Chapter 5

2.1K 35 1
                                        

#MartyrWife_IkalawangYugto

Chapter 5

    DAHIL sa tanong ng mommy ni Angelo, nasamid akong bigla. Paano ba namang hindi ako masasamid, e nakakagulat ang tanong niya.

“Okay ka lang ba, Babe?” nag-aalalang tanong ni Angelo, nakahawak pa rin ito sa likuran ko at pinipispis.

“So-sorry po,” hinging paumanhin ko sa mommy ni Angelo.

“Okay lang, Iha. Okay ka na ba? Uminom ka ulit ng tubig,” saad naman ng mommy ni Angelo, samantalang si Karina ay panay ang buga ng hangin sa kaniyang bunganga. Parang naiirita ito sa akin, na halatang-halata naman sa kaniyang pagmumukha. Ano bang problema ng Karinang ito?

“Okay na po ako, sorry po ulit.”

“Mommy, hindi pa namin napag-uusapan ni Daisy ang kasal. Busy pa siya sa business niya at alam mo naman na may trabaho pa ako, hindi ba?” salo ni Angelo sa tanong ng mommy niya,

“Anak, kailan n'yo naman maiisipan na lumagay sa tahimik na buhay? Look, hindi kayo pabata, kundi patanda na kayo. Ilan taon ka na ba, Daisy?” tanong nito, na nagpakabang muli sa akin. Pero sinalo kaagad ni Angelo ang tanong ng mommy niya.

“Hindi naman mahalaga ang edad sa nagmamahalan, Mom.”

“Anak naman, bakit ba ikaw ang sagot nang sagot sa tanong ko? Gusto kong marinig ang boses ni Daisy e,” sita ng mommy niya, kaya napapakamot sa ulong napatungo si Angelo.

“Thirty-five na po ako,” mahinang tinig na tugon ko,

Nakakahiya dahil mas matanda ako kay Angelo.

Biglang natawa si Karina na kinagulat naming tatlo. Pare-pareho kaming napatingin sa kaniya, pero bigla itong natigilan at humingi ng pasensiya.

“Sorry, may naalala lang ako,” saad nito, nagkibit-balikat lang naman ang mommy ni Angelo, at muling bumaling sa akin.

“It's okay, Iha. Wala namang problema sa edad. Ang katunayan niyan e hindi ka mukhang thirty-five. You look younger than your age. Anong sekreto mo?” tanong nito na parang kinilig pa ako sa papuri nito sa akin,

“Wala naman siyang sekreto, Mommy. Ganiyan talaga pag nagmamahal, bumabata, sweet kasi ako kaya hindi nai-istress sa akin si Babe," sabat ni Angelo,

Ang galing talaga niyang magsinungaling. Kaya ngumiti na lang ako sabay tingin kay Angelo. Hindi ko naman inaasahan na hahawakan ako nito sa pisngi at pahapyaw na kinindatan ako.

“I love you babe,” bulong nito sa akin,

Natulala naman ako sa sinabi niya. Para kasing totoo, pero hindi. Imahinasyon ko lang ang lahat. Imposible na main-love siya sa akin gayun alam ko sa simula pa lang na palabas lang ang lahat.

Binitawan nito ang pisngi ko kaya muli akong bumaling sa mommy ni Angelo na ngiting-ngiti sa nakikitang paglalambingan namin.

“Mabuti iyan, Iha. Mas mature ang isip mo kaysa rito sa anak ko. Kasi isip bata pa iyang anak ko,” anito na kaagad namang itinanggi ni Angelo.

Napangiti na lang ako sa sinabi ng mommy niya. Maganda ang bonding nilang mag-ina, para silang magkaibigan lang. Parang kami ni Elisha, nakikita ko sa kanila ang closeness. Mabait ang mommy ni Angelo, nakaka-guilty tuloy, dahil nagsisinungaling ako. Para bang... gusto kong totohanin ang lahat, pero paano? May ibang mahal si Angelo. At siguradong hindi ako iyon, kundi ibang babae. Muli akong napatingin kay Karina, panay ang tingin nito kay Angelo. Nakakapanghinala ang kinikilos niya dahil sa nararamdaman kong malamig na pagtrato niya sa akin. May nakaraan kaya sila ni Angelo, bukod sa magkababata sila? Kung mayroon man, huwag siyang mag-alala. Lahat ng ito ay walang katotohanan, kundi isang palabas lang ang lahat. Pero bakit nasasaktan ako sa tuwing iisipin kong palabas lang ang lahat?

Daisy ( Publish as book )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon