Ang Simula

8 1 0
                                    

Caroline's Pov

I woke up early in the morning because i heard a different kind of sounds mula sa labas ng aking silid

When i open the door that made in tree of magbate it is known as one of the strongest and hard tree in this forest

"Maligayang kaarawan sayo" masiglang bati ng aking lola habang aking lolo naman ay may dalang maraming prutas galing sa aming mga pananim

"maraming salamat po 'la 'lo" i smiled them

"may nais kaming ibigay sa iyo apo ko" sabi sakin ni lola

"ito ay galing sa isang napakaimportanteng tao at dahil ikaw ay labing anim na taong gulang na gusto naming ikaw na ang humawak nito" paliwanag niya

Agad kong kinuha ang napakagandang uri ng kwintas na may pendant na itim na dyamante at sa loob nito ay may mga maliliit na bato na ibat ibang kulay

"akin na at isusuot ko ito sayo" sabi naman ng aking lolo

"bilisan na ninyo at tayo ay kumain na may inihanda akong mga pagkain para sa iyo apo" maligayabg sabi ni lola

"napakaganda mo apo nawa ay mabigyan pa ako ng mahaba pang buhay upang makita pa ang iyong kagandahan" sabi ni lolo habang isinusuot ang kwintas sa akin

"naku lolo bibigyan kayo ng mga dyosa at dyos ng mahabang buhay dahil napakabubuti ninyo nakakapagpagamot kayo ng mga taong may karamdaman" sabi ko habang tinititigan ang pendat ng kwintas mula sa salamin

"o sya tayo na at kumain na baka umusok na naman ang ilong ng iyong lola dahil sa tagal nating dalawa" natatawa niyang sabi

Nauna ng naglakad patungong kusina si lolo

Mula ng magkaisip ako sila na ang nakagisnan ko hindi ko alam kung nasaan ang aking ina at ama dahil hindi ito binabanggit sa akin nila lolo

Sila lolo at lola ay mga mangkukulam pero sila ay tinatawag na healing witch isang uri ng mangkukulam na ang kayang gawin ay magpagaling ng mga karamdaman bukod sa pagpapagaling may iba din silang alam na mahika ngunit kakaunti lamang tulad ng pagpapalutang ng isang bagay na siyang natutunan ko lang din sa kanila sa pamamagitan ng pagbigkas ng orasyon o spell dahil hanggang ngayon hindi ko alam kung anong uri ng mahika ang mayroon ako.. Sila lolo at lola din ay minsan lumalabas sa gubat dahil tumutulong sila sa mga kabaryo na may sakit..

Kilala sila lolo at lola sa baryong ito, napakabubuti ng mga tao dito lagi kaming dinadalhan ng kung ano anong gamit o kaya naman ay pagkain dahil narin siguro sa kabayaran nila sa pagtulong ng aking lolo at lola sa kanila

"lola do you think im special" biglaang tanong ko sa kanila

"oo naman apo ikaw ay isang espesyal na bata" ito ang palaging sagot nila sa akin mula ng magkaisip ako

"kung espesyal ako lola bakit wala akong sariling mahika katulad ninyo" tanong ko sa kanila

"apo hindi palang nagpapakita sayo ang dyosa na nagbibigay ng mga mahika sa bawat nilalang sa mundong ito maghintay ka lamang at darating din siya" sagot naman ng aking lolo na abala sa pagkain

"pero bakit si mel bata palamang binigyan na siya ng mahika ng kanyang dyosa" isa ko pang tanong sa kanila

"tama na ang tanong caroline kumain kana hindi palang ito ang tamang panahon para magpakita siya sayo" sagot ng aking lola

Nagpatuloy nalamang ako kumain

Si mel ay kaibigan ko dito sa baryo mula ng bata pa ako nakilala ko siya ng maligaw siya sa gubat at dahil dun naging magkaibigan kami

The Witchcraft with The 12 Zodiac SignWhere stories live. Discover now