The school of witchcraft

10 0 0
                                    

Caroline's Pov

Tahimik na paligid at mga huni ng ibon na sumasabay sa pagihip ng hangin ang tanging naririnig habang naglalakad kami papasok sa loob ng eskwelahang ito.

Tumigil sa malaking pintong itim ang matandang babae na sumundo sa amin sa labas ng eskwalahang ito

"pumasok kayo" sabi niya sa amin ni mel habang ang kanyang dalawang kasama naman ay pumasok din

Umupo kaming dalawa ni mel sa isang malambot at mahabang upuan

"Maligayang pagdating muli sa witchcraft academy hindi pa ako nakakapagpakilala ng pormal sa inyong dalawa.. Ako nga pala ang isa sa mga namumuno sa paaralang ito tawagin ninyo akong Ms. Chin" nakangiti niyang pagpapakilala sa amin

"ako naman po si Caroline"

"ako naman po si Mel maraming salamat po"

"siya nga pala sa susunod na araw na ang simula ng klase sa paaralang ito...at isa pa itong dalawa kong kasama ay si Cha at Chou" paliwanag niya ulit sa amin

Nagulat kami ng isang kumpas ng kanyang mga kamay ay biglang nawala sila Chou at cha

Hindi kaya...

"tama ka ng iniisip mo Caroline sila ang aking Mahika kaya kong gumawa ng mga tagasunod ko" nakangiti niyang tugon

"ang astig naman po ng mahika ninyo" namamanghang sabi ni mel

"may mga sinusunod na alituntunin sa loob ng eskwelahan ito ang una kailangan ninyo munang kumuha ng eksaminasyon"

"hala Ms. Chin mahirap ba yan" nagaalalang tanong ni mel

"paano kung hindi po kami makapasa" tanong ko

"papaalisin ninyo po ba kami kapag hindi kami nakapasa hala anong gagawin natin carol" ayan na naman siya naghihysterical

Agad ko namang pinitik ang kanyang noo

"aray naman carol" angal ni mel

"tumahimik ka kasi muna" sabi ko sa kanya sabay sulyap kay Ms. Chin na nakangiti

"ayos lang titingnan lang namin kung ano ang inyong mga kakayahan hindi kayo papaalisin alam kong ang mga batang pumapasok dito ay may mga layunin, hindi ba" sagot niya sa amin

Dahilan kung bakit kaming dalawa ni mel napatango

Layunin naming maging malakas at iligtas ang tagabaryo

"sige na mga iha magsipaghanda na kayo sasamahan kayo nila Chou at Cha sa inyong magiging kwarto" sabi niya

Tumayo na kami at nagpaalam kay Ms. Chin

Nangungunang maglakad sila Cha at chou habang kaming dalawa naman ni mel ay tahimik na nakasunod sa kanilang dalawa

"sa tingin mo anong klaseng eksaminasyon yun" tanong sa akin ni mel

"malay ko remember ngayon palang tayo mageenroll dito" sagot ko sa kanya

"chou at cha anong klaseng eksaminasyon yun" tawag niya kaso tiningnan lamang siya ng dalawa at nagpatuloy ulit sa paglalakad

"ouch dedma" pangaasar kong sabi kay mel na nagpasimangot ng mataba niyang pisngi

Pansin ko lamang sa kanila hindi sila nagsasalita hindi ko pa sila naririnig na magsalita mula kanina

Napatigil ako sa pagiisip ng mabangga ako sa likod ni mel

"aray bakit ka tumitigil" reklamo ko

"andito na tayo" sabi niya

Napatingin naman ako sa dilaw na pinto na binubuksan ngayon ni chou

Pagkabukas agad kaming pumasok nawala narin sa aming harapan sila chou at cha siguro umalis na

The Witchcraft with The 12 Zodiac SignWhere stories live. Discover now