ikaw na muna ang bahala sa Lolo mo. Kapag may problema, tawagan mo kaagad ako,” bilin ko kay Elisha,

“Opo, Ma. Don't worry, ako na bahala kay Lolo.” Ngumiti ako bago nagsimula nang lumabas ng pinto. Nakita ko si Angelo na nakatayo sa gilid ng kaniyang sasakyan. Ang guwapo nito sa suot niyang longsleeve na nakatupi hanggang siko, at nakamaong na pants na medyo dark blue. Bagay na bagay talaga sa kaniya ang porma niya. Para siyang modelo, kulang na lang ay photographer na kukuha ng litrato sa kaniya.

Nang makita niya ako ay ngumiti ito, kaya napangiti na lang din ako sabay tango.

“Hi. Sorry kung medyo late ako ng ilang minutes,” hingin paumanhin ni Angelo,

Daisy ( Publish as book )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon