Ang unang araw

3 0 0
                                    

Sa isang linggong pamamalagi namin dito sa loob ng Witchcraft Academy nagsearch ako about sa eskwelahang ito

Ito ay isang daang taon nang nakatayo , nagsimula ito sa maliit hanggang sa napalawak ang eskwelahang ito sinasabi din sa aklat na nabasa ko matataas na Good Witches ang nagpatayo ng Witchcraft Academy ang isa sa mga dahilan nito ay dahil sa naging masama ang imahe ng mga mangkukulam sa ibang nilalang, lalo na sa mga ordinaryong nilalang sa mundo,

Ang mga mangkukulam ay nahati sa dalawang uri ito nga ang Good and Bad witch ngunit kahit na nahati ito ang tingin parin ng ibang nilalang ay lahat ng mangkukulam ay masama, taksil at hindi mapagkakatiwalaan..

Ang mga bad witches o tinatawag na soul eater ang siyang nagpasimula ng malawakang digmaan noong dalawang daang taon na ang nakakalipas maraming nasawi sa nasabing digmaan at marami ring kaluluwa ang nawala.

Sinisisi ng lahat ang mga mangkukulam kahit na ang mga goodwitches na kasama sa digmaan ay nadamay sa galit ng lahat.

Sinasabi nila na ito ay mga kauri rin namin kung kayat bakit hindi sila napasunod o natalo ng kapwa mangkukulam. May nagsasabi naman na pinagtatakpan lamang ng mga Good witches ang Bad witches kaya hindi nila ito pinipigilan sa lahat ng ginagawa nilang masama.

Ang tanging gusto lamang ng mga Good Witches ay ang malinis at maibalik ang tiwala ng ibang nilalang sa amin.

Tiwala na mahirap makuha.

Isa sa mga tumatak sa isip ko ng matapos kong mabasa ang libro

"uy bes matulog kana may pasok pa tayo bukas" biglang sabi sakin ni mel na kalalabas lamang sa paliguan

"oo matutulog na ako nagbasa lamang ako tungkol sa Witchcraft Academy" sagot ko

"sa tingin mo bakit sa ating baryo hindi naman galit ang mga ibang nilalang sa atin na mangkukulam, katulad ng sinasabi sa librong ito" tanong ko sa kanya

"malamang nakikinabang sila sa atin tsaka maayos naman tayong nakikisama sa kanila ganun din naman sila sa atin, kaya ikaw ay matulog na" sagot niya

"namimiss ko tuloy sila" biglang sabi ni mel

"sana maayos lang sila" bulong ko habang nakatitig sa libro

Tumayo na ako at pumunta sa aking higaan..

Bukas ang simula ng lahat

"mellllllllll gumising kana malalate tayo sa agahan sige ka hindi na naman tayo makakasabay sa pagkain. Isang linggo na tayong palagi magisa kumain sa malawak hapag kainan na iyon" sigaw ko sa kanya habang niyuyugyog siya

"5 minutes lang carol" nakapikit niyang sabi habang nakayakap pa sa malaking unan

"magagalitan na naman tayo ni Ms . Chin" sabi ko pa

"pagbilang ko ng tatlo at hindi ka pa nabangon iiwanan na kita" pananakot ko

Bigla naman siyang napabalikwas ng bangon at derederetsong naligo

"bilisan mo mel ang bagal mo maglakad" sabi ko habang hila hila siya

"wait lang inaantok pa ako" sabi niya habang inaayos ang salamin sa kanyang mata

Agad kong binuksan ang malaking pinto sa dining hall

"late na naman tayo" bulong ni mel

"kasalanan mo kasi" bulong ko naman sa kanya

Pinagtinginan agad kami ng ibang estudyante dahil sa biglaang pagbukas ng pinto

Nakakahiya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Witchcraft with The 12 Zodiac SignWhere stories live. Discover now