Chapter 2

3.2K 51 1
                                        

#MartyWife_IkalawangYugto

Ikalawang Kabanata

    ARAW na naman para sumabak sa trabaho. Alas 10 ng umaga sa araw ng Miyerkules ay abala na sina Carla sa pabebenta at pag-aasikaso ng kainan. Samantalang ako naman ay abala sa pagpapaligo sa Tatay ko.

“Tay, kuskusin n'yo po iyang ano ninyo para maalis ang libag. At kapag ako ang kumuskus niyan ay tanggal pati balat mo,” saad ko sabay tawa,

Nahihiya namang tumalikod si Tatay, at marahang kinuskus ang kaniyang singit.. Naka-short naman ito, kaya napaliguan ko ito ng hindi ako naiilang. Natural lang naman iyon, pero iba-iba pa rin dahil lalaki si Tatay.

Matapos ko itong sabunan ay binuhusan ko na ng maligamgam na tubig. Araw-araw kaming ganoon ang ginagawa, kaya naman sinasabihan ni Carla na amoy baby palagi si Tatay.

Oo, tama. Ginagawa ko si Tatay na baby, dahil ganoon ko siya kamahal. Ayokong danasin niyang muli ang nangyari sa kaniya sa probinsya.

Alas diyes-treynta ng matapos kami ni Tatay. Nabihisan ko na, bago ko inalabas sakay ng wheelchair. Papakainin ko si Tatay, bago uminom ng gamot. Paglabas ko'y nakita ko ang anak kong Elisha, nasa kaha ito at abala sa pagsusukli sa mga bumibili. Ala una naman ang pasok nito, kaya sa umaga ay nakakatulong pa siya sa akin.

“Mabango na ulit si Lolo,” nakangiting sabi ni Elisha,

Ngiti lang naman ang tugon ni Tatay, hindi ito palaimik lalo na kapag pinupuri siya ni Elisha.

“Anak, ayos ka lang ba riyan? Wala ka bang gagawin na activity sa school?” tanong ko kay Elisha, ngunit umiling ito.

“Wala, Ma. Nagawa ko na kagabi pa. Ayos lang ako rito, Ma. Intindihin mo muna si Lolo,” saad nito sa akin kaya naman tumango ako at kinuha na ng pagkain si Tatay.

Kaya namang kumain ni Tatay ng solo. Kaya matapos ko siyang abutan ng pagkain ay kumain na ito. Tinulungan ko muna sina Carla sa pagbibigay at pagse-serve sa costumer.

“Ate, may lakad kami ng jowa ko mamaya, baka umalis muna ako mamayang hapon. Bukas na ng umaga ang uwi ko,” paalam nito sa akin,

May boyfriend na nga ito, matagal na silang lumalabas at minsan ay matagal pa ang day off ni Carla. Wala naman akong magagawa dahil lahat naman talaga ng nasa palagid ko'y magsisipag-asawa rin at magkakapamilya. Nalulungkot lang ako dahil kapag nagkaganoon ay mababawasan na ako ng tapat na tauhan na ang turing ko'y kapatid na rin.

“Sige, basta bukas bumalik ka ha, at wala kaming katulong bukas. Mas malakas ang kitaan bukas e at sa isang araw.”

“Oo naman, Ate. Ito kasing jowa ko, gusto na akong pakasalan. Sabi ko nga ay hindi pa ako handa at nalilibang pa akong magtrabaho, sayang din kasi ang trabaho ko rito, Ate. Ang dami ko ng naitulong sa pamilya ko sa probinsya, at katulad mo nasusuportahan ko rin ang mga gamot nila. Napagawa ko na rin ang bahay naming dati ay isang bagyo lang ay tinatangay ang bubong namin. Sa tagal kong nagtatrabaho sa 'yo, Ate. Daig ko pang nagtatrabaho sa ibang bansa. Sa rami kong naipagawa ay para akong tunay na marami ng narating. Salamat sa 'yo, Ate ha. Ito ang dahilan kung bakit nahihirapan akong mag-asawa, at iwan ka. Baka kasi mamiss kita,” anito na kamuntikan pang maiyak.

“Ang dami mong drama, Carla. Hindi ba't sabi mo sa akin, wala na munang iyakan? Pinaiiyak mo na naman ba ako?” tanong ko kay Carla,

“Oo nga pala no! Bawal nga pala ang drama ngayon.” Biglang ngumisi si Carla sa akin, kaya napapailing na lang din ako.

Pero sa pag-uusap namin ay may isang batang lumapit sa akin, may dala itong pulang rosas.

“Ate, may napapabigay po sa inyo,” anito sabay abot sa akin ng bulaklak na hawak niya.

Daisy ( Publish as book )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon