Soul Eater

8 1 2
                                    

Caroline's POV

Pagdating nila lola at lolo agad kong ibinalita sa kanila ang panaginip ko at pagdiskubre ko sa aking mahika

Tanging puting sinulid palamang ang kaya kong magamit at nahihirapan pa akong kontrolin ito

Tuwang tuwa sila lolo at lola dahil nabigyan na ako ng Dyosa ng mahika

"apo may sasabihin kami sayo" tawag atensyon sa akin ng aking lola habang kumakain

"ano po yun" tugon ko

"dahil nabigyan ka na ng Dyosa ng mahika gusto namin na matutunan mo ito ng husto at syempre gusto namin na matuto ka sa sarili mong kakayahan" paliwanag sa akin ni lolo

"magaaral kana sa Witch Academia" sabi naman ni lola

Na lalong nagpakagulat sa akin

May parte sa akin na masaya at mayroon din na malungkot

Malungkot kasi hindi ko na makakasama sila lolo at lola

"malaki kana apo kailangan mong mapalawak ang iyong nalalaman marami kang mababasang libro sa labas ng kagubatang ito at mga karanasan na hindi mo pa mararanasan" sabi naman ni lola

"payag naman po ako lola ngunit nagaalala ako sainyo" malungkot kong sagot

"matanda na kami apo magkakasakit, manghihina at mamamatay ayaw namin na itong kagubatan lamang ang iyong alam na lugar" paliwanag ni lolo

Natapos ang aming pagkain na may ibat ibang kwento ng kabataan ng aking lolo at lola

Pinindot ko ng dalwang beses ang singsing na binigay sakin ni mel at biglang may nagflash na isang screen kung saan makikita siyang nakaupo at habang nakangiti sa akin

"bespren napatawag ka" sabi niya

"nagpakita na ang Dyosa sakin" pagbabalita ko sa kanya

"im so happy for you bes" sabi niya habang parang kinikiliti

"at ipapasok narin ako sa Witch academia nila lolo at lola"

"wow kailangan ko narin sabihin sa aking ina at ama ang tungkol dito para sabay tayong magaaral" masaya niyang sabi sakin

noon pa man gusto na siyang pagaralin ng kanyang mga magulang sa Witch academia ngunit hinihintay niya lamang ako gusto niya na sabay kaming magaaral

Kaya lalo akong natotouch sa kanya

Masaya kaming naguusap ng may narinig akong malakas na pagsabog mula sa kanya napaupo rin siya dahil sa pagsabog na narinig namin

"anong nangyayari diyan" tanong ko

"hindi ko alam bes.. Saglit lang titingnan ko" sagot niya na may bakas ng takot mula sa kanyang mata

At dun pinatay niya ang paguusap namin

Agad akong lumabas masama ang kutob ko sa pagsabog nayun

"lolo lola" tawag ko habang lumalabas sa aking silid

Nang lumabas ako mula sa bahay makikita ang maitim na usok mula sa kalangitan at ang mga ibong nagsisiliparan

"maghanda kana dalhin mo ang mahahalagang gamit mo" papalapit na sabi sa akin ni lola habang si lolo naman ay tumatakbo mula sa kanyang likod

"ano pong nangyayari" taka kong tanong sa kanila

"bilisan mo na mamaya ko na ipapaliwanag kailangan ko munang masigurado na hindi nila tayo matutunton" hinihingal na sabi ni lolo

Agad kong sinunod ang mga sinabi nila at dinala lamang ang mga mahahalagang gamit ko tulad ng damit aklat at iba ko pang kagamitan

"bespreennn" rinig kong sigaw ni mel mula sa labas ng aking silid

Binuksan ko ang pinto habang dala ang aking gamit

"anong nangyayari bes" tanong ko sa kanya habang magkayakap kami

"bes ang mga itim na mangkukulam sinalakay nila ang baryo" maluha luha niyang sagot sakin

Ang mga itim na mangkukulam ay sila  ang mga nilalang na walang sinusunod gumagawa ng masama at ang kalaban ng lahat ng nilalang sa mundo tinatawag din sila na mga Soul Eater dahil kumakain sila ng kaluluwa ng may buhay sa mundong ito ...

"pero paano bakit" tanong ko

Magsasalita na sana siya ngunit biglang dumating sila lolo at lola

"ihahanda ko na ang daan na lalagusan ninyo" sabi sa amin ni lola

"lagusan?" tanong ni mel

"oo deretso ito sa Witch Academia ito lamang ang ligtas na lugar" sagot naman ni lolo

"pero paano ang aking mga magulang kayo" sabi naman ni mel

"tumutulong sila sapagligtas ng mga kabaryo natin kaya magmadali na kayo aalis kayong dalawa ngayon" sabi ni lola na mabilis naglakad patungo sa may labas ng aming tahanan

Tanging pagsunod lamang ang aming nagawa ni mel magkahawak kamay kaming lumabas dala ang aming mga gamit

"alam na ng paaralan ang pagdating ninyo magingat kayo at sa pagbalik ninyo sana malakas na kayo"sabi ni lola habang si lolo naman ay gumagawa na ng daan

"sumama nalamang po kayo sa amin lolo lola" pagpapalipat kong tingin na sabi sa kanila

" apo hindi maaari kailangan kami ng kabaryo natin" paliwanag niya at hinalikan niya ang aking noo

Napapikit nalamang ako wala sa loob ko na umalis ng ganitong umaga

"pangako po babalik kami at ililigtas namin kayo at magiging malakas" maluha luha kong sabi kay lola

Isang yakap ang binigay nila sa aming dalawa ni mel

Baka kami hinigop ng lagusan

Tahimik na paligid at magagandang huni ng ibon ang aking narinig

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata kasabay ng pagbukas nito ang pagsigaw ni mel sa akin

"wow bes ang ganda" namamangha niyang sabi

Sa malaking gate may malalaking letra na nakaukit

"Welcome to Witch Academia" bulong ko

Bawat letra ay kulay ginto at may nakadesenyo pang isang witch na nakasakay sa broom o sa walis na ginagamit ng mga mangkukulam na transportasyon ngunit akoy hindi pa ito nasusubukan

Biglang bumukas ang napakagandang gate sa aming harapan at lumabas ang isang matandang babae habang may dalawa pa itong kasama sa kanyang likuran

"maligayang pagdating sa aming paaralan" bati niya sa amin na may malapad na ngiti

"bes totoo nga nandito na tayo"hindi makapaniwalang sabi sa akin ni mel

Tanging pagtango lamang ang aking naisagot dahil sa dami ng tumatakbo sa isip ko

Paano nila nalaman ang aming pagdating naplano na kaya ito ni lola at lolo o nagkataon lamang

Ano ang nangyari sa baryo bakit biglang ginulo ng mga soul eater o itim na mangkukulam ang aming maliit na baryo

----itutuloy--
3/15/19

Click the star button..

The Witchcraft with The 12 Zodiac SignWhere stories live. Discover now