V.

116 3 0
                                    

"Bakit di ka makasagot, Anna?" tanong sa kanya ni Ric. Medyo masakit na ang pagkakahawak ni Ric sa mga braso niya pero hindi maramdaman ni Anna. Nagulat lang siya sa narinig niya.

Alam na ni Ric ang tungkol sa anak naming?!?!

Tinulak ni Anna si Ric kaya napa-atras si Ric pero hindi niya binitawan si Anna.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo!" nagpupumilit na pumiglas si Anna kay Ric.

Lalong nagalit si Ric. Bakit ba hindi pa niya aminin na may anak sila?

Maliban nalang kung..

"Hindi mo alam ang sinasabi ko, Anna?" nilapit niya ang mukha niya kay Anna. "Pwes, mas maraming alam sa buhay mo ang kaibigan mo?"

"Anong-"

"Ang kaibigan mong si Miranda, Anna!" napasigaw si Ric at napansin niyang masyadong mahigpit na ang pagkakahawak niya kay Anna kaya binitawan niya ito at tumalikod sa kanya.

Hindi makagalaw si Anna. Ang daming nangyari. Ang dami niyang gusting itanong. Hindi lang niya alam kung papaano sisimulan. Humarap ulit si Ric sa kanya at alam niyang wala na siyang kawala.

Napalunok si Anna at hindi makatingin ng diretso ky Ric.

"Ric-"

"Tumingin ka sa akin, Anna!" sabi ni Ric sa kanya bigla at napatingin adag si Anna sa kanya sa lakas ng boses niya. "Kung magsisinungaling ka, the least you could do is say it to my face."

"Anong sinabi sa'yo ni Miranda?" tanong ni Anna sa kanya na halos di marinig ni Ric sa sobrang hina.

"Marami. Saan mo ako gusting magsimula?"

Huminga ng malalim si Anna.

"Tama ka, Ric. May anak nga ako. Alam ni Miranda yun pero hindi niya alam kung sino ang tatay ng anak ko!" binigyang diin ni Anna ang salitang "ko".

Tumawa lang si Ric.

"Alam mo ba na ang kaibigan mong si Miranda ay napakadaling kausap? Hindi ako nahirapan na kumuha ng impormasyon sa kanya tungkol sa'yo dahil gusto kong malaman kung anong nangyari sa'yo. Pero ako rin pala ang magugulat ng sinabi niya sa akin na kapapanganak mo pa lang! Pitong buwan pagkatapos nating maghiwalay!" napanganga si Anna sa mga narinig niya. "Sa huling pagkaka-alam ko, magaling ako sa math, Anna. Hiniwalayan mo ako pero buntis ka na pala. Ano yun? Just out of spite, itatago mo sa akin ang anak ko?" magsasalita sana si Anna para ipagtanggol ang sarili niya pero inunahan siya ni Ric. "At alam mo rin ba na hindi ako agad naniwala dun? Na hindi mo kayang gawin yun. Pero pinatunayan na naman ng kaibigan mo kung gaano ako katanga, Anna. Pinakita niya sa akin ang picture ng anak mo at alam mo anong naisip ko?!" hindi na hinintay ni Ric na makasagot si Anna. "Kamukhang kamukha niya ako nung ganun din ang edad ko! My god, Anna! Paano mo nagawang ilihim sa akin 'to?! Sarili kong anak?!" Ric was breathing hard after ng tirada niya kay Anna. Nakatingin lang siya kay Anna as if naghihintay na magsalita.

Pero iba ang ginawa ni Anna. Lumakad siya papunta kay Ric. Tiningnan muna niya ito ng ilang segundo bago niya sinampal ng malakas si Ric.

"Ang kapal ng mukha mo!" nakita niyang namula ang pisngi ni Ric pero hindi ito ang oras para ma-guilty si Anna. "Wag mo akong sisisihin na hindi mo nakilala ang anak mo. Oo! Buntis ako ng mgahiwalay tayo pero nalaman ko lang yun pagkatapos na hindi before. Pangalawa, hindi mo nalaman dahil ikaw ang nakipaghiwalay at ang ibig sabihin lang nun pinutol na natin ang koneksyon sa isa't isa, Ric. Dinurog mo ang puso ko. Pinaniwala mo ako na mahal mo ako pero nagpakatanga lang ako sa'yo. Wala kang karapatan sumbantan ako tungkol sa anak ko! Anak KO, Ric! Tandaan mo yan! Anak ko dahil ikaw mismo ang nag tanggal ng sarili mong karapatan sa kanya!!" sinampal niya ulit si Ric bago lumabas ng opisina at naiwan sa loob ang mas nalilito at mas galit na Ric Fernandez.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon