Chapter 3

2.6K 42 0
                                        

#MartyrWife_IkalawangYugto

Ikatlong Kabanata

     NAGLALAKAD ako pabalik ng tindahan; lutang ang isip at hindi maitago ang ngiti sa labi. Sinalubong ako ni Elisha at Carla sa bungad, kaya binawi ko ang ngiti ko sa labi na hindi naman nakalampas sa paningin ng dalawa.

“Ma, anong nangyari?” kaagad na tanong ni Elisha,

“Ate, anong sabi ni Sir Angelo? Manliligaw ba ulit?” tanong naman ni Carla,

Napanguso ako at dere-deretsong pumasok sa loob. Napasunod naman sa akin ang dalawa na interesado sa napag-usapan namin ni Angelo.

“Teka, nasaan si Tatay?” tanong ko sa dalawa,

“Nasa loob ma, nanunuod ng TV. Ako na po ang nag-asikaso kay Lolo. Kuwento ka naman, Ma. Ano pong nangyari?” nakangiting tanong ni Elisha,

Halata sa mukha ng anak kong si Elisha ang kasayahan ng malaman nito na nagbalik na si Angelo. Ibig bang sabihin nito, okay lang sa kaniya? Kabaliktaran naman ito para kay Samantha, dahil iniisip nito na pinalayas ko ang ama niya, dahil kay Angelo.

Naupo ako bago nagkuwento.

“May hinihinging tulong sa akin si Angelo, Anak. Kaya lang, hindi pa ako nakakapagdesisyon, kasi baka mali ang maging desisyon ko. Sabi ko, kung papayag ka. Baka sakaling pumayag na rin ako.”

“Ano daw bang tulong iyon, Ma?” naapkunot-noong tanong ni Elisha,

“Iyong Mommy raw niya ay kunukulit siya na mag-asawa na. Hindi pa naman daw siya handa, dahil iyong babaeng gusto niya ay hindi pa rin naman daw handa. Sabi niya tulungan ko raw siya, magpapanggap lang daw akong girlfriend niya, paraa tigilan na raw siya ng mommy niya. May sakit daw kasi iyon, kaya hindi niya matanggihan.”

“Nyek! Bakit magpapanggap pa, Ma? E kung puwede naman totohanin?” ani Elisha na kinagulat ko,

“Ano ka ba naman, Anak. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? May babae siyang gusto, ngunit hindi pa raw handa na mag-asawa kaya hindi pa raw niya mapakilala,” saad ko kay Elisha,

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kirot sa puso nang malaman ko na may nagugustuhan na pala si Angelo. Matapos ang huling usapan namin ay bigla akong nalungkot at hindi na nakapagsalita. Hindi ko dapat maramdaman ito. Sino ba ako para pigilan siyang nagkagusto sa iba? E binasted ko nga siya noon, mas masakit ang ginawa ko sa kanya noon.

“Ma, pumayag ka na. Kaibigan mo naman si Tito Angelo, hindi naman masamang tumulong sa kaibigan. Saka... may napi-feel akong chemistry sa inyong dalawa, Ma. Feeling ko... ikaw iyong babaeng tinutukoy niya, hmmm?”

“Anak, pati ba naman ikaw nahawa na sa kalokahan ni Ate Carla mo? Huwag kang masyadong maniniwala sa ate mo, at baka naman mamaya niyan e mahawa ka sa kabilawan niyan!” saad ko kay Elisha na kinatawa lang naman ni Carla.

“Ay naku, Ate. Pa-hard to get pa kasi... gusto rin naman!” wika ni Carla,

Pinanlikahan ko naman ito ng mata. Kaharap niya ang anak ko'y kung anu-anong sinasabi niya.

“So-sorry, Ate. Sabi ko nga, babalik na ako sa puwesto ko. Ang dami kayang costumer.” Pakamot-kamot ng ulo itong bumalik sa kaniyang ginagawa. Hahang kami naman ni Elisha ang natira.

“Ma, basta ako ang tatanungin mo. Payag ako, basta ba hindi ka masasaktan ni Tito Angelo. Sige, Ma. Liligo muna ako dahil ala-una ang pasok ko.” Tumayo na si Elisha, kaya naiwan na akong mag-isa. Nag-iisip dahil sa sinabi ng aking anak.

Siguro tama talaga si Elisha. Mabuting tao naman si Angelo, minsan lang ito humingi sa akin ng pabor. Kung kaya ko naman itong gawin, bakit hindi ko siya pagbigyan?

Daisy ( Publish as book )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon